C H A P T E R 1 9

12 2 0
                                    

Gwennelyn Palencia's POV


Wala na! Parehas na kaming nakangiti at kinikilig sa isa't isa, Pagdating sa Parking lot ay hindi ko nakita ang Kotse nagulat nalang ako ng iharap ako ni Zion sa kanya para isuot sa akin ang Helmet.

" May sundo ako" Sabi ko dito habang sinusubukan pa ding hanapin ng nata ang kotse, Napaayos ako ng tayo ng iharap ni Zion ang ulo ko sa kanya.

" Ako ang Sundo mo " Zion, habang nakalagay angkamay nya sa ibabaw ng Helmet ko.

" Aww! That's Rude, Zion " Inis kong sabi dito agad naman nyang hinimas ang Helmet at hinalikan pa ito, Okay!! Weird.

" Sorry, Kulang na kulang ka talaga sa height " Pang aasar nito, Tumingala ako sa kanya at nakita kong sinusukat nya kung hanggang saan nya lang ako, Hanggang Baba nya, Mahina ko itong hinampas sa Balikat.

" Matangkad ka lang " Irap kong sabi dito, Kinotongan nya ng mahina ang Helmet at dahil suot ko ito ay ramdam at rinig ko kung gaano iyon kalakas.

" Okay! Okay, Let's Go " natatawa nyang sabi at nakahawak sa palapusuhan ko para pigilang ang pagbabalak kong hampasin sya.

Nakarinig kami ng takbuhan palapit, Kaya agad natuon duon ang atensyon ko pati na ni Zion, " Capss!! " Basketball team.

" Ohh! Hi Gwen " turo ni Dexter, Kumaway naman ang iba sa amin.

" Caps, Practice ka na din ah " Allen.

" Sa susunod bawal na mag Skip ng Practice " Timothy habang nakahawak sa Bag nya, napatingin ako kay Zion ng sabihin iyon ni Timothy.

" Yes, Just keep strengthen your body pagbalik ko 100 laps " Zion, Sumakay na si Zion at pinagpagan nya ang upuan kung saan ako uupo.

" Ehh? " Frank.

" 100 laps? " Allen.

" Caps naman!! " Arnold.

" Pwedeng 'wag ka nalang magpractice? " Timothy.

" Haf haf naman , Caps " Dexter.

Narinig ko ang iba't ibang pagtanggi ng mga kateam nya, Hinawakan nya ang kamay ko para ilagay sa bewang nya, Nakangiti at kinikilig lang ako habang nasa byahe, parang ang sarap mag drive ng motor na ganito mabigat nga lang.

Magkahawak ang kamay kaming sumakay ng Elevator, Pasimple nyang inaayos ang hibla ng buhok ko para iiipt sa gilid ng tenga ko, Ba't ang Sweet.

" Sa susunod mag Ponytail ka ah " Sabi nito at pinindot na ang elevator na agad namang bumukas dahil may bumaba na tatlong lalaking magkakaibigan.

" Siya yun diba?? Sa 35th floor " rinig kong sabi nung naka pula at lumingon pa sa amin ni Zion.

" Ang ganda, kunin ko na ba number " sabi naman nung isa pang mukhang korean.

" 'wag na kasama yung kapatid " Napatakip ako ng bibig dahil muntik na akong matawa, babalik na sana yung mukhang Koreano pero sumara agad ang elevator at nakita kong hinarang nya ang cellphone nya kaya bumukas muli ito.

" Ahh! Miss, pwede bang ------- " Hindi na pinatapos ni Zion nagsalita ang lalaki dahil inakbayan ako nito tsaka inilapit pa sa kanya.

" Hindi pwede " matabang na sabi ni Zion dito.

" Kuya, Pwede po bang hingin number ng kapatid nyo " Lakas loob na tanong nung lalaki, naramdaman ko naman ang panginginig ng kamay ni Zion na nasa balikat ko.

Target Locked Where stories live. Discover now