CHAPTER : 12

19 2 0
                                    

Kentucky's POV

Kasalukuyan akong nandito sa kusina naglilinis! Ngayong araw magsisidatingan ang mga estudyanteng galing ibat ibang school dahil may laban laban sila kaya di kami pumasok ni Kaye dahil di naman kami kasama dun! Inasikaso ko nalang alaga ko dahil may lagnat siya habang nasa trabaho si Lucas yabang! Sa pagkakaalam ko pupunta yun bukas sa birthday ni Papa Nick eh kaya bahala siya sa buhay niya ang importante kasama ko anak niya! Katatapos ko lang din maglaba ng mga uniporme naming tatlo dahil sayang yung init ng araw! Nagluto ako ng lugaw para sa alaga ko nagugutom na daw siya kaya pumunta na ako sa sala dala yung pagkain niya!
" Baby bangon na kain ka muna tas inom ka ng gamot "Wika ko
" Kuya? Tinawagan mo ba si Papa?"Tanong ng alaga ko
" Oo "Sagot ko
" Ano sabi niya?"Tanong niya ulit
" Di daw siya makakauwi ngayon busy daw siya ngayong araw! Sigurado akong mamayang gabi pa yun "Sagot ko
Di naman siya nagsalita pa kaya pinakain ko na!
" Kuya? Di ka ba napapagud kay Papa?"Tanong niya sakin
" Ako? Bat naman ako mapapagud sa Papa mo?"Tanong ko
" Bat ka umiiyak kagabi?"Tanong niya
Napatingin ako sa kanya dahil dun sa sinabi niya! Bigla namang pumasok sa isip ko na iyak ng iyak ako kagabi dahil namiss ko sobra sila Lola! Gusto ko mang umuwi kaso may kontrata pa ako kay Lucas! Sana nga payagan niya akong umuwi sa araw ng fiesta dun samin kahit isang linggo lang ako dun
" Namiss ko kasi sila Lola baby eh lalo na si Klinton "Sagot ko
" Klinton? Sino yun Kuya?"Tanong niya sakin
" Kapatid ko "Sagot ko
" May kapatid ka pa Kuya?"Tanong niya sakin
" Oo naman pero dalawa lang kami "Sagot ko
" Ilang taon na siya Kuya?"Tanong niya ulit
" Walong taong gulang palang iyakin pa sobra pag di niya ako nakikita sa pag gising niya "Sagot ko
" Aah "Wika niya
Kahit anong tapang mo pag naisip mo namiss mo yung mga Mahal mo sa buhay lalabas at lalabas yang luha mo! Wala eh kailangan kong kumayod para sa naiwan kong pamilya sa probinsya! Napatingin ako sa alaga ko at pinakain ko siya! Tinawagan ako ni Bugart kagabi sahod niya daw bukas tsaka gusto niyang gumala kasama ako! Gustuhin ko man kaso nandito si Lucas yabang baka di ako nun payagan pero sabi naman ni Ma'am Stephanie na pwede akong gumala pero dapat unahin ko muna si Liam para walang problema!
" Kuya ayoko na "Wika ng alaga ko
" O ito inumin mo tong gamot para gumaling ka agad "Wika ko
Kinuha naman niya yung gamot tsaka tubig at ininom niya yun! Tumayo na ako dala yung pinggan tsaka baso at inilagay ko muna yun sa lababo! Bumalik ako sa sala at nakita ko namang nakahiga siya!
" Kuya payakap "Wika niya
" Oo ba "Wika ko
Dahil sa maluwag yung sofa humiga ako sa tabi niya at agad naman niya akong yinakap! Init ng katawan niya dahil sa lagnat niya! Hinimas himas ko nalang buhok niya hanggang sa nakita kong nakapikit na siya! Gwapo ng batang to young version ni Lucas yabang!
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Dahil sa hapon na kailangan kong kumilos dahil uuwi na si Lucas! Kinuha ko na yung mga damit namin sa sampayan dahil lumubog na yung araw! Pumasok na ako sa loob ng bahay tsaka inilagay ko muna mga dami namin sa mesa! Lumapit ako sa alaga ko na kasalukuyang naglalaro sa cellphone niya at tumabi ako sa kanya
" Masakit pa ba ulo mo baby?"Tanong ko
" Medyo Kuya pero di na ako nilalamig! Ang galing mo kasi mag alaga eh "Ngiti niya
