"Mr and Mrs Abelardo, Magandang umaga po! Maraming pong salamat sa pagpunta at pasensya na po sa abala. Alam po namin na busy po kayo pero importante po ito kung kaya't pinatawag kayo." Rinig kong wika ni Montreal na presidente ng SA.
Agad din kasing pinatawag ang parents ni Abelardo dahil sa ginawa niyang pagpasok ng lasing at mukhang nakadrugs pa tsaka yung paghalik niya sa professor namin.
Hindi ako sumasali sa usapan nila, tanging si Montreal at Vice ang nakikipagusap. Nakikinig lang ako. Maaaring ma-expelled o isang buwan na hindi makakapasok ang anak nila lalo pa't major policies and restrictions ang nilabag ng anak nila.
Kung tutuusin ay labas naman talaga ako sa issue na yan kasi umawat lang ako pero dahil sa ka-anuhan ko ay nakinig ako. Lumabas ako ng SAO at dumirecho sa PO. Pinapatawag kasi ako ng President regarding sa nangyari kanina.
Well, nasa clinic si Abelardo dahil nawalan ng malay sa sobrang kalasingan at epekto rin ng drugs sa kaniya. Yes! He's been drugged by his outside friends.
After ng maikling pag-uusapa ay dumirecho ako ng garden dahil maaga pa naman. May dalawang oras mahigit pa naman bago maglunch break. Tinext ko rin ang mga kaibigan ko na dumirecho rito pagkarating palang.
"Oh anong balita sa kaklase mo at sa crush mo?" Tanong agad ni Riley at tumabi sa akin. Nasa katabing bench naman nakaupo sila Akio, Dale at Akari, tahimik na nag-aabang ng kwento.
Isinalaysay ko ang buong nangyari kanina at ang naging desisyon sa PO kanina. Suspended siya ng two weeks at kailangan niyang sumama sa gaganapin na charity workshop sa susunod na dalawang linggo pero ang mabigat doon ay mukhang delikado talaga siya kay Miss Calli.
Hindi ko pa rin naman naitanong kung anong balak niyang gawin sa estudyante niya.
"Tsk. Nako nako pasaway naman kasi ng kaklase mo! Akala ko pa mandin ay goodboy ang isang yon." Komento ni Akio na habang busy sa phone.
"Nakakausap pa mandin ni Dale yon, hindi ba?" Sabat naman ni Riley at tumango tango lang ito. Tahimik naman na nakikinig si Akari at nakatingin sa akin.
"Why? Makatingin ka naman! Parang papatayin mo na ako ah?" Baling ko rito at napatingin naman ang iba.
"Make a move, idiot!" Nalilito ko siyang nilapitan at pinaulit ang tanong niya. "Isaid, make a move. Ang slow mo naman, Veil!" Eh bakit ba ang init ng ulo ng isang to?
"Sinasabi mo na naman?"
"Oo nga naman Veil. Make a move na! Huwag kang babagal bagal, baka maunahan ka! Sige ka, ikaw rin." Dagdag ni Dale ng magets ang ibig iparating ni Akari.
Heto ako hindi ko pa rin magets ang punto niya! Ano ba kasi yon?!!!
Napairing ako sa malakas na pagkutos sa akin ni Riley. Hindi manlang inawat nung tatlo. "Aray ko naman Riley! Masakit naman kasi!" Para akong maiiyak dahil sa pagkutos niya. Para kasing mabibiyak bungo ko eh.
"Ang hina naman kasi ng pang intindi mo ngayon. Nasaan ba utak mo ha?" Pangbabara ni Akio na nasapo pa ang noo dahil sa pagkafrustrate sa akin.
Eh ano ba kasi yon? Hindi ko nga magets eh! Huhuhu explain niyo naman guys oh?
Napanguso ako dahil hindi ko magets talaga. Para akong tanga rito at biglang bumaba ang level of understanding and comprehension ko.
"Hays. Ikaw mag-explain diyan Dale. Matutuyuan ako ng dugo at baka maging buhangin bigla buto ko sa isang yan!" Turo naman Riley sa akin. Humarap ako kay Dale pero tatawa tawa lang siya. Hatiin ko kaya buto niya, ano? Bwisit!
"Ikaw na Akio, tutal mahaba pasensya mo kasing haba ng ano m---" Hindi natapos nito Dale ang sinasabi niya ng biglang isalpak ni Akio yung panyo niya sa bibig ng katabi. At masama ang tingin dito. Pustahan tayo bastos na naman lalabas sa bibig ng isang yan eh.
YOU ARE READING
Twenty Minutes Of Summer
RomantizmSummer is the time when people enjoying the view and warm weather and relaxing their body and mind, pero iba ata ang naging dala sa akin ng summer. Kakaibang bersyon ata ng summer itong sa akin.... Started: May 2022 End: - - - - - © 2022 @dilawnabu...