SPECIAL CHAPTER (2)

42 3 1
                                    


              ( SHORT CONTINUATION )

Kentucky's POV

Napatingin ako sa relo ko at pasado alas nwebe na ng gabi, di ko alam kung nasan na kami pero ramdam kong malapit na kami dahil nakikita ko ang ngiti at excitement ng babaeng nakaaway ni Lola kagabi o si Amira, di ko siya matawag na Lola dahil nahihiya ako sa kanya! Masasabi kong kahawig niya si Cherie Gil na para bang mataray dahilan para matakot ako sa kanya pero sabi niya mabait daw siyang tao kaya medyo kumalma ako
" Ihanda mo sarili mo Apo! Malapit na tayo sa bahay ko "Ngiti niya
Tumango ako at nginitian ko din siya! Habang nasa biyahe kami iniisip ko pa din sila Lola! Tama ba tong desisyon ko? Ang iwan sila? Pero gaya nga ng sinabi ko babalikan ko sila Lola pag natapos mission ko!
" Get your bag Apo "Wika niya
Napatingin ako sa labas at bigla nalang nanalaki yung mga mata ko dahil sa sobrang ganda ng bahay nila! Puno ng ilaw at merong third floor! May nakita din akong tatlong kotse sa loob at sobrang laki ng gate nila at matatawag ko itong mansion dahil sa sobrang kagandahan
" Apo naririnig mo ba ako?"Tanong niya ulit sakin
Natauhan nalang ako dahil nasa labas na pala siya ng kotse
" Pasensya na ho "Wika ko
Kinuha ko na bag ko dahil dinala na ng lalake yung maleta ko!
" Bahay niyo po 'to?"Tanong ko
" Oo naman pero simula ngayong nasa amin ka na magiging bahay mo na rin to kaya halika na pumasok na tayo hinihintay na tayo "Ngiti niya
" Pero parang di po ako nababagay dito parang mayayaman lang po yung nakatira dito tulad niyo "Takot ko
" Gaya ng sinabi ko Apo kita wag kang magpapadala sa takot kasama mo ako ipapakilala kita at magiging parte ka ng pamilyang sobrang tagal na panahong naghintay sayo "Ngiti niya
Dahan dahan namang bumukas yung gate at nagulat ako dahil nakapila yung mga kasambahay nila habang nakatingin samin at naghihintay sa pagpasok namin! Binigyan naman nila kami ng madadaanan sa gitna at nagsimula kaming naglakad at pumasok na! Agad akong yumuko dahil sa hiya! Talaga bang nararapat ako dito? Bat parang nahihiya ako sa kanila? Huminto kami sa may pintuan at napatingin naman siya sakin tsaka nginitian ako at hinawakan niya yung door knob ng pinto
" Welcome home Apo hinihintay ka na ng Lolo't mga kapatid mo! Matagal ka naming hinintay ang pagbabalik mo kaya hayaan mong bumawi kami sayo! Inuulit ko isa ka ng parte ng pamilyang Dela Fuente "Ngiti niya
Bigla naman niyang binuksan yung pintuan at biglang may nagsigawan
" Welcome Home Rioooo "Sigawan nila
Bigla naman akong nakaramdam ng saya kahit di ko sila kilala! Kasalukuyan silang nakatayo habang nakatingin samin! Pumasok kami at lumapit sa kanila bigla namang may lalakeng lumapit sakin at yinakap ako
" Welcome Home Apo ko "Yakap niya
Ewan ko ba kung bat ang gaan ng pakiramdam ko di ko siya kilala pero napapikit ako sa yakap niya
" Ako si John Lolo mo "Iyak niya
Di ko ako makapagsalita dahil sa kanya kaya pala ang gaan ng pakiramdam ko dahil siya pala yung Papa ni Mama! Sabi ni Mama siya daw yung the best Papa niya sa buong mundo dahil maalaga na mabait pa sobra
" Di namin nasilayan ang paglaki mo! Sanggol ka palang nung kinuha ka samin ni Welma pero ngayon ang laki mo na kamukhang kamukha mo pa si Melissa(Mama ko) "Iyak niya
" Masaya din po akong makilala ka lalo na po sa kan - - - - "
" Call me Ma-ma as your Lola don't call Me Mama as your mother okay "Ngiti niya
" Opo Mama! "Wika ko
" Tawagin mo din akong Pa-pa dahil di pa naman gaanong matanda si Lolo "Ngiti niya
