CHAPTER : 10

25 2 0
                                    

Lucas's POV

Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw napatingin ako sa katabi ko pero wala na siya dito! Bumangon ako at napaupo sa kama niya! Bigla namang pumasok sa isip ko yung mga pinag-gagawa ko! Tang*na naman Lucas minsan ka na ngalang mainlove bat sa bakla pa? Napahawak ko sa mukha ko dahil sa ginagawa kong to! Tumayo na ako at kinuha ko damit ko sa mesa niya! Tuluyan akong lumabas sa kwarto niya at bumaba na! Nakita ko naman siyang nag aalmusal mag isa kaya lumapit ako at humarap sa kanya! Napatingin naman siya sakin at nagulat ako dahil magkasalubong yung kilay
" Bat ganyan tingin mo sakin?"Tanong ko
Di naman siya nagsalita at nakatingin lang sakin! Kaya kinuha ko yung kape tsaka nagtimpla na
" Kapal ng mukha mo eh "Wika niya
Napatigil ako kakatimpla at napatingin ako sa kanya
" Ano na naman problema mo ha? Bat ako palagi?"Tanong ko sa kanya
" Wala ka bang naalala kagabi? Ha? Sinukahan mo lang naman damit ko habang natutulog ako "Sagot niya
" Lah! Sinukahan ko daw siya napakasinungaling talaga "Wika ko
" Gusto ko ipakita ko sayo damit ko kagabi? Ganda ganda ng damit ko tas sinukahan mo lang "Wika niya
" Edi sorry lasing ako eh di ko alam yung mga nangyari kagabi "Maang mangan ko
" Tsaka pwede ba? Pag lasing ka wag mo ko pagtripan? Pasalamat ka boss kita "Wika niya
" Pano kung gusto ko? May magagawa ka ba?"Tanong ko sa kanya
Di naman siya makasagot at ininom na niya kape niya!
" San mo nalaman na kasama ko si Bugart dun kila Tito? Sinusundan mo ba ako ha?"Tanong niya
" Ikaw sundan ko? HAHAHHA sino ka ba?"Tanong ko
" Dami mo pang sinasabi eh! Sabihin mo sinusundan mo ko "Wika niya
" Kala mo walang may nagsusumbong sakin no? Dyan ka nagkakamali Kentucky "Kindat ko sa kanya
" Si Liam no?"Tanong niya
" Si Liam? Bat naman yung anak ko e nandun siya sa bahay nila Mama "Sagot ko
Tumayo naman siya at tinarayan ako! Pumunta naman siya sa kusina at naghugas na! Dahil sa may pagkain sa mesa kinain ko yun dahil nagugutom ako!
" Sama ka sakin mamaya ha "Wika ko
" Bakit? San tayo pupunta?"Tanong niya
" Dun sa bahay nila Mama! Pinapunta tayo dun ewan ko kung bakit "Sagot ko
Napatigil naman siya kakahugas at lumapit sakin
" Sir? Diba pahinga ko bukas?"Ngiti niya
" Ano naman ngayon?"Tanong ko
" Pautang naman oh kahit 2k lang "Sagot niya
" Ano naman gagawin mo sa dalawang libo ha?"Tanong ko sa kanya
" May bibil - - - "
" Alam ko na! Magkikita kayo ng lalake mo bukas tas pera ko gagamitin mo! Kaya tigil tigilan mo ko Kentucky wala kang makukuha sakin "Singit ko
" May bibilhin ako eh tsaka kaibigan ko lang si Bugart di ko siya lalake "Wika niya
" Sus palusot ka pa "Wika ko
" Sir sige na Sir pautang naman "Wika niya
" Labhan mo muna damit tsaka isama mo na rin yung uniform ko "Wika ko
" Katatapos ko lang maglaba kahapon "Wika niya
" Nakalimutan ko ibigay sayo yung ibang damit tsaka uniform ko! Kaya habang may oras pa maglaba ka "Wika ko
Bigla namang nag iba timpla ng mukha niya at bumalik na sa lababo kaya tumayo ako at dinala ko yung pinggan na ginamit ko! Lumapit ako sa kanya dahilan para mapaatras siya
" Ano na naman?"Tanong niya sakin
" Ang aga aga mainit agad ulo mo "Sagot ko
" May nakakainis kasi dyan "Pagpaparinig niya sakin
Sarap pagmasdan mukha niya! Halatang bata pa ang kinis pa sobra mula ulo hanggang paa! Iniwan ko siya tsaka umupo ako sa sala! Binuksan ko TV at nanood muna! Umupo naman siya sa harap ko habang dala yung plantsa tutupiin ata mga damit namin! Tiningnan ko lang siya habang isa isang pinplantsa mga damit namin! Sino kaya Mama tsaka Papa niya? Ganda ng pagkagawa eh! Mana ata to sa Mama niya ang puti puti pa sobra .
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Kasalukuyan akong nandito sa kwarto nakahiga habang scroll lang ng scroll, bigla namang bumukas yung pinto at iniluwa nito si bakla
" Bakit?"Tanong ko sa kanya
" Yung mga labahan mo asan?"Tanong niya
" Puntahan mo dun sa banyo "Sagot ko
Pumasok naman siya kaya hinayaan ko na! Nilagay ko na sa mesa phone ko tsaka tumayo na! Lalabas na sana ako kaso
" Brief ba to? Bat ang laki? Parang diaper "Rinig kong bulong ni bakla
Napatingin ako sa kinaroroonan niya at nakita ko namang hawak niya brief ko at itinaas pa ng loko! Kaya lumapit ako at agad kong hinablot yun
" Ang sabi ko damit ko lang kunin mo! Bat pati brief ko kukunin mo din?"Tanong ko
" Nakita ko kasi Sir eh! Tsaka brief mo yan Sir? Bat ang laki?"Tanong niya
" Ano magagawa ko eh pinagpala ako "Sagot ko
" Hoooo ang hangin "Wika niya
" Lah ayaw maniwala! Gusto mo makita?"Biro ko
" Yuck "Wika niya
Agad akong napangiti at humarap naman siya sakin
" Sabi ko sayo pag sinabi kong maglalaba ako dapat nakahanda na lahat yang mga labahan mo! Hindi yung iisa isahin mo pa! Kala mo ikaw naglalaba eh ang sakit kaya sa kamay "Wika niya
" Sabi ko din sayo wag mo pakialaman tong mga brief ko! Dahil ako lang maglalaba nito baka mamaya itago mo isa "Wika ko
" Bakit interesado ba ako dyan sa brief mong mala-diaper yung size? Ha?"Tanong ko
" Maglaba ka na nga dun dami mong alam tsaka dapat malinis na malinis uniform ko dapat mabango "Wika ko
" Baka gusto mong labhan ko din yang mukha mo para mabawasan kakapalan niyan "Wika niya
" Tsk sige na sayang yung araw "Tulak ko sa kanya
" Aray ko wag ka manulak "Kurot niya sakin
Lumabas naman siya dala yung mga damit ko tsaka tinarayan pa ako kaya kinuha ko na yung tuwalya para maligo!
" Taray taray ka pa dyan Welma Putak "Wika ko
" Papa mo nga bagong floor wax yung ulo eh sobrang kintab HAHAHAHA "Tawa niya
Lalapitan ko sana siya kaso tumakbo na pababa! Baliw talaga ulo eh!
" Sumbong kita mamaya kay Papa "Sigaw ko
" Sumbong ka "Sigaw niya
Ayaw talaga magpatalo sakin eh! Palaaway ata yun dun sa lugar nila! Pumasok nalang ako sa kwarto ko at pumunta na sa banyo! Tuluyan akong naligo naiinitan kasi ako! Hintayin ko nalang yun matapos maglaba tas aalis kaagad kami .

ALL NIGHT LONG ✨(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon