C H A P T E R 1 0

15 5 0
                                    

Gwennelyn Palencia's POV

Thursday, Washday.

I'm wearing Mapuà's Washday uniform at naka skirt din ako, Hindi ako masyadong nakatulog dahil anong oras na kami natapos ni kuya sa pag uusap kagabi, May Nag doorbell sa Pintuan ko kaya agad akong sumilip sa peephole para makita kung sino iyon at nakita ko ang naka uniform na blue.

" Yes? " Tanong ko dito pagbukas ko ng pinto, May nakalapag na Package sa floor habang nung guy na nakablue ay may tinitignan sa Papel nya.

" Miss Gwennelyn Palencia po? " Tanong nito.

" Opo, Ako po yon " sagot ko dito.

" Sorry po, Nadelayed po yung pagdeliver ng package nyo po galing pong Florida from Mr.Giovannie Palencia, Nagkaproblema lang po sa Airport " paliwanag nito, Tumango ako at inabot nya sa akin ang papel at Ballpen.

" Papirma nalang po dito at tsaka dito po " Itinuro nya ang pipirmahan ko kaya ginawa ko agad iyon, Matapos kong pumirma ay nginitian ko sya para magpasalamat, Agad syang nagpasalamat bago umalis.

Tinignan ko ang Package na dala nya, Kita ko agad ang Pangalan ni Kuya binuhat ko ito pero dahil may kabigatan ito ay halos mahulog na ng tuluyan ko syang mabuhat, sakto namang bumukas ang pinto ni Zion at lumabas mula duon ang tatlo niyang kaibigan pati na din siya, Nanlaki ang mata ni Rusty at may nabitawan itong kung ano, habang si Timothy ay napaiwas ng tingin at gusto kong bumalik sa loob, Then tinakpan ni Chandler ang mata ni Rusty na ipinagtaka ko, While me.

O.O speechless.

Nandyan pala sila? Patay na, Nakita ko ang mabilis na paglapit sa akin ni Zion at itinalikod nya ako sa mga kaibigan nya bago sabay kaming pumasok sa Bahay ko.

" Oh! A-anong ginagawa mo dito? " Gulat at natataranta kong tanong dito, Kinuha nya mula sa akin ang Package na mabigat pero bakit sobrang gaan lang ng buhatin nya ito at ibaba, Tumingin sya sa paa ko at uniwas ng tingin.

" How can you be so careless, Palencia? " Nakakunot noo nitong tanong habang sa iba nakatingin, Tumingin ako sa baba at nanlaki ang mata ko ng makitang nakataas ang Skirt ko, Shit!! Mabilis ko itong ibinaba, Nakasuot naman ako ng cycling pero nakakahiya padin, Kaya pala ganun ang reaksyon nila.

" Paano kung ibang tao ang nakakita? " Inis nitong tanong, Kaya napasimangot ako dahil hindi ko naman alam na nakataas pala ang skirt ko, Siguro nung binuhat ko ang Package sumama ang skirt kaya ayun sakto pang palabas na sila.

" Sorry, Pero Hindi ko naman alam ang bigat kaya ng Package " Iyon nalang ang nasabi ko dahil sobrang nakakahiya, Apat! Apat na lalaki hindi lang isa, hindi dalawa, Kundi Apat, Gusto ko nalang magpalamon sa lupa.

" If you need help, pwede ka namang kumatok sa Pinto ko, and now look what happened? " Sermon nito sa akin, Kaya napatakip ako sa aking mukha, Kung Fustrated sya mas na poFrustate ako, ako kaya yung nakitaan.

" Oo na, Tsk! Bakit ka ba nagagalit? " Inis kong sabi dito dahil sobrang OA nya.

" Because I have a sister, Kaya kung ako ang kuya mo nabatukan na kita Look how short your skirt is? Isang lipad lang ng hangin kita na agad, You should change " Mabilis na sabi nito at sabay kaming napatingin sa pinto dahil may kumatok duon, Nakahinga ako ng maluwag ng lumapit si Zion doon at sumilip sa peephole.

" They're waiting for me " sabi nya at lumingon sa akin pati na sa Palda ko na agad kong hinawakan.

" Change or else........ Ako ang magpapalit sayo? " Unti unting sumulyap ang nakakainis na naman nyang ngisi, Agad akong napatakip sa Katawan ko.

Target Locked Where stories live. Discover now