" Opo Papa! "Wika ko
Nagsimula kaming maglakad, napatingin ako sa taas at ganda ng mga chandelier nila napangiti nalang ako dahil nakita ko yung malaking litrato ni Mama dalaga pa siya habang may suot an tatlong medalya at hawak niya yung kanyang diploma! Miss na miss na kita Mama sana hanggang ngayon kasama pa rin kita! Si Papa nga di nakatapos eh pero ayos lang yun ang importante napalaki niya kami ng maayos! Dinala nila ako sa gwapong lalake nakatayo habang nakatingin din sakin pero katakot siya parang badboy
" Rio, ito si Jonas kapatid mo panganay na anak ng Mama at Papa mo "Wika ni Papa
" Po? Pero sabi ni Mama ako daw yung panganay! Wala daw akong Kuya "Wika ko
" Meron kang Kuya siguro hindi sinabi ng Mama mo dahil galit siya samin dahil kinuha Kuya mo pero hayaan mo ako na magkwekwento "Wika ni Papa
Bigla akong napalunok ng laway dahil bigla akong kinindatan ng lalake sabay ngiti,
" Bakla ba kapatid ko Ma? Lambot eh kamukhang kamukha pa ni Mama "Rinig kong bulong ng lalake kay Mama
" Jonas pwede ba? Di ito ang tamang oras para makipagbiruan "Rinig kong bulong ni Mama
" Nice to meet you.... Rio "Wika ng lalake habang nakangisi
Sunod sunod naman na kaba naramdaman ko dahil ramdam kong parang isa siyang bully sa school, agad naman niyang ibinuka mga kamay niya na parang gusto bang makipagkamayan sakin pero di ko pinansin yun
" Di ba siya nakakaintindi ng English Ma?"Tanong niya kay Mama
" Jonas pwede ba "Wika ni Mama
" Sabi ko kinagagalak kong makilala ka kapatid kong Rio "Ngiti niya
Dahil sa nahihiya ako nakipagkamayan nalang ako dahilan para mapangiti siya! Isa isa din akong pinakilala sa mga pinsan kong nakangiti din! Isa isa ko din silang yinakap at ramdam kong ambabait nila maliban lang sa Jonas na yun parang mayabang
" Masaya ka ba Apo? Kasi masayang masaya yung kapatid tsaka mga pinsan mong nasasabik sayo "Wika ni Papa
" Opo masaya ako na makilala sila pero natatakot po sa kapatid ko parang bully po siya "Wika ko
" Hayaan mo yang Kuya mo sa una lang yan ganyan pero pag naging close na kayo sigurado akong babantayan at aalagaan ka nun kaya halika na punta tayo ng hapag kainan naghihintay na yung pagkain dun "Wika ni Papa
Nauna naman siyang naglakad kaya sumunod na ako! Namangha din ako sa hapag kainan nila sobrang laki pang isang pamilya at ang daming pagkain sa mesa! Nakita ko din yung kapatid kong nakangiti habang nakatingin sakin pero di ko nalang pinansin
" Halika Apo wag kang mahiya "Wika ni Mama
Tumabi ako kay Mama habang katabi ko din yung Kuya pero sa dahil di kami close dedma nalang
" Feel at home Apo kumakain ka ng madami dahil may inuman mamaya "Wika ni Papa
" Di po ako umiinom "Hiya ko
" Arte arte tang*na "Rinig kong bulong ng Kuya ko
" Kahit ngayon lang Apo kasiyahan sa pagbabalik mo "Wika ni Mama
" Ayoko po talaga "Hiya ko
Agad akong napatingin sa kanya at kasalukuyan siyang nagcecellphone
" Sige kumain na ang lahat wag magsayang ng pagkain ha "Wika ni Papa
Nagsimulang kumain ang lahat at bigla namang nagningning yung mga mata ko ng may makita akong pulang sili sa harap ko! Napatingin ako sa mga katabi ko at busy sila kakakain kaya pasekreto akong kumuha ng sili at hinalo ko yun sa kanin ko! Di naman nila ako nakita kaya agad kong kinain kanin ko! Nag uusap naman yung bagong Lolo't Lola ko tungkol sa negosyo kaya hinayaan ko nalang sila at nagpatuloy na sa pagkain
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Kasalukuyan kaming nasa second floor kasama yung Papa ko habang nasa baba si Mama may kausap na businessman!
