CHAPTER FOURTEEN

106 9 8
                                    

Kanina pa ako gising pero yung katawan ko ay mabigat pa rin at antok na antok pa. Nasa living room ako ngayon nagkakape para mahimasmasan.

Maayos at malinis na ang buong unit ng lumabas ako galing kwarto. Naglinis daw ang boys before leaving. I am with Nadia and Akari. Riley is currently taking a bath at nasa kitchen naman sina Reign at Ella nagluluto nang lunch.

Tanghali na kasi akong nagising kung tutuusin ay late na ang lunch namin eh.

"Bakit nga ulit naunang umalis yung tatlo kanina?" I asked for the nth times habang pinagmamasdan ko ang kapatid ni Reign na naglalaro sa sahig.

"May dadaan raw sa university. Pang ilang sagot ko na yan sayo Kate Elara Veil!" Oh! Out of patience.

"Tss. Shut up Nadia. Don ka na nga! Shoo shoo!" Pagtaboy ko sa kaniya dahil nag-uumpisa na naman siyang asarin ako sa mga kwento niya kung ano raw mga pinaggagagawa ko kagabi.

"Psh pikon! Tse!" Parang bata nitong buwelta at tsaka tumayo at pumunta sa kitchen.

"What?!" Iritadong tanong ko kay Akari. She looks at me na parang may nagawa akong kahindig hindig na bagay.

She shakes her head. "You didn't tell your parents na hindi ka makakauwi kagabi, ano?" Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.

I really forgot to message sila Mom na hindi ako makakuwi kagabi at dito ako sa condo ni Ella magpapalipas ng gabi. Natataranta kong kinapa ang phone sa inuupuan ko para sana magtext sa bahay---

"You don't have to worry. Tito Steven called you kaso tulog ka na kaya ako na ang sumagot." Tumango tango at pawang nakikinig ng maingi para ipagpatuloy niya ang sinasabi.

"Just like what I've said to Tito na you're already sleeping and we're in a safe place. Para hindi sila magworry. And.."

"And??" I repeat her last word.

"Your woman kept ringing your phone. Calling you for nth times since she left this unit yesterday. Puro text messages din at kahit sa Instagram ay may messages siya." She said at inabot an phone ko sa akin.

Sa aming lahat, tanging siya at si Reign lang ang hindi lasing dahil hindi naman sila totally uminom. Even they like it na uminom din but they can't dahil walang mag-aasikaso rito kinabukasan if they get drunk too.

"Thank you, Ri!" I muttered with a smile on my lips.

"Better call her or at least reply to her text." She adviced at maarteng tumayo at inayos ang sarili. Nilapitan niya ang nakanabatang kapatid ni Reign at nakipaglaro.

She really loves kids. Only child kasi itong si Akari kaya ganiyan nalang kasabik sa mga bata. Pareho sila ni Riley at Dale na only child. Pinagmamasdan ko ang dalawa kung paano maglaro ng lego blocks at kung paano mag change of voice si Akari na parang bata rin to entertain this kid.

How adorable they're!

I opened my messaging app dahil sa rami ng text galing kay Miss Calli, at sa parents at mga kapatid ko.

Nagreply muna ako sa text ng family ko. Para hindi na rin ako pagalitan paguwi ko mamaya.

[To: Daddy]
Goodafternoon Dad! Sorry I didn't send a message po kagabi. Nakatulog na ako rito sa condo ni Ella. We're still here.

Mabilis na nakapagreply ang Daddy ko sa aking text.

["It's okay. Akari tells us naman and don't forget about tonight's family dinner! Your Mom will gonna get mad at you and so your siblings kung hindi ka makakarating. Love you, sweetie!"]

Twenty Minutes Of SummerWhere stories live. Discover now