Gwennelyn Palencia's POV
Hinila ako ni Zion palabas ng Bar at dahil sa dami ng tao ay hindi kami makalakad ng diretso, Meron bumabangga sa amin at mabilis naman akong niyayakap ni Zion para hindi madikitan ng kung sinong lalaki, Paglabas namin ay hinarap nya ako ng nakakunot ang noo.
" What the fuck are you wearing? Aattend ka ba sa Prom? Are you a Fucking high school girl?? " Sunod sunod nitong tanong at mabilis niyang hinubad ang Jacket nyang suot para ilagay sa likod ko, tsaka ito binutones mula leeg hanggang baba nito.
" Nakipag Date ako " Sagot ko dito at hindi na pinag isipan kung ano ang ibig sabihin ng sinabi ko.
" Date? Wow, That's Nice!! Nakipag Date ka tapos pumunta ka dito? " Mapanghinala nyang tanong at tinalikuran ako pero ng lalakad na sya ay muntikan na syang matumba kaya mabilis kong kinapitan ang braso nya para alalayan sya, Pero imbis na tanggapin ang tulong ko ay sinamaan nya ako ng tingin at maingat na inalis ang kamay ko dito.
" Bumalik ka sa Date mo, Kaya ko ang sarili ko " Seryoso nyabg sabi sa akin at muling humakbang pero binalik ko din ang braso ko.
" Are you Deaf!? I don't need your help " Inis nitong sabi at hinawakan ang kamay ko pero mahigpit ang pagkakakapit ko kaya hindi niya ito matanggal.
" Bitaw " Seryoso nyang utos, Umiling ako at mas hinigpitan pa ang kapit.
" Hindi ka bibitaw? " Tila nawawalan nito ng pasensyang tanong nito.
" Kapag bumitaw ba ako bibitaw ka na rin? " Balik ko ng tanong dito, Kumunot na naman ang noo nya dahil siguro ay hindi nya nakuha ang ibig kong sabihin.
" The fuck? " Inis nitong tanong tsaka humakbang ng tatlong beses pero napahinto din dahil nakakapit ako sa kanya.
" Kapag hindi ka pa bumitaw Hahalikan na kita " pananakot nito, Pero instead na sya ang Unang humalik ay inunahan ko na sya, Mabilis ko syang hinalikan sa labi kaya ang pagkakakunot ng noo nya ay nawala at hindi ko alam kung napangiti ba sya, Dahil iniwas nya kaagad ang ulo nya ng dudungaw sana ako para tingnan sya sa mata.
" Ano bang problema mo? " Tanong ko dito at hinigit ang braso nya.
" W-wala " Sagot nya at mabilis na inilagay ang kamay sa bibig nya para takpan ito.
" Hindi mo ba ako haharapin? Let's Talk, Zion " Tanong ko dito.
" Ha! A-ano pa bang pag uusapan natin? " Sagot nito kaya sa inis ko ay pumunta ako sa harap nya at pinilit nyang ibalik sa pagiging seryoso ang mukha pero hindi pa din sa akin nakatingin.
" Kung bakit ka nag kakaganyan " sagot ko dito, Sinulyapan nya ako ng isang beses at agad na namang umiwas tsaka tumayo ng maayos.
" Bakit hindi mo alamin sa sarili mo? Kung bakit nga ba ako nagkakaganito? " Makahulugan nitong sabi at inirapan na naman ako tsaka lumakad patungo sa motor nya, Sinundan ko sya at sinuot agad ang Helmet, Tinignan nya ako na Parang matatawa.
" Anong nakakatawa? " Tanong ko dito ng nakakunot ang noo dahil wala akong makitang dahilan para tumawa sya.
" Hindi ka sasama " Sabi niya at umiwas na naman ng tingin.
" Bakit hindi ka natingin sa akin? " Tanong ko dito at inalis ang Helmet.
" Itanong mo din sa sarili mo, Uuwi na ako " Seryoso nyang sabi at sinuot na ang Helmet nya, Tsaka Sumakay ng Motor at nang mabuhay ang motor nya ay kinuha nya mula sa akin ang Helmet.
" Alamin mo lahat, Palencia kung anong ginawa mo sa akin para magkaganito ako " Sambit nya at tuluyan na akong iniwan sa labas ng Bar, Napapadyak ako ng isang beses sa inis, Paano ako uuwi??
YOU ARE READING
Target Locked
RomanceGwennelyn Palencia A Daughter of a professional Architect and because their whole family are architecture graduates, she was forced to take this course and set-a-side her dream of becoming a Professional Photographer When she returned to the Philipp...