CHAPTER : 19

15 2 0
                                    

Kentucky's POV

Kanina pa ako naghihintay kay Lucas sabi niya babalik agad siya! Nasakin cellphone niya tsaka binuksan ko yun para tingnan ang oras pasado ala-una na pala ng madaling araw! Hay Lucas nasan ka na ba? Binalik ko nalang sa bulsa yung cellphone ni Lucas at napagpasyahang lumabas sa kotse niya para hanapin siya! Baka napainom na naman yun alam naman niyang uuwi pa kami eh! Pumasok ako sa may gate at halatang lasing na yung iba dahil nagsasayawan at nagsisigawan na! Lumingon lingon ako para hanapin si Lucas kaso di ko siya nakita
" Kentucky "Tawag sa likod ko
Agad akong napalingon sa likod ko at nakita kong papalapit sakin si Sir Jake(Katrabaho ni Lucas sa presinto)
" Nandito ka pa pala! Kala ko nakauwi na kayo kanina pa kita hinahanap "Lasing na sabi niya
" Nako Sir Jake kailangan ko pong hanapin si Lucas para makauwi kami "Wika ko
" Wag mo ng pansinin yung amo mo nag eenjoy yun kaya tara sumama ka sakin sigurado akong mag eenjoy din tayong dalawa Kentucky "Ngiti niya sabay hawak sa braso ko
Agad namang nagsitayuan mga balahibo ko dahil sa balak niyang isama ako! Pilit ko mang tanggalin kamay niya kaso mahigpit hawak niya sa braso ko
" Sige na kasi pumayag ka na lalake na lumalapit sayo! Babayaran naman kita pagkatapos nating mag enjoy tsaka ako na maghahatid sayo dun bahay ng amo mo "Ngiti niya
" Sir bitiwan niyo ko nasasaktan ako "Takot ko
" Di naman tayo magtatagal sa hotel eh tsaka bayaran kita ng malaki "Ngiti niya ng pandemonyo
" Sir ayoko po huhu "Takot ko
Biglang nanginig mga tuhod ko dahil sa takot tsaka ayaw niyang bitiwan braso ko kung di ako sasama sa kanya!
" Pre nandito ka lang pala "Wika ni Sir Nick(Katrabaho din ni Lucas sa presinto) sa likod ni Jake
Agad naman niyang binitawan braso ko at napalingon kay Sir Nick kaya agad akong tumakbo at pumasok sa loob ng bahay! Diyos ko buti nalang dumating si Sir Jake dahil kung hindi baka kung ano na mangyari sakin! Huminga muna ako ng malalim at tuluyang pumasok sa loob ng bahay! Namangha nalang ako dahil sa mga desinyong nagsisikinangan! Pero si Lucas hinahanap ko dito kaya hinanap ko siya kaso matatanda lang yung nandito! Hanggang sa nahagip ng mga mata ko yung babaeng kasama ni Ma'am Elaine(Mama ni Liam) kahapon! Siya yun yung morenang babae! Kaya lumapit ako sa kanya hanggang sa napatingin siya sakin
" Hi "Ngiti ko
" Oh? Kentucky? Am I right?"Tanong niya sakin
" Opo ako po si Kentucky "Sagot ko
" Nako wag mo kong ma po-po di pa ako matanda "Wika niya
" Ay sorry "Hiya ko
" By the way I'm Danica Asuncion kaibigan ni Elaine "Ngiti niya
" Siguro di ko na kailangan magpakilala dahil kilala mo na ako "Wika ko
" Ganda mong bakla "Ngiti niya
Agad akong napayuko sa hiya at ngumiti naman siya at uminom ng wine! Mukhang mabait naman siya pero parang kakaiba kung makatitig yung mga mata niya
" Bat ka napunta dito? Napagud ka na ba kakasayaw sa labas?"Tanong niya sakin
" Ay hindi, hinahanap ko kasi si Sir Lucas anong oras na kasi may pasok pa siya bukas sa trabaho niya "Sagot ko
" Isinama ka ni Lucas?"Tanong niya sakin
" Oo eh "Sagot ko
Inilagay naman niya yung wine sa mesa at nginitian ako
" Tamang tama dating mo Kentucky halika nasa taas siya tara sunod ka "Wika niya
Naglakad naman siya at nakayuko akong naglakad dahil sa hiya! Mga mayayaman kasi yung nandito lalo na yung mga nag iinuman! Sumunod lang ako kay Danica hanggang sa napahinto siya
" Nakikita mo yung kwartong may malaking larawan? Nandun siya kaya puntahan mo nalang "Wika niya
" Sigurado ka? Baka mamaya walang tao dun ha "Wika ko
" Trust me nandun siya "Ngiti niya
Agad naman siyang naglakad papunta sa baba at naiwan akong nakatayo! Napatingin ako sa kwartong tinuro niya at naglakad na! Diyos ko kinakabahan ako baka tawagin akong magnanakaw dahil ako lang mag isa yung nandito! Dahan dahan lang akong naglakad hanggang sa may narinig akong nagtatalo sa loob ng kwarto na itