Alas otso mahigit ng makarating kami ni Miss Calli sa bahay at kumpleto na kami ng ganiyan mga oras.
"Oh nandito na pala kayo. Ginabi naman yata kayo masyado?" Bungad ng kapatid ko sa amin ng makababa ito. Teka.. Kayo? Is she expecting Miss Calli to be here with us tonight? "Pumasok na kayo, dinner's ready. Magbihis kana sa itaas Veil, maguusap tayo mamaya." Biglang pagtataray nito sa akin at tsaka inaya si Miss Calli at nag-uusap pa.
I don't know what's up this night kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba. Anong pag - uusapan namin? Wala naman akong absences or lates. Napapaisip tuloy ako at nilalamon ng kaba.
Umakyat agad ako sa kwarto at ibinagsak ang sarili sa kama di alintana ang kirot ng sugat. Ang sarap sa pakiramdam na nailapat ko ang buo kong likod.
Ang sarap matulog lalo na kapag pagod ang katawan'g lupa ko dagdag mo pa ang sama ng pakiramdam ko. Pumikit muna ako sandali para magpahinga bago tuluyan'g maligo.
Hindi ko alam kung ilang oras akong namalagi sa kama dahil sa pagod at sama ng pakiramdam. Nagising ako sa katok sa pintuan ng kwarto at tinatawag ang pangalan ko. Sigurado akong si Dad itong kumakatok kaya naman pinilit kong tumayo para buksan ang pinto.
"Yes Dad?" Sambit ko matapos buksan ang pinto at tumambad sa akin si Daddy na may dalang tray ng pagkain. One bowl of chocolate oatmeal, one glass of milk and water at gamot.
"Umakyat kasi ang ate mo rito pati na ang kuya mo para gisingin ka at sabay sabay sana tayong maghahapunan pero hindi ka raw nila magising at sinabi rin na nilalagnat ka... at may sugat sa iyong likod, sweetie." Bakas sa boses ni Dad ang pag-aalala at ang pagtataka kung saan ko nakuha ang sugat na iyon.
"Biglang sumama po pakiramdam ko matapos namin mag practice ng basketball kanina para sa finals, Dad. Sa tingin ko dahil natuyuan na naman ako ng pawis, siguro." Pag-amin ko at pilit na magsalita dahil ang dry ng lalamunan ko. Ang hirap magsalita.
"Tatawagin ko ang mga kapatid mo ro'n sa baba para maasikaso ka agad. Huwag ka nang magpasaway, ang mommy mo ay sobrang nag-alala at baka maulit na naman daw." Sabi ni Daddy at tsaka inayos na nilagay ang pagkain sa maliit na lamesa na inilatag niya sa tabi ng lampshade at tsaka bumaba.
Alam kong nag-aalala siya at hindi ako makuhang pagalitan o sermunan kung bakit masama ang pakiramdam ko. Agad kong sinimulan ang paglantak sa pagkain ng biglang tumunog ang phone ko.
[Riley <333 's calling]
"Hmm? Napatawag ka?" Tanong ko pagkasagot ko ng tawag tsaka sumubo ulit ng oatmeal.
["How are you now? Okay kana ba? Kamusta sugat mo? Kung hindi pa sabihin sa amin ng ate mo hindi namin malalaman yan!"]
"Pasensya na. Busy kasi kayo kaya hindi na ako nag-abalang magkwento pa. Yung sa sugat naman ay namamaga na naman dahil natamaan kanina."
Nagkwento ako at sinagot ko ang mga tanong ni Riley para lang mahinggustuhan siya hanggang sa kumatok ang kapatid at pumasok dala dala ang med kit niya.
"Oh siya, isend mo nalang sa akin at ako ng bahala magpaliwanag kay Boss bukas pagdaan ko ro'n." Huling sabi ko at hinintay na maputol ang tawag.
Tuluyan pumasok ang kapatid ko na ngayo'y nakatitig lamang sa akin. "What's with that face, Ate?" Natatawang tanong ko sa kaniya ng hindi pa rin ito nagsasalita.
"Tss. Ang baho at ang pangit mong tingnan!" Maarte niyang asik at nandidiri akong nilapitan. Pinagmasdan ko naman ang itsura ko sa salamin na nakatapat sa higaan ko. Hindi naman ako mukhang igit ah? Arte talaga!
YOU ARE READING
Twenty Minutes Of Summer
RomanceSummer is the time when people enjoying the view and warm weather and relaxing their body and mind, pero iba ata ang naging dala sa akin ng summer. Kakaibang bersyon ata ng summer itong sa akin.... Started: May 2022 End: - - - - - © 2022 @dilawnabu...