CHAPTER : 6

33 1 0
                                    

Lucas's POV

" Alis na kami pre "Wika nila Cyrus
" Sige sige ingat kayo "Wika ko
Sumama ako sa kanila sa labas at isa isa naman silang pumasok sa kotse ni Jake! Tuluyan silang umalis kaya nilock ko na gate namin at pumasok na ako sa loob at nilock yung pinto! Buti nalang nilinisan agad ni Kentucky yung mesa kaya wala ng problema bukas! Ano kaya nangyayari dito? Ang sama sama ng tingin sakin eh kanina pa to! Lapitan ko nga! Dahil sa nakatayo siya dahan dahan akong lumapit sa kanya at sinadya kong titigan siya ng malagkit, napapaatras naman siya bawat hakbang ko kaso wala na siyang maastrasan dahil pader na yung nasa likod niya! Kinulong ko siya gamit mga kamay ko dahilan para matakot siya!
" Si-sir ma-matutulog na po ako "Utal niya
Tinitigan ko lang siya at di muna ako nagsalita! Gandang bakla eh kanino kaya to nagmana?
" Bat ang sama ng tingin mo sakin ha? Kanina ka pa ah "Wika ko
" Di naman masama tingin ko sayo Sir eh "Takot niya
" Anong hindi? Kanina pa kita napapansin! Ano ba meron sayo ha?"Tanong ko sa kanya
" Wa-wala po Sir "Sagot niya sabay yuko
Palihim akong napangiti dahil sa kanya! Cute niyang matakot, kaya inilapit ko mukha ko sa mukha niya ng di niya alam 
" Di ka matutulog ngayong gabi may iuutos pa ako sayo "Wika ko
Agad naman siyang napatingin sakin at sa di inaasahang pangyayari nahalikan ko ilong niya dahilan para mapakurap siya! Sunod sunod naman na kaba yung naramdaman ko habang nagkakatitigan kami magsasalita pa sana ako para humingi ng sorry kaso itinulak niya ako
" Ahm matutulog na po ako Sir "Wika niya at di makatingin sakin ng maayos
" Kentucky saglit lang "Wika ko
Di naman niya ako pinansin at tumakbo na papunta sa taas at narinig kong pumasok siya sa kwarto niya
" Hay Lucas "Bulong ko
Pumunta nalang ako sa banyo at naghilamos napatingin ako sa salamin at inayos ko sarili ko! Ano ba tong ginawa mo Lucas nahiya tuloy yung tao! Lumabas ako sa banyo at umakyat na sa taas papasok na sana ako sa kwarto ko kaso napatingin ako sa pinto ng kwarto ni Kentucky kaya lumapit ako at idinikit ko tenga ko! Wala akong narinig kaya pumasok na ako sa kwarto at hinubad ko damit tsaka short ko humiga na ako sa kama dahil anong oras na may pupuntahan pa kasi ako bukas
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Nagising nalang ako dahil sa anak ko yugyog kasi ng yugyog!
" Papa alas onse na! Di ka pa kumain "Wika ng anak ko habang niyuyugyog ako
" Kuya Kentucky mo asan?"Tanong ko
" Nasa baba naghuhugas "Sagot ng anak ko
" Sige na baba ka na susunod ako "Wika ko
Lumabas naman yung anak ko kaya bumangon na ako! Kinuha ko short ko at lumabas na sa kwarto! Nagtopless lang ako dahil maliligo ako maya maya! Bumaba ako at pumunta sa may hapag kainan! Nakita ko namang nakahanda na yung pagkain
" Hoy kumain ka na ba?"Tanong ko kay Kentucky
Di naman niya ako pinansin at naglinis lang lababo! Nagbibingi bingi-an lang ata to eh
" Nak kumain na ba tong si Kentucky?"Tanong ko sa anak ko
" Opo Papa sabay kami, tsaka inutusan ako ni Kuya na gisingin ka lalamig daw kasi yung pagkain "Sagot ng anak ko habang nasa sala siya
Napatigil naman siya kakalinis sa lababo at napatingin sa anak ko!