" Tsk! Dito ka lang sa sala ha magsasaing lang ako baka kasi dumating Papa mo tas awayin na naman ako "Wika ko
" Okay po "Wika niya
Hinalikan ko noo niya tsaka tumayo na para pumunta sa kusina! Nagsaing ako dahil gabi na para wala ng problema! Di na ako nagluto ng ulam dahil may dalang ulam si Lucas yun kasi text niya sakin! Linis doon, linis dito, para walang masabi sakin mamaya si Lucas niyo!
" Papaaaa "Sigaw ni Liam sa sala
Napalingon ako sa likod ko at nakita kong niyakap naman ni Liam Papa niya! Kaya hinayaan ko muna sila! Ano kaya sa pakiramdam yung kasama at palagi mong nakikita Papa mo? Ako kasi bata pa ako nung iwan ako ng Mama at Papa ko tsaka lumaki akong wala sila sa tabi ko kaya kahit ganto na ako kalaki inggit na inggit pa rin ako sa mga batang kasama nila mga magulang nila lalo na pag nakikita ko silang masaya!
" Ayaw akong pansinin ah "Wika sa tabi ko
Natauhan nalang ako dahil nasa tabi ko na pala si Sir! Napatingin ako sa kanya at bigla naman siyang ngumiti, bat ganto si Lucas? Kahit may anak na siya nangingibabaw pa rin kagwapuhan niya?
" Tang*na naman Kentucky nakikinig ka ba? Lutang lutang ah "Inis niya
" Ay sorry Sir! Ano po yun?"Natataranta kong tanong
" Kiss ko "Mahina niyang sabi
Agad akong napatingin sa sala at wala na dun si Liam
" Asan anak mo?"Tanong ko
" Nasa taas na "Sagot niya
" Ah "Wika ko
" Kiss sabi "Wika niya
" Kiss mo yang mukha mo "Wika ko
" Tsk palagi nalang "Wika niya
Iniwan ko siya at pumunta ako sa mesa para tingnan yung mga pinamili niya! Andami kasi eh
" Nandito ba lahat yung mga tinext ko sayo?"Tanong ko sa kanya
" Oo naman "Sagot niya
" Mabuti kung ganun "Wika ko
Nagtataka ako kung bat ang dami dami niyang binili, may mga ibat ibang klaseng bag kasi dun sa sala! Ano kaya mga laman nun! Maglalakad na sana ako ng biglang pumasok sa isip ko ng biglang pumasok sa isip ko na sweldo pala ngayon ni Sir! Agad akong napaharap sa kanya at lumapit ako sa harap niya
" Siiiiir "Ngiti ko sabay hawak sa dibdib niya na para bang may dumi akong tinanggal kahit wala naman HAHAHHA
" Ano?"Tanong niya
" Balita ko sweldo mo daw ngayon "Sagot ko habang patuloy sa ginagawa ko
Bigla naman siyang napatawa kaya nginitian ko siya
" Tapos?"Tanong niya
" Wala lang! Gwapo mo ngayon eh "Sagot ko
Sinabi ko kaya sa kanya kahapon na kahit sapatos lang! Kaso di ako pinakinggan!
" Binilhan na kita ng sapatos "Wika niya
" Talaga Sir?"Tanong ko
" Pero kala mo ibibigay ko agad yun sayo "Sagot niya
" Bakit naman?"Tanong ko
" Syempre may kapalit yun "Sagot niya
" Ano?"Tanong ko
" Dun ka matutulog mamaya sa kwarto ko tabi tayo "Sagot niya
" Hinahalikan mo ko eh "Wika ko
" So ayaw mo?"Tanong niya
" Di naman sa ganun pero dapat tabi lang walang halikan "Sagot ko
" Ayaw mo eh! So di ko yun ibibigay sayo madali lang naman akong kausap "Wika niya
" Oo na dun na ako matutulog tabi tayo "Wika ko
Bigla naman siyang ngumiti at hinalikan kamay ko
" Good "Ngit niya
" Magluto ka ng pulutan dadating sila Jake mag iinuman kami "Wika niya ulit
" Na naman?"Tanong ko
Di naman niya ako pinansin at naglakad na papunta sa taas! Isa isa ko nalang inilabas yung mga pinamili niya at inilagay ko yun sa ref niya! Naglinis din ako ng sala dahil dadating sila Papa Nick! Ganto ginagawa nila sa twing swesweldo sila pero mas mainam siguro na dito nalang sila mag inuman kesa sa malayong lugar na pwede silang mapahamak .

ALL NIGHT LONG ✨(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon