CHAPTER FIFTEEN

83 8 10
                                    

The woman standing beside me is the woman I love. Sa mundong punong puno ng kritisismo ay siya ang pinakapaborito ko. Kahit ilang beses pa ata akong mapintasan at malait ng babaeng 'to ay siya pa rin ang gugustuhin ko.

Tanghaling tapat na ngunit ang mga ulap, ang araw at ang hangin ay nagkaisa. Saktong panahon na nakakapagpaalon ng damdamin at nakakapagpasayaw ng magagandang hibla ng kaniyang buhok.

Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Sana ay hindi na matapos pa dahil heto na ang isa sa paborito ko.

Maraming mata ang kasalukuyang nakatingin sa aming dalawa. Mga ngiti sa labi na hindi maalis alis sa akin dahil sa babaeng 'to. Her hands helds mine as the shutter sound of DLSR heard and captured the both of us. It is still unbelievable for me na narito siya ngayon katabi habang hawak ang isang kamay ko habang nakatingin sa camera.

Ilang poses din ang nagawa namin na siyang nakapagpakuntento sa araw ko. Hindi pa rin kumakalma ang sistema ko lalo na ang dugo at puso ko. They're pounding and striking so hard as like lightning.

"Last pose na then next lunch muna tayo!" Anunsyo ni Akari at Ericka ng pindutin ang click button ng DSLR na hawak nila.

Matapos ng isang iyon ay agad ko siyang hinila palabas ng open field derecho sa opisina ko. Malapit lang 'yon dito kaya't hindi nagtagal ay nasa loob agad kami.

Nag-uumapaw ang damdamin ko ngayon sa totoo lang. Nahihirapan ako kung ano ang una kong iisipin dahil sa mga ikinilos niya kanina. Hindi sa nagrereklamo ako, kundi gusto ko lang ng kasiguraduhan para naman may hustisya yung kalandain at kilig ko sa kaniya.

"Bakit?" Unang salita na lumabas sa bibig ko habang napaupo sa swivel chair ko. She still standing there in front of me.

"I don't know what you're saying." Maang-maangan nito tsaka nagiwas ng tingin. Bagsak balikat akong napayuko dahil sa sagot niya.

She still denying about what she feels towards me. Patay malisya palagi ang isang to eh. Nakakaloka.

Dahil hindi ako makakapayag na hindi magdiwang matapos niyang ipakita sa akin at ipaalam indirectly na ipinagdadamot niya ako o sabihin nalang natin na may puwang na ako sa kaniya, pero mas malaki at malalim na kaysa nung una.

Tumayo ako at nilock ang glass door at pati na ang wooden door nitong office ko. Nagtaka siya at nagulat pa lalo ng buhatin ko siya in a bridal style at pumasok sa secret room ko rito. Naging madali nalang iyon dahil hindi naman siya pumalag at nagustuhan ko ang bagay na yon.

"Can I...? Ma'am.." Tanong ko rito matapos ko siyang ihiga sa kama. Nakatitig ang mfa mata niyang nangungusap. Ilang beses ko ng nakita ng malapitan yung mga mata niya subalit sa tuwing magtatagpo ang mga mata naming dalawa ay paulit ulit pa rin nitong pinanghihimasukan ang katawan ko na sagad hanggang kaluluwa.

Wala akong narinig na sagot mula sa propesora kung kaya't tatayo na lamang ako para makaiwas. Ang hirap magpigil na angkinin yung mga labi niyang mapupula dahil na rin sa glossy lipstick na gamit niya. Nakakaakit!

Kiss lang naman eh. Promise kiss lang, wala ng iba pa. Kiss lang talaga ang gusto ko....sa ngayon.

Nagpiyesta na naman sa katawan ko ang mga laman loob ko dahil sa paghila niya sa aking pulsuhan para muling maupo sa tabi nito.

"K-kiss..." Oh gosh she's stuttering! Heto ang unang beses o basta hindi ko alam basta para akong nabibingi ngayon at nagtatambol ang puso ko sa saya.

"W-what?" Hindi makapaniwalang sambit ko.

"Wala. Napakabingi mo!" Galit na singhal nito sa akin pero ang kamay niya ay nasa balikat ko na. Iba ang galawan nito Ma'am ah?

Twenty Minutes Of SummerWhere stories live. Discover now