" Kumain na pala eh tas nagbibingi bingi-an lang "Pagpaparinig ko sa kanya
Di naman niya ako pinansin dahil naglilinis siya! Bukas ng umaga pupunta na naman kami sa bukid dahil death anniversary ng chief namin noon na namatay sa bukid, taon taon kaming pumupunta dun dahil dun siya inilibing
" Pagkatapos mo dyan magpahinga ka muna dahil may iuutos pa ako sayo "Wika ko
Sa pangalawang pagkakataon di niya ulit ako pinansin! Abaaa gusto atang painitin ulo ko eh! Kaya tumayo ako at pumunta ako sa kinaroroonan niya agad naman siyang napaatras at di makatingin sakin ng maayos
" Bingi ka ba? Ha? Ang sabi ko pagkatapos mo dito magpahinga ka muna dahil may iuutos pa ako sayo "Diin ko
" Opo "Wika niya habang nakatingin sa likod ko
" Bat nakatingin ka sa likod ko? Nasa likod ba kausap mo?"Tanong ko
" Opo nga diba? Paulit ulit ah "Pandilat niya sakin
Agad akong napatingin sa sala dahil nandun anak ko! Baka kasi magsumbong yun kay Mama lalo na't nagtatalo na naman kami ng bakla na to
" Wag mo taasan yang boses mo ha! Baka putulin ko yang dila mo "Mahina kong sabi
" Paulit ulit kasi eh "Taas boses niya
Agad namang napatingin samin si Liam dahilan para mapatahamik kaming dalawa! Lagot na naman ako nito kay Mama! Dahil sa di nakatingin ulit sa TV yung anak ko! Agad ko siyang binatukan ng mahina dahilan para magkasalubong kilay niya! Bumalik ako sa mesa at iniwan ko siya!
" Nak sama ka?"Tanong ko
" Saan Papa?"Tanong ng anak ko
" Sa Mall "Sagot ko
" Oo Papa! Bibili din ako bagong laruan madami na pera ko eh bigay nila Ninong tsaka nila Lola "Wika ng anak ko
" Bagong damit tsaka sapatos? Ayaw mo?"Tanong ko
" Ayaw "Iling iling niya
" Ikaw bahala "Wika ko
Tumayo na ako at dinala ko yung baso at pinggang inilagay ko yun sa lababo
" Hugasan na naman "Wika ni bakla
" Bakit may reklamo?"Tanong ko
" Anong oras na kasi bumabangon "Wika niya
" Ano naman?"Tanong ko
" Di tuloy matapos tapos mga ginagawa ko dito "Wika niya
" Katulong naman kita eh kaya mo yan "Kindat ko sa kanya
" Tusukin ko pa yang mata mo "Wika ko
Di ko na siya pinansin at pumunta na sa sala! Ang ingay ingay kasi eh anak ata to ng kapitbahay namin pareho silang may megaphone sa bibig
" Papa? Isama naman natin si Kuya Kentucky mamaya "Wika ng anak ko
" Bat naman natin yan isasama?"Tanong ko
" Kawawa siya Papa wala siyang kausap mamaya "Sagot niya
" Edi sige "Wika ko
" Nak may itatanong pala ako sayo "Dugtong ko
" Ano yun Papa?"Tanong niya
" Ano mga tinanong sayo ni Kentucky tungkol sakin?"Tanong ko
Napatahamik naman yung anak ko habang iniisip yung mga sinabi ni Kentucky sa kanya! Chismoso kasi yung bakla na yun
" Wala Papa "Sagot niya
" Tsk! Sabihin mo na sakin! Narinig ko kayong dalawa pinag uusapan niyo ko sa loob ng kwarto mo "Wika ko
" Secret namin yun Papa eh "Wika niya
" Tsk! So di mo na Mahal si Papa?"Tanong ko
" Papa bawal "Sagot niya
Kilala ko tong anak ko eh! Ayaw talaga niyang sabihin sakin yung mga sekretong nalalaman niya dahil kagagawan yun ng Kentucky niyo! Sarap talaga isako
" Pagkatapos mo manood maligo ka ha! Aalis tayo maya maya "Wika ko
" Opo Papa "Wika niya
Bumalik ako sa kwarto at humiga muna! Tumihaya ako at napatingin sa kisame
" Hay nako Kentucky ka "Wika ko
First time ko magandahan sa isang bakla pero bakit sa kaaway ko pa? Madami namang bakla na magaganda pero bat parang kakaiba siya? Yung tipong simple lang pero may dating, nahiya ata yun sakin dahil nahalikan ko ilong niya kagabi pero di ko naman sinasadya yun! Pansin ko rin na parang naiilang na siya sakin! Tama na Lucas di ka pwedeng mahulog sa kanya sayang lahi mo! Pumasok ako sa banyo at naghubad na para maligo! Humarap ako sa salamin at kitang kita ko katawan ko! Wala na atang silbi tong kakisigan ng katawan ko wala na kasi akong magustuhang babae simula nung isilang si Liam! Binuksan ko na shower at naligo na
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Kasalukuyan kaming nandito sa Mall kasama anak ko tsaka si Kentucky! Namimili kami ng mga pagkain na kailangan namin araw araw! Pinalista ko sa kanya yung mga kailangan namin sa bahay para di kami bumalik pa dito! Ako taga kuha siya naman yung taga check sa listahan! Dinamihan ko cup noodles dahil dadalhin ko to sa bukid baka wala kaming kainin dun! Gusto ko sanang isama si Kentucky sa bukid kaso baka pagalitan ako ni Kuya Henry eh
" Sir 30pcs lang naman nakalagay dito sa listahan yung cup noodles eh! Bat sobra na?"Tanong niya sakin
" Di bale ng sumobra di lang magkulang "Sagot ko
Napatigil ako kakakuha ng cup noodles dahil nakita ko siyang ngumiti
" Bat ka napangiti?"Tanong ko
" Walaaa! May iniisip lang ako "Sagot niya
" Tsk "Wika ko
Napatingin ako sa anak ko na kasalukuyang nakatingin samin! Kaya binaling ko nalang tingin ko sa mga pagkain! Dahil sa kompleto na yung mga kailangan namin! Binigyan ko ng pera si Kentucky at siya na pumila para magbayad
" Puntahan mo nalang kami ni Liam dun sa may bilihan ng laruan nandun kami "Wika ko kay Kentucky
" Okay po "Wika niya
Hinawakan ko na kamay ng anak ko at pumunta kami sa bilihan ng laruan! Agad naman siyang napatakbo at isa isang tinitingnan yung mga laruang baril
" Dami na laruan mo nak tas pag nagsawa ka iiwan mo na naman kung saan saan "Wika ko
" Pero Papa gusto ko "Wika niya
" Tsk sige na pumili ka na "Wika ko
Hinayaan ko siyang pumili at napatingin ako sa kinaroroonan ni Kentucky! Bat kaya yun napangiti kanina? Nababaliw na ata kakaisip sa lalake niya!
" Ito lang gusto ko Papa "Wika ko
" Dalawa lang?"Tanong ko
" Oo bibili pa tayo bagong bag diba Papa? Yung may gulong "Sagot niya
" Ah oo tara na "Wika ko
Nakita ko namang papalapit na samin si Kentucky palihim akong napatawa dahil madami dala niya
" Sir ikaw naman magdala ng isa ambigat kasi Sir eh "Wika niya
" Kaya mo nga yung bigat ng lalake mo yan pa kaya?"Tanong ko sa kanya
" Kainis naman "Kamot ulo niya
Kinuha ko nalang yung isa tsaka ako na nagdala! Sumunod naman tong isa samin at bumili din ako ng bagong bag
" Papa! Ikaw nalang bili bag ko! Dun lang ako sa Tom's World ha "Wika ng anak ko
" Liam saglit lang "Wika ko
Di naman niya ako pinansin at tumakbo na papunta sa may Tom's World,
" Talagang batang yun "Wika ko
Ako nalang pumili ng bag ng anak ko gusto niya kasi yung may gulong kaya pinagbigyan ko na! Sunod naman ng sunod tong isa habang dala dala yung mga binili namin kanina!
" Ito nalang siguro "Wika ko
Dahil sa nakapili na ako pumasok kami sa bilihan ng mga damit, ilang buwan na rin akong di nakakabili ng bago dahil nabubusy ako sa trabaho!
" Ikaw? Wala ka bang bibilhin?"Tanong ko kay Kentucky
" Wala naman akong pera Sir eh! Nag iipon kasi ako, ipapadala ko nalang siguro kila Lola pera ko kesa sa pansariling kasiyahan ko lang "Hiya niya
" Tsk! Ilagay mo muna dyan yang mga pinamili natin! Pili ka dun ako na magbabayad "Wika ko
" Po?"Tanong niya
" Bakit? Ayaw mo?"Tanong ko
" Ito na po "Sagot niya
Inilagay naman niya yung pinamili namin sa gilid at nagsimulang mamili ng mga damit, napatingin ako sa kanya habang namimili siya napangiti ako dahil biruin mo sobrang tapang sa sagutan pero mahiyain naman! Kentucky ka! Limang damit lang kinuha ko dahil di naman ako masyadong gumagala kaya umupo muna ako sa may upuan at hinintay ko yung isa! Kinuha ko nalang cellphone ko at nagscroll scroll muna!
" Sir tapos na ako "Wika sa harap ko
Napatingin ako sa harap ko at nakita ko siyang may dalang damit
" Yan lang?"Tanong ko
" Opo "Sagot niya
" Sapatos?"Tanong ko
" Okay pa naman sapatos ko eh di ko pa yun papalitan "Sagot niya
Kinuha ko wallet ko tsaka binigay ko sa kanya atm ko
" O ito ikaw na magbayad dalhin mo na rin tong sakin "Wika ko sabay bigay sa kanya yung atm ko
Tinanggap naman niya atm ko at dinala mga damit na pinili ko kanina! Iuuwi ko muna sila sa bahay dahil magtitipon tipon kami mamaya para sa death anniversary ng chief namin noon! Puntahan ko rin mamaya si Kuya Henry kung papayag ba siyang isama ko si Kentucky dun sa may bukid, pero di lang basta bukid yun maraming nakatira dun tsaka maraming bahay kaso walang kuryente at mahirap makahanap ng signal
" Si-sir "Wika sa harap ko
" Oh?"Tanong ko
" Ibalik ko nalang yung sakin "Sagot niya
" Bakit?"Tanong ko
" Mahigpit 8k binayaran mo eh "Sagot niya
" Tsk di ka na nasanay! Ako nga nung college pa lang umaabot 10k ginagastos ko dito tsaka sa tingin mo maibabalik pa ba yan?"Tanong ko
" Oo nga pala no "Wika niya
" Halatang baklang probinsyano "Wika ko
" Baka mamaya may kapalit na naman to "Wika niya
" Halika na baka hinihintay na tayo ni Liam "Wika ko
Sabay kaming lumabas at ako na nagdala sa mga pinamili namin! Pumunta kami sa Tom's World at nakita kong naglalaro pa anak ko kaya lumapit na ako
" Liam tara na! Uuwi na tayo "Wika ko
" Okay po "Wika niya
Tuluyan kaming umalis at inilagay ko sa likod ng kotse ko yung mga binili namin! Sumakay naman yung dalawa sa likod kaya sumakay na din ako
" Kuya! Di ako nakakuha ng manika "Wika ng anak ko kay Kentucky
" Sayang naman "Wika ni Kentucky
" Sa susunod Kuya samahan mo naman ako "Wika ng anak ko
" Oo naman "Wika ni Kentucky
Napatingin naman siya sa sakin at napatingin din ako sa kanya kaso agad siyang yumuko! Nagmaneho na ako dahil may pupuntahan pa ako mamaya .

ALL NIGHT LONG ✨(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon