"Hindi ka pa ba kakain? It's lunch time already." It's Reign. Magkasama kami ngayon sa room na intended only for interns.
Last na namin ngayong araw at marami pa rin akong kailangan tapusin. She's helping me organizing data using excel. Mabuti nalang at mabilis din itong si Reign kaya medyo nakalahati na namin ang gawain.
"Susunod ako sa baba. You can go na."
"Okay! Sunod ka ah? Magreserve ako ng chair for you!" I just nod at her.
Eksaktong pagsara ng pinto ay siyang pagtunog ng phone ko. Tiningnan ko ito at gumuhit ang ngiti sa mga labi nang makita ko kung sino ang caller.
"Hi! Miss mo na ako 'no?"
[Huh?! Sino nagsabi? Kwento mo sa pagong.] Aba ayos ah? Ganon nalang yon?
"Okay! Edi hindi mo ako miss." Pag-iinarte ko. Wala trip ko lang magpasuyo! Hahaha
Napakagat ako sa ibabang labi ko ng marinig ko kung paanong magreklamo at mabuhayan ng stress ng dahil sa akin.
[Oh gosh! Are you tripping me, huh?] Tingnan mo 'tong taong 'to? Siya pa naiinis eh ako na nga itong hindi niya namiss.
Dahil galit na siya at hindi ko na napigilan ang tawa, kaya humalakhak na ako hanggang sa sumakit ang tiyan ko.
[Ha ha! Ang funny mo naman. Tse! Did you eat your lunch?] Pustahan tayo inikutan na naman ako ng mata nitong si Ma'am. Diyan kasi umiikot mundo niya eh, sa pagtataray!
Sumeryoso ako bigla ng bumukas ang glass door. Bakas ang gulat at pagkabigla ng pumasok ang isang hindi ko inaasahang pigura.
Why is she here ba? Hanggang dito talaga?
[Are you still there? I'm talking to you, Love,]
"Y-yes, Im still here. Could you please---"
[Are you okay?]
"Okay lang ako. Gutom lang, sorry."
[Reyleigh is on her way na dala yung lunch mo. I made lunch for you. I can't visit you there because something important came up and needed to be discuss with Daddy.]
Kinilig ako sa sinabi niya at malawak ang ngiting nasa labi ko. Nakalimutan ko bigla na may kasama nga pala ako.
"It's okay! I will fetch you later nalang and bawi ako! Thanks for the lunch! I love you lagi." Sabi kong walang pake kung sino man ang makarinig.
Eh bakit ba? Kinikilig ako eh.
[Tss. Such a flirt, joke! I love you too.] She said as the call ends.
Oh diba? Sabi sa inyo nauntog talaga siya sa headboard noon eh. Nag-i love you too ba naman sa I love you ko!
"Ehem," Pagtawag atensyon sa akin ng babaeng narito ngayon.
Ano bang kailangan niya hanggang ngayon?
"Anong ginagawa mo rito? Hanggang dito ba naman ay sinusundan mo ako?" Straight kong aniya.
"Ang grumpy mo naman, babe! It's already time, baka lang nakakalimutan mo." Ano bang sinasabi niya? Nakakaasar! Babe na naman ang tawag!
Lalong nagdiakyatan ang kumukulong inis ko sa dugo papuntang ulo ko nang maalala ko kung paano niya ako landiin noon sa tapat ng condo ni Ma'am Calli.
Oo siya yung babaeng nasa harap ko ngayon! Hindi ko alam kung paano niya ako nahanap dito. Sa ilang buwan na lumipas ay napapansin kong panay ang sunod nito sa akin, kung hindi siya ay yung isa naman na nagpapagulo sa isip ko. Baliw ba silang magkapatid?!
YOU ARE READING
Twenty Minutes Of Summer
RomanceSummer is the time when people enjoying the view and warm weather and relaxing their body and mind, pero iba ata ang naging dala sa akin ng summer. Kakaibang bersyon ata ng summer itong sa akin.... Started: May 2022 End: - - - - - © 2022 @dilawnabu...