CALIFORNIA'S PLEASURE
Wala akong ginawa kundi ang matulog dito sa hotel dahil nung antok na antok talaga ako at parang lumulutang pa ang katawan ko sa tagal ng oras kong namalagi sa loob ng plane. Wala rin akong ginawa buong flight kundi ang matulog. First class kaya solo at comfortable akong nakatulog hanggang sa naglanding.
Hindi rin ako pinapansin ni Miss Calli buong flight day busy siya sa pagbabasa ng librong dala dala niya.
All fixed na pala ang tutuluyan namin for a week. Settled na ang lahat bago pa ipaalam sa akin ang tungkol sa trip na ito. Ngayon ko lang din nalaman na sa California pala ang punta akala ko ay sa New York.
Umaga ngayon dito sa California, 8:28 am nang tingnan ko sa digital clock. Im still lying on a queen size bed, tamad na tamad akong bumangon. Wala rin naman akong gagawin dahil hindi ko pa rin alam kung bakit ako nandito kasama ang professor ko.
Speaking of her, maybe she's still sleeping on her room beside mine. Magkahiwalay kami ng room dahil presidential suite naman ito kaya may two rooms.
"So, ganito nalang tayo maghapon, Veil? Matutulog ka nalang ba ulit?" I ask myself bago bumangon.
"No, of course not!" I answered my own question na parang tanga.
"Ano pang ginagawa mo? Go to the bathroom, maligo ka self at magbihis tapos gumala ka! Huwag kang uuwi hanggat wala kang nagiging crush at ka-talking stage mo!" Sagot ko ulit sa sarili ko at napangisi pa.
Sasagutin ko pa sana ang sarili ko nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at lumitaw ang presensya ng propesora. Aga aga nakasimangot ang mukha niya pero ang ganda ganda pa rin talaga niya.
I gulped multiple times nang mapagtanto ko ang suot niyang nighties. Nakausot siya ng sando na hindi kanipisan at cotton short na kung saan hapit na hapit yung ano niya. Namula ang dalawang pisngi ko dahil sa nakikita.
"Umaga palang pero manyakis ka na agad! Wala manlang Goodmorning diyan? Kamanyakan agad, Veil?" Mataray na sabi sa akin ni Miss Calli kaya napaiwas ako ng tingin sa kaniya.
"G-Goodmorning Miss. Bakit kasi nandito ka sa kwarto ko?" Utal utal kong tanong at mas lalong kumunot ang noo nito at masama akong tinapunan ng tingin.
"I wanted to wake you up for breakfast while it's still hot, but nakaopen yung door so I came in then I saw you talking to yourself like an idiot. Tsk." Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinabi niyang gigisingin niya ako for breakfast eh. Aga aga kasi, idiot na naman narinig ko.
Halikan kaya kita diyan Ma'am?! I can't stop myself complimenting her lalo na ngayong umaga na kahit wala siyang make-up ay ang ganda ganda pa rin niya at ang kinis ng skin niya! Parang ako, maganda pa rin kahit wala pang hilamos. Hehe
"Ahh I thought you miss me na agad eh." Biro ko sa kaniya. Nakatanggap naman ako ng ikot ng mata at tinarayan ako bago layasan. "Tss. Napakasungit, ang aga aga! Nagbibiro lang naman ako. Attitude ka Miss ah!" Sigaw ko pa at namura lang ako ng malutong. Gandang almusal. Hahahaha
I took a bath and found myself walking to kitchen when I see her in my peripheral view comfortably sitting at couch at the living room while watching Netflix. I stop and stare at her back amazingly. Kahit nakatalikod siya ay ang ganda ganda niya. Nakasando lang na spaghetti strap na ewan ko basta ang nipis tapos... tapos wala siyang suot na.. ano yung ano sa loob! Kita ko yung balat ng likuran niya na kay puti!!
Napalunok ako ng ilang beses at ramdam ang pawis sa aking kamay dahil sa nakikita. Ramdam ko rin ang init sa aking mukha at alam kong namumula na ang aking mga pisngi.
YOU ARE READING
Twenty Minutes Of Summer
Roman d'amourSummer is the time when people enjoying the view and warm weather and relaxing their body and mind, pero iba ata ang naging dala sa akin ng summer. Kakaibang bersyon ata ng summer itong sa akin.... Started: May 2022 End: - - - - - © 2022 @dilawnabu...