Zion Gabriel POV
It's been a week ng magkita kami ni Gwen, There's a Time na makikita ko sya at makakasalubong sa hallway pero titigil ako sa paglalakad para lang mapagmasdan syang makalampas, Sumasama ang mood ko kapag kasama nya ang Larry na iyon.
Naihagis ko ang Dart sa Dart board ng makalampas sa pagdaan si Rusty at dahil si Rusty ang pinaka OA na taong kilala ko ay nanlaki ang mata at napatingin sa Board.
" Waah! Seryoso ka ba dyan, Cap? May galit ka ba sa akin? Muntik mo na akong matuhog sa ulo ah " Rusty, nakakunot ang noo akong umiling at napaupo sa single couch ko, hinimas ko din ang sintido para sana mawala ang pagsakit nito pero wala pa ding nangyari.
" Tol, May problema ka ba? " Tanong sa akin ni Timothy habang lumalapit at nakain ng orange na nakuha nya sa ref ko, naramdaman ko ang pagupo nito sa katabing upuan ko.
Ano nga ba ang problema ko? Project? School Papers? Assignments? Presentation? Basketball? Ni isa sa mga iyan hindi ko naging problema, ni minsan hindi sumakit ang ulo ko dyan.
" Do you need money? I'll lend you some, how much do you need? as long as you pay with 50% interest " seryosong sabi ni Rusty sa tabi ko, kinunutan ko ito ng noo dahil sa pinagsasabi nya, Bakit nga ba nandito na naman sila? Ano pa nga ba para mang istorbo ng weekend ko.
" Gago, Mas mayaman iyan sayo baka barya lang kay Captain iyang ipauutang mo " sabat ni Timothy, Tumango si Rusty at tumayo sa harap ko.
" Oo nga, Ano? Dapat pala ako ang pautangin mo, Captain " Rusty inilahad pa nito ang dalawang kamay sa harap ko, tinapik ko ito at umalis sa pwesto ko, Mabuti at wala si Chandler baka mas lalo lang sumakit ulo ko.
" Captain, Spill it na kasi " sumunod pala si Rusty sa akin sa Balkonahe ng condo ko, Kasunod nya si Timothy.
" Wala akong ii-spill " sagot ko at sumandal.
" Baka naman si Patricia na naman? " Timothy, Umiling ako sa sarili ko dahil napakatagal na nila akong inaasar sa Patricia na iyan.
" Ha!! Bakit hindi ka pa kasi umamin? Malay mo makipagbreak sa BF nya kasi Mas Hot ka, Diba " Rusty, nakipag apir ito kay Timothy na pinaunlakan naman, Minsan talaga hindi sila magkasundo pero pagkalokohan at pang aalaska sa akin ay nagkakasundo sila.
" Hindi sya ang problema ko " Sagot ko, Teka! Mukhang mali ang sagot ko.
" Oh! Edi, May problema ka nga ayaw mo pa sabihin baka masolusyonan natin iyan " Rusty.
" Hayst! Pwede bang iwan nyo nalang ako? " Inis kong sabi sa dalawa.
" No! Unless you tell us what your problem is, Captain " Timothy, Napahinga ako ng maluwag bago pag isipan kung magsasalita ba ako o hindi, Tinignan ko silang dalawa at ang itsura nila ay handang handa ng makinig, kaya wala na akong nagawa kung hindi magkwento.
" Okay, I have a friend " simula ko.
" Sus! Ilan lang naman ang kaibigan mo eh, Sino dun? " Rusty, napairap ako dito.
" Patapusin mo muna si Captain, Rust " Timothy.
" Ah, Okay! Pero sino nga yang friend mo? " Nakataas ang kilay na tanong ni Rusty.
" 'wag ko na kaya sabihin? " Tinatamad kong sagot sa kanila, agad naman tumahimik si Rusty sa gilid.
" Okay, I have a friend may nakilala sya tapos hindi na maalis sa isip nya and then This friend of mine don't know what's happening, Because it's confusing kasi kakakilala lang nya tapos malalaman ng friend ko na ex pala ito ng bestfriend nya " Pagtatapos kong kwento sa kanilang dalawa, Tumango si Timothy na tila naintindihan ang kwento kaya tumingin ito kay Rusty tumatango din pero bigla ding kumunot ang noo.
YOU ARE READING
Target Locked
RomanceGwennelyn Palencia A Daughter of a professional Architect and because their whole family are architecture graduates, she was forced to take this course and set-a-side her dream of becoming a Professional Photographer When she returned to the Philipp...