Teaser✨

132 6 0
                                    

Kentucky's POV

_______________FLASHBACK________________

" Sabi mo walang iwanan? Nangako tayo sa isa't isa na sabay tayong gra-graduate sa kolehiyo diba? Tapos ngayon mo lang sinabi sakin na lumipat ka na pala ng school "Wika ni Bugart(Kaibigan ko)

" Bugart? Nakikita mo naman sitwasyon ni Lolo diba? Kailangan kong magtrabaho para may pambili kami ng gamot ni Lolo! Tsaka may kailangan pa kaming bayaran kay Aleng Rosa baka kasi kami paalisin sa bahay niya! Alam mo namang nangungupahan lang kami diba?"Tanong ko sa kanya

" Pano yung pag aaral mo?"Tanong niya sakin

" Siguro makakaya ko to para kay Lolo! Mag aaral ako sa umaga magtratrabaho ako sa gabi "Sagot ko

" Pano ako? Iiwan mo?"Tanong niya

" Bugart kung di sana ganto sitwasyon namin ngayon di talaga ako aalis pero wala eh mahirap talaga ang buhay "Malungkot kong sabi

" Baka kalimutan mo na ako dahil sigurado akong marami tao ang magiging kaibigan mo dun lalo na't ambait mo sobra "Wika niya

" Tsk! Sino ba naman makakalimot sayo? Sino makakalimot sa mga pinaggagagawa mo sakin? Kahit marami man akong maging kaibigan dun! Hinding hindi kita makakalimutan! Promise "Taas kamay ko

" Tara na iuuwi na kita aalis ka pa bukas! Baka pagalitan na naman ako ng Lola mo dahil anong oras na kita hinahatid sa inyo "Wika niya

Sabay kaming tumayo para umuwi na! Nandito kasi kami sa tulay kung saan dito yung tagpuan namin! Dito kami madalas tumambay simula pagkabata .

____________END OF FLASHBACK______________

Bigla nalang akong nalungkot dahil pumasok sa isip ko si Bugart(Kaibigan ko) Di yun nagpakita sakin nung aalis na ako ayaw niya kasing nakikitang umaalis ako na di ko siya kasama! Tinanggap ko na kapalaran ko na mahirap lang ako pero di ako susuko dahil hanggat nabubuhay ako iaahon ko sa hirap yung pamilya kong naiwan sa probinsya! Buti nalang nakapasok agad ako sa resto dito sa Manila malapit lang sa bahay nila Tito Henry(Kapatid ng yumao kong Papa) kaya di na ako sumasakay dahil ilang minuto lang lalakarin ko kesa magsayang pa ako ng pera!
" Napaka seryoso mo sa buhay bakla "Wika ni Kaye(Kaibigan ko dito sa resto)
" Ganto lang talaga ako Kaye! Mas pipiliin ko nalang siguro manahimik kesa makipagdaldalan sa mga kasamahan "Wika ko
" True bakla laban lang tayo para sa future natin para sa susunod tayo naman yung nasa taas "Wika niya
Nginitian ko siya at pansin kong kunti nalang mga customer dito sa resto kaya pumunta muna ako sa likod para magpahinga! Umupo ako sa may gilid at iniisip ko yung mga gawain ko sa school, ang hirap pala maging working student pero kakayanin ko to may maibigay lang akong pera kila Lola
" Tyron nandito asawa mo oh nagpapahinga pagod ata "Sigaw ng kasamahan ko sa trabaho
Ewan ko ba kung ako yung trip nila dito! Pero sinasakyan ko nalang yung mga trip nila dahil bawal tayong magtaray baka mapalayas tayo dito sa resto HAHAHA!
" Babe magpahinga ka lang dyan ha tapusin ko lang to "Wika ni Tyron
" HAHAHAHA "Tawanan ng mga kaibigan niyang sira ulo din
Napatawa nalang ako dahil kahit mga pagod na kami may mga kasamahan kaming mga lalakeng mahilig magpatawa tulad nila Tyron! Tumayo nalang ako dahil alas dyes na ng gabi oras na para umuwi kinuha ko na mga gamit ko tsaka nilagay ko lahat yun sa bag
" Bakla sabay tayo wait lang "Wika ni Kaye
Lumapit ako kay Kaye at kinuha na niya bag niya! Kensinas katapusan kasi sweldo namin dito sa resto at balita ko may bunos daw kami sa pasko!
" Tara "Wika niya
Sabay kaming lumabas ni Kaye sa resto at naglakad na!
" Bakla! Mag shopping naman tayo pag nagsweldo na tayo tsaka excited na ako dahil may bunos tayo "Wika niya
" Alam mo naman diba na may Lolo ako! Mas pipiliin ko nalang siguro na bilhan ng mga gamot Lolo ko kesa sa mga damit tsaka sapatos na yan! Tsaka okay pa naman mga damit ko eh! Bibili nalang siguro ako ng mga bago pag nakaluwag luwag na ako "Wika ko
" Mas mainam siguro na Lolo mo muna unahin mo para mabawas mabawasan yang problema mo "Wika niya
Nginitian ko siya at sumakay naman siya sa Jeep at umuwi na! Naglakad akong mag isa habang dala dala ko yung mga gamit ko! Tatawid na sana ako ng biglang may bumisina sakin! Nabitawan ko mga dala ko sa sobrang lakas ng busina! Napatakip ako ng tenga dahil inulit ulit pa dahilan para mainis ako! Nanadya ata to eh! Pinulot ko yung mga gamit ko tsaka inilawan pa ako dahilan para mapapikit ako! Sumusobra na to ah! Tumayo ako at lumapit sa kotseng yun! Pinokpok ko ng ilang beses yung bintana niya para makausap ko tong nasa loob nanadya eh! Dahan dahan namang bumukas yung bintana ng sasakyang yun at nagulat ako dahil sa lalakeng nakaupo sa loob! Amerkanong pogi! Umay Kentucky!
" Kung makabusina ka sakin wagas ah! Ano kala mo sakin bingi? Ha?"Tanong ko sa kanya sabay hampas sa kotse niya
" Bulag ka ba? Red light nga diba tas tatawid ka? Gusto mo magpakamatay? Tas sa huli ako gagawin mong suspek? Astig galawan mong bakla ka haharang harang ka sa daan "Wika niya
Abaaa nanghahamon tong lalakeng to ah! Ako pa may kasalanan? Galing ah! Ano kaya nakain ng amerkanong to! Gusto ko daw magpakamatay tas siya daw gagawin kong suspek? Baliw ata to eh
" Pasensya na ha kung di ko nakita! Tsaka bat ko naman ipapahamak sarili ko? Ano ano pinagsasabi mo! Pelingerong amerkano! Kalalakeng tao putak ng putak! Che! "Pagtataray ko sa kanya
Dahil sa nakita kong nag green light na yung sign hinampas ko ulit yung kotse niya tsaka naglakad na!
" Hoy balik ka dito "Sigaw ng pelingerong amerkano
Di ko siya pinansin at pinagpatuloy ko lang paglalakad ko! Tsaka wag niya akong mahoyhoy may pangalan ako! Pero parang yayamanin yung lalakeng yun! Pero wala akong pake sa yaman niya panget kasi ugali kala niya kinagwapo niya yun! Pero gwapo talaga siya day! May kunting bigote pa
" Ugh Kentucky umaandar na naman tong kalandian mo "Bulong ko sa sarili ko
Napatingin ulit ako sa kotse ng lalakeng yun at nakita ko siyang nasa labas na habang nakatingin sakin kaya tinarayan ko na at di na lumingon pa sa kanya! Sinasabi ko sa kanya day! Wag niya kalabanin baklang lumaki sa probinsya! Makikita niya talaga hinahanap niya! Pero parang nakakatakot siya tingin niya palang parang gusto niyang manglusaw! Pero hello? Di ako natatakot sa kanya! Dahil sabi ni Lola walang dapat ikabahala pag nasa tama ka .

ALL NIGHT LONG ✨(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon