CHAPTER VIII

99 9 11
                                    

Isang linggo na ang lumipas ng naging abala ang buong klase sa kaniya kaniyang practice para sa final activity slash examination namin sa PE.

At isang linggo na rin pala ang nakalipas nung huling pagkikita namin ni Miss. Hindi naman ako umiiwas, ewan ko lang siya. Sadyang busy lang talaga ako sa practice namin at sa pagbisita sa site ng bagong project sa work.

Kasalukuyan kaming nagpapractice rito sa open whole court ng university. Final practice na dahil mamayang hapon ay mismong laro na namin.

"Guys! Time out muna, parang any minute lalabas na puso ko sa sobrang lakas ng tibok! Haaa!" Hingal na sigaw ni Tristan.

Isinalampak ko ang sarili ko sa semento para makapahinga. Hindi ko alintana ang dumi at alikabok na didikit sa all white na suot ko. "Magpahinga kayo hindi yung nag-aaway kayo diyan. Tubig lang yan Tristan! My gosh! Paunahin mo muna yung girls, epal ka talaga eh." Sita ko sa kanila ng makitang nag-aagawan sa malaking jug ng tubig na baon ko for all of us.

Maaga palang naman kaya okay lang na dito kami nagpractice at ng maarawan din kaming lahat. Paladesisyon ang Reign kaya nandito eh.

"Woi semento may tumatawag sa phone mo!" Sigaw ni Reign.

At sino naman ang tatawag sa akin ng ganito ka-aga?

"Sino? Anong pangalan?" Tanong ko tsaka tumayo at naglakad. "Huwag mo akong ngisian ulan! Baka isemento kita diyan." Asar ko sa kaniya pero tinawanan lang ako ng gaga. Nagtaka naman ako kung bakit tumatawag ang isang ito. Himala kasi eh!

Lord, sign na po ba ito? Kung oo po, maraming salamat! Hehe

Sumenyas ako sa kagrupo ko na lalabas muna para sagutin ang tawag. "Pagbalik mo last two practice tayo, Veil!" Aniya ni Tristan.

"Goodmorning. Napatawag ka?" Bungad ko pagkasagot ng tawag.

["Where are you?"]

"Nandito sa univserity, bakit?" Miss ba ako nito kaya ako hinahanap? Tatanong kung nasaan ako, tss parang hindi niya alam?

["Practice? Ano kasi..."] Bakit ba kasi ayaw sabihin agad? Kinakabahan ako eh.

"Yes final practice. Bakit ka nga napatawag?" Medyo napipikon na ako sa kausap ko ah.

["Hatid mo ako mamaya sa mall. Maintenance day ng car ko eh. Hehe"] Nasapo ko ang noo ko dahil dito sa kausap ko. Ayon lang naman pala hindi pa agad sinabi.

"Ayon lang naman pala sasabihin mo, akala ko pa naman ay importante. Sana nagtext ka nalang tsaka anong oras ba?"

["Kahit before lunch. Oh sige na, practice kana ulit at mamayang hapon na iyan diba?"] Napangiwi naman ako.

"Oo at parang hindi mo alam ah? HAHAHAHA Oh siya bye.~" Then she ended the call. Bumalik na ako sa court at nagstart na ulit ang practice.

Pumalit ako sa naming kaklase para magpahinga. Ipinasa sa akin Reign ang bola tsaka ko itinakbo habang idinidribble. Nang makarating sa linya ng tres ay pinasa ko kay Tristan ng makita libre ang paligid niya at isa lang ang bantay. Pagkapasa ko ng bola ay agad na pumwesto si Reign linya ng dos  para saluhin ang bola at pumeke pa ito tsaka ako bumwelo ng pwesto at sinalo ang bola mula kay Reign tsaka ito tinira sa tres at pasok!

Nagyakap pa kami ni Reign dahil naishoot ko ang bola sa tres. Sumali naman ang iba sa yakapan galak moment naming dalawa.

Nagpatuloy lang ang practice hanggang sa napagdesisyunan namin na ihinto na para makapahinga muna at makauwi bago ang laro mamaya. Babalik nalang daw kami ng alas kwatro sa gym para sa laro mismo. Alas diyes trenta palang pero nakailang practice na rin kami, alas sais palang kasi ay nandito na kami.

Twenty Minutes Of SummerWhere stories live. Discover now