Hindi ko mapigilan ang mapasimangot habang nakikinig sa seremonsyas ni Mommy. Ang aga aga palang ay nanenermon na siya. Sumabay kasi ako sa kaniya papuntang company dahil hindi ko kayang magdrive dahil sobra pa akong inaantok.
"How many times do I have to tell you about your internship?! Hindi ba't sinabi ko na iyan sayo, Veil?" Panenermon ni Mommy sa akin. Lalo akong napasimangot, isinandal ko nalang ang ulo ko sa bintana dahil nahihilo ako sa antok.
Ang nakakainis pa ay after she activated my hormones ay hindi naman pala gagawin. Pinasakit niya lang yung puson ko tapos naligo siya at dumirecho ng tulog.
Hindi ko magawang pumikit at umidlip dahil tuloy tuloy ang pagsasalita ni Mommy. I am not allowed to talk back at idepensa ang sarili dahil mali ko naman talaga kung bakit niya ako pinapangaralan ngayon.
Halos dalawang oras lang ang tulog ko sa hotel kanina at mga paidlip idlip lang ang nagawa ko habang papauwi kami kanina.
"Sorry na Mom. Nawala sa isip ko na maaga po pala yung orientation ang akala ko po kasi ay na-adjust po ng 10 am kaya ayon po nalate kami ng gising kanina." I explained myself in good manner way dahil baka lalo lang siyang magalit.
My mom hate tardiness so much kaya ganito nalang kung paano niya ako pagsabihan. Ito ang kauna-unahang nalate ako sa tanang buhay ko sa college. Basta kasalanan talaga ng beer yon at ni Ma'am. Nakakainis!
She heaved a deep breath. "This would be the last time, anak. Late ka na sa orientation, ay nako." Napangiti ako dahil alam kong okay na siya at hindi na siya galit sa akin.
"Yes Mommy, promise po." Sagot ko naman ng may ngiti sa labi at tsaka inayos ang sarili bago bumaba ng sasakyan.
Pagbaba ko ng kotse ay tanaw ko na agad ang sasakyan nina Tracey at Ella at sigurado rin akong nandito na si Reign dahil alam kong ihahatid siya ni Tristan. Eh si Ma'am kaya nandito na rin? Kasama siya sa orientation dahil may dapat siyang pirmahan.
"Goodmorning Madam, Goodmorning Ms. Veil." The security guard greeted us. We both just smile at nagpatuloy sa paglalakad.
Agad na nagpaalam ako kay Mom dahil nagmessage sa akin si Reign na nasa eight floor daw sila sa may general hall ng company. Doon kasi gaganapin yung orientation at sa pagkaka-alam ko ay ipapakilala na rin kami; although kilala ko naman na ang mga to rito at kilala na rin nila ako ay sasama pa rin ako sa kanila.
"Go straight to my office after your orientation. I need a word with you later." I nodded and take my step to leave.
Pagkarating ko sa ro'n sa general hall ay nag-uumpisa na sila. Halos ako mag-iisang oras na akong late. Kumpleto na sila at ako nalang talaga ang kulang.
A woman standing in front stopped explaining about something ng buksan ko ang pinto at pumasok. Nahihiya akong pumasok dahil lahat sila ay nasa akin ang atensyon.
"Goodmorning. Im sorry for being late, something happened." Nahihiya kong sabi tsaka tuluyang pumasok at naupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Miss Calli.
I mouthed sorry sa bawat matang nakatingin sa akin, lalo na kay Miss Calli. Ni hindi ko na rin siya nacontact kanina dahil agad din kaming naghiwalay ng daan pagkarating namin sa paliparan nila Akio.
"Uulitin ko, bawal na ang late simula bukas dahil buka sna bukas din mag-uumpisa ang inyo official internship dito. 9 am is your official time para pumasok at hanggang 5 pm naman ng hapon. And according to the President and directors ay huwag kayong bibigyan ng mga gawain na hindi na ninyo sakop. Kung ano lang ang kailangan ninyong matutunan at pagtuunan ng pansin ay iyon lang."
Bigla akong nahiya sa unang sinabi nito. Eh hindi ko naman sinasadyang malate eh. Ang plano ko lang ay umidlip lang kanina pagkarating pero hindi iyon ang nangyari. Nakatulog lang naman ako ng dalawang oras pa!
YOU ARE READING
Twenty Minutes Of Summer
RomantikSummer is the time when people enjoying the view and warm weather and relaxing their body and mind, pero iba ata ang naging dala sa akin ng summer. Kakaibang bersyon ata ng summer itong sa akin.... Started: May 2022 End: - - - - - © 2022 @dilawnabu...