"Today, I don't feel like doing anything
I just wanna lay in my bed
Don't feel like picking up my phone
So leave a message at the tone
'Cause today, I swear I'm not doing anything" Puno ng energy na pagkanta ni Riley sa karaoke."Uh, I'm gonna kick my feet up then stare at the fan
Turn the TV on, throw my hand in my pants
Nobody's gon' tell me, I can't, nah
I'll be lounging on the couch, just chilling in my SnuggieClick to MTV, so they can teach me how to dougie
'Cause in my castle, I'm the freaking man
Oh-oh, yes, I said it, I said it
I said it 'cause I can" Pagpapatuloy ni Tristan at inagaw ang microphone na hawak ni Riley. Nabigla yung isa sa paghigit sa kaniya ng mic kung kaya't nabatukan siya ni Riley.."Tang ina ang sakit non Riley!" Sigaw ni Tristan sa isa. Mamaya maya lang ay magbabangayan na silang dalawa.
"Bakit mo kasi kinuha nalang bigla! Sementuhin kita ng buhay eh!" Sigaw naman nito. Hindi talaga siya magpapatalo. Hindi na ako magtataka kung bandang huli magkakatuluyan silang dalawa.
Iiling iling lang akong pinaoanood sila habang nakaupo sa monoblock at nakasilong dito sa tent. I check my phone kung nagreply na ba siya sa text ko ngayong umaga pero wala pa, siguro ay busy pa sa pag-aasikaso o di kaya'y natraffic lang.
Huwebes na ngayon at ang bilis lang lumipas ng araw mula nung lunes, kung saan nangyari ang kasal kasalanan namin ni Miss Calli. Marami ang nangyari mula ng araw na iyon at napansin ko ang kaunting pagbabago sa kung paano siya makitungo sa akin, ganon na rin sa mga kaibigan ko pero hinding hindi pa rin nabawasan ang katarayan niya at pagsusungit pagdating sa akin sa tuwing may gustong makipagusap sa akin lalo na kung babae at maganda ito. Nariyan na hindi niya ako pansinin kapag nakita niyang may kausap na naman akong ibang babae.
Aaminin kong wala pa rin kaming status o label sa isa't isa pero hindi ko naman magawang tanungin siya ulit gaya nung nakaraan dahil natatakot talaga ako sa kung ano naman ngayon ang isasagot niya sa akin.
Flashback~
Naalala ko pa yung sigawan, asaran at mga sipol ng mga kaibigan, kaklase at mga kakilala ko matapos akong halikan ni Miss Calli doon sa marriage booth.
"Hanep talaga ang ganda mo semento!! Walang kupas!" Si Reign matapos kaming kuhaan ng picture para daw may remembrance kami.
"Pag-ibig mo~ ang hanap ng pusong ligaw, ikaw ang patutunguhan at pupuntahan~" Pagkanta naman ni Dale at Akio sa mic na hawak nila kaya rinig na rinig ng lahat ng students at outsiders ang boses nila. Tinarayan ko sila at sinabing mag-uusap kami ng masinsinan.
"Wala na finish na! Kasal na sila..sa marriage booth! Magpasalamat ka sa foundation week kundi baka nag-iinom ka na naman!" Pang-aasar na turan ni Riley at ikinatawa ng mga nasa paligid. Maging ako ay natawa rin dito.
Puro asaran at ako ang naging sentro nila matapos naming umalis sa marriage booth. Hindi ko naman alam kung saan na nagpunta si Miss Calli dahil may tumawag sa phone niya kung kaya't nagpaalam ito na sasagutin muna.
Naging masaya ang paglipas ng mga araw dito sa university. Kasalukuyan pa rin ang pagdaos ng foundation week, mas dumami ang mga students galing sa iba't ibang university dahil sa naging programa ng Student Councils, nariyan na may mga prizes na educational book kits sa per department kung mananalo sa games nila.
Naging maayos din ang flow ng booths namin. Malaki laki na rin ang naipon para sa chosen charity group namin. Malaki ang maitutulong nito lalo na sa mga bata na walang kakayahang pag-aralin ng kanilang mga magulang.
YOU ARE READING
Twenty Minutes Of Summer
RomanceSummer is the time when people enjoying the view and warm weather and relaxing their body and mind, pero iba ata ang naging dala sa akin ng summer. Kakaibang bersyon ata ng summer itong sa akin.... Started: May 2022 End: - - - - - © 2022 @dilawnabu...