C H A P T E R 1 2

16 3 0
                                    

Zion Gabriel's POV

Humithit ako sa sigarilyo ko tsaka humigop ng kape na timpla pa ni Mommy, Wala si Dad dahil may Project ito sa Ilocos at kailangan nyang mag stay duon ng limang buwan, Bumibisita naman sya kaya lang hindi kami nagkakaabot ng bisita, Weekdays kasi sya nabisita ako naman ay Week Ends.

" Are you okay, Bro? " Binalingan ko ang bagong dating na si kuya Richard may dala din itong kape, Humithit muna ako bago tumango sa kanya.

" Parang kanina ka pa kasi lutang " Pag oobserba nito, Nasa Terrace kami ng Family room habang nakatingala ako sa maliwanag na buwan, Bacoor is my hometown kaya kahit sa Manila ako nakatira ay hindi ko makakalimutan ang lugar na pinagmulan ko.

" Wala " nakangisi ko ditong sagot, Tinapik nya ako sa balikat at umupo sa stone Railing ng Terrace, Nasa loob sina Mommy, si Ate Sena at ang dalawang kapatid ko na nakikipaglaro sa dalawang pamangkin namin.

" Is it money? " Nakangisi nitong hula, Halos maibuga ko ang kape ko ng sabihin nya iyon.

" Seriously, Kuya. I don't need to worry about money " umiiling na sagot ko dito, Bahagya syang lumapit para may ibulong sa akin.

" Then if it's not money? Then it's a Girl? " Hula ulit ni kuya, Napaiwas ako ng tingin dahil tumama sya duon.

" Maybe? " Sagot ko dito.

" Tinamaan ka? " Nakangising tanong nito.

" Hindi ko alam " walang gana kong sagot, Nagulat ako ng hampasin ako nito sa balikat at patalon na bumaba sa Kinauupuan nya.

" Anong hindi mo alam? Tanga ka ba? Dapat alam mo yung mga ganyang bagay lalo na at ikaw lang ang nakakaalam at makakaalam ng nararamdaman mo " Pagpapayo mi Kuya sa akin, Tsk agad kong inalis ang kanyang kamay na nakasampay sa balikat ko, I really hate Deep talks and Advices, gusto ako lang nag aadvice pero ngayon ako na ang nakakatanggap ng mga advices.

" Basta, my feelings is not that deep enough to pursue her kuya " Sagot ko dito at Gusto kong ibuga ang iniinom kong kape sa mukha ng bumatok sa akin sa Ulo ko, pero pagharap ko ay si Ate Jackie pala ito.

" Not deep enough, Huh? Eh, Kung Bayagan kaya kita? Ipapakilala mo ba samin o Babayagan kita " Sa takot ko na totohanin ni Ate Jackie ang sinabi niya ay agad kong tinakpan ang harap ko.

" Sis, Tinatakot mo naman ang Lover Boy natin eh, nagbibinata na nga eh " saway ni Kuya Richard kay Ate Jackie na masama pa din ang tingin sa akin.

" Nagbibinata? Ano yung narinig ko? " Masama ang timplang tanong ni Jackie, Shit! Mali talagang nag kukwento pa ako kay Kuya dahil palaging sumasabat si Ate.

" Wala lang yun, ate. About Basketball " pagpapalusot ko dahil oras na sabihin kong babae hindi ako makakaligtas, Pero imbis na paniwalaan ang sinabi ko ay nakatanggap ako ng kotong sa ulo na agad kong hinimas.

" Wala lang, Huh? Alam ko ang narinig ko, Mga Depunggal kayo " Bitter much! Umirap ito at bumalik na sa dalawa nyang anak, Hindi ko naman masisisi si Ate kung maging sensitive sya sa usapang Love, Gagu kasi yung tatay ng dalawa kong pamangkin eh.

" Ganito nalang, Kapatid " hinawakan ni kuya ang balikat ko kaya sa kanya na natuon ang atensyon ko.

" Kapag tinamaan ka, Tinamaan ka 'wag mo ng kokontrahin ang nararamdaman mo, Court her and ask her out, We're living in the 21st century wala na tayo sa pabebeng taon kaya, Grab your chances, My Baby Brother malay mo Manalo ka " Advice ni kuya, Tsaka tumalikod sa akin pero humarap din agad.

Target Locked Where stories live. Discover now