" Meron kaming pitong kwarto dito sa second floor tsa - - - - - "
" Po? Pito?"Gulat ko
" Yes Apo pito! Itong mga kwarto namin ay para lamang sa bisita o mga tulad kong businessman sa twing nagkakasiyahan dito sa bahay pag di sila nakakauwi dito sila natutulog pero pwede ka din namang matulog dito kung gusto mo "Wika ni Papa
" Kaya pala ang laki tingnan sa labas tsaka ang ganda pa tingnan "Wika ko
" Bakit ilang kwarto lang meron kayo dun sa bahay niyo sa probinsya?"Tanong ni Papa
" Dalawa lang po kwarto namin sa bahay isa kila Lolo't Lola isa din sakin "Sagot ko
" Kahit ilang kwarto meron kayo okay lang yun ang importante merong natutulugan at nasisilungan "Ngiti ni Papa
Agad akong lumapit sa malaking larawan ni Mama na kasalukuyang nag iindorsong produkto
" Si Mama to diba Papa?"Tanong ko kay Papa
" Oo siya yan! Dalaga palang Mama mo isang model na yun sa iba't ibang kompanya! Pero dahil sa sumama siya sa Papa mo lahat ng pangarap namin sa kanya bigla nalang naglaho pero di ko sinisi Papa mo dahil kagustuhan yun ng anak ko sadyang si Mama Amira mo yung nagmalupit hanggang sa iniwan kami at sumama sa Papa mo at naiwan samin yung Kuya mo! Sanggol ka palang nun nung huli kitang nakita pero ngayon ang laki mo na ang ganda pa sobra "Ngiti ni Papa
" Tsk si Papa talaga "Wika ko
" Halika na punta tayo sa ikatlong palapag at nandun yung kwarto mo "Wika ni Papa
Nagsimula naman siyang naglakad kaya sumunod ako pero ang totoo napapagud na ako kakalakad tsaka parang nahihilo na ako gusto ko sana magpahinga muna
" Meron kaming apat na kwarto dito! Isa samin ng Mama mo isa sa Kuya mo at isa para sayo "Wika ni Papa
Nanlaki nalang mata ko dahil sa sobrang ganda ng chandelier na nasa taas! Meron din silang sariling kusina dito sa taas ang ganda din ng terrace nila at malinis yung sala
" Come Apo "Wika ni Papa
Agad akong lumapit kay Papa at binuksan niya yung isang kwarto! Kala ko sa sala lang merong chandelier meron din pala dito sa kwarto na to
" Ito kwarto mo! Wala ka ng ibang proproblemahin pa lahat ng kailangan mo'y nandito na "Wika ni Papa
" Kwarto po to?"Tanong ko kay Papa
" Yes! Kwarto mo to "Sagot ni Papa
" Ganto lang po kaluwag bahay namin dun sa probinsya pero isang kwarto niyo lang pala "Wika ko
" Hayaan mong masanay ka sa bahay na to dahil isa ka ng parte ng pamilyang ito, simula sa araw na to isa ka ng Dela Fuente "Wika ni Papa
Agad akong napayakap kay Papa at yinakap niya din ako!
" Salamat Papa "Wika ko
" Kulang pa to Apo ko babawi kami sayo! Pag di na ako naging busy tuturuan kitang humawak ng negosyo dahil ikaw ang papalit sa pwesto ko "Wika ni Papa
" Nako wala po akong alam sa mga negosyo ng mga mayayaman dahil paglalako lang po ng mga gulay yung alam ko "Hiya ko
" Well panahon na ata para maging madiskarte at maging aktibo ka sa mga negosyong hinahawakan namin "Wika ni Papa
" Susubukan ko po "Wika ko
Bumukas naman yung pinto at pumasok yung isang kasambahay dala yung bag at maleta ko
" Maraming salamat po "Wika ko
Nagbigay galang naman yung kasambahay kay Papa at lumabas na! Umupo muna kami ni Papa sa sofa at dinala ko na din yung maleta ko
" Apo may tanong ako "Wika ni Papa
" Ano po yun?"Tanong ko
" May boyfriend ka na ba?"Tanong sakin ni Papa
Agad akong napatahimik dahil pumasok sa isipan ko si Lucas! Bigla nalang bumalik yung lungkot ko dahil sa kanya bat di ka mawala sa isipan ko Lucas? Lahat naman ginagawa ko para kalimutan ko pero bat parang bumalik balik parin pangalan mo?
" Silence means yes? Then sino siya? Pwede ko bang makilala?"Mga tanong ni Papa
" Nagkaboyfriend na po ako pero iniwan po ako "Sagot ko
" Ha? Bakit naman?"Tanong ni Papa
" Ikakasal po siya sa iba di naman po ako babae para piliin eh "Sagot ko
" Pero isa sa mga napansin ko bakit malaki yang tyan mo? Ano meron dyan?"Tanong ni Papa
Agad akong napatingin sa tyan ko at nagulat ako dahil di ko pala natakpan!
" Ay wala po yan! Busog lang po siguro ako madami po kasi nakain ko "Pagsisinungaling ko sabay takip sa tyan ko
" Hindi eh! Hindi yan galing sa pagkain "Wika ni Papa
Diyos ko anong gagawin ko? Pano ko itatago to?
" Tayo ka nga "Utos ni Papa
Agad akong nagdalawang isip kung susundin ko utos ni Papa pero wala ng paraan para itago pa to kaya tumayo na ako
" Pwede ko bang hawakan?"Tanong ni Papa
Naghintay naman si Papa sa sagot ko kaya tumango na ako!
" May nangyari na ba sa inyo ng nobyo mo?"Tanong ni Papa sakin
Diyos ko bat katulad niya si Lola? Parang gustong malaman ang lahat lahat sakin
" Opo "Hiya ko
Bigla naman siyang napangiti at bigla akong yinakap! Ewan ko kung anong meron pero parang ang saya niya! Humarap naman siya sakin at hinawakan mukha ko
" Kala ko ako nalang ang nag iisang merong  gantong kondisyon Apo ko! Meron pa pala! Nagmana ka sakin pareho tayong hermaphrodite "Iyak ni Papa
" Po? Ano pong ibig niyong sabihin?"Tanong ko
" Meron din akong anak! Anak namin ng boyfriend ko noon "Iyak ni Papa
Bigla namang itinaas ni Papa yung damit niya at may nakita akong guhit sa tyan niya dahilan para magulat ako
" Ang saya ko ng malaman kong katulad kita Apo "Wika ni Papa
" May boyfriend ka po?"Tanong ko kay Papa
" Oo Apo nagkameron ako ng nobyo sa edad na bente uno pero dahil sa mahirap pa ang buhay noon pareho kaming hinihigpitan ng mga magulang namin dahil bawal daw ang lalake sa lalake pero di kami sumuko nagsama kami at may nangyari saming dalawa at di ko alam na meron pala akong gantong kondisyon! Nagulat siya nung sabihin ko sa kanyang magkakaanak kami di siya naniwala nung una pero dahil sa palaki ng palaki yung tyan ko dun niya ako inalagaan! Hanggang sa dumating yung araw na isinilang ko Jared "Kwento ni Papa na ikinagulat ko
" Asan po yung anak niyo? Tsaka asan po yung nobyo mong si Ignacio?"Mga tanong ko
" Nasa ibang bansa si Jared isang piloto tsaka nasa ibang bansa na din si Ignacio may sarili na ring pamilya! Iniwan ko siya dahil gusto kong bumuo ng pamilya ayokong magsama kami dahil sunod sunod yung hirap at pagsubok na tinatahak naming dalawa "Sagot ni Papa
" Alam ba ito ni Mama?"Tanong ko ulit
" Oo alam niya, nung una naging mahirap dahil tinataboy niya ako dahil nakakadiri daw ako! Hindi ako bakla, straight ako sadyang umibig lang ako kay Ignacio at di ko naman alam na pareho pala kaming may nararamdaman! Pero tinanggap ako ng Mama mo dahil nabuntis ko siya at yun yung Mama Melissa mo "Kwento ni Papa
" Umuuwi po ba yung anak niyo?"Tanong ko ulit kay Papa
" Sa ngayon di daw siya makakauwi dahil buntis yung asawa niya pero nung nakaraang taon umuwi siya at mainit naman siyang tinanggap ni Amira dahilan para maging masaya ako "Kwento ni Papa
" Natatakot po ako "Takot ko
" Hanggat kasama mo ko wala kang dapat ikatakot, aalagaan kita dahil dinanas ko din yan! Ito ang tandaan mo hindi ka lang basta bakla meron ka ding maipagmamalaki kaya hayaan mong magsisi yung nobyo mong pinagpalit ka sa tunay na babae "Wika ni Papa
" Salamat Papa "Wika ko
" Sigurado akong masisiyahan nito si Amira lalo na't may anghel na dadating sa buhay natin! Bukas na bukas ipapacheck up kita titingnan natin yung baby mo kung healthy ba kaya magpahinga ka na halatang pagud ka "Wika ni Papa
" Opo "Wika ko
" Kung may kailangan ka nasa baba lang ako "Wika ni Papa
" Opo "Wika ko
" Pasado alas onse na magpahinga ka na may pupuntahan pa tayo bukas "Wika ni Papa
" Opo Papa "Wika ko
Yinakap naman ako ni Papa at hinalikan niya noo ko at umalis na! Napaupo nalang ako dahil sa kwento ni Papa! Bigla akong nabuhayan ng loob nung sabihin sakin ni Papa na hindi lang ako basta bakla lang meron din akong ipagmamalaki tulad niya! Tumayo na ako at dinala ko maleta ko para buksan! Gusto ko kasing maglinis ng katawan! Habang isa isa kong kinuha mga damit ko biglang nalang may nahulog na wallet dahilan para mapatigil ako
" Bat may wallet sa maleta ko?"Tanong ko sa sarili ko
Umupo muna ako sa sahig at kinuha ko yung wallet na yun! Bigla nalang akong kinabahan dahil alam kong kay Lucas to! Binuksan ko yung wallet na to at nanlaki mga mata ko dahil sa kapal ng pera na nasa loob nito! Nandito din yung mga ID's at atm niya hanggang sa naglaglag yung isang litratong magkasama kaming dalawa habang natutulog ako at yakap ko siya! Agad namang namu-o yung luha ko dahil sa litratong ito, ito yung gabing lasing ako pinagalitan niya ako nun dahil galing ako sa bar
" Lucaaas "Iyak ko
Bat mo ko hinayaan? Bat mo ko iniwan ng ganun ganun nalang? Di ko alam pero ang hirap mong kalimutan lalo na pag naaalala ko yung mga araw na ating pinagsamahan pero ngayon binigay ko sayo yung hinihingi mong kalayaan kaya sana maging masaya ka sa desisyon mo at walang pagsisisihan .

ALL NIGHT LONG ✨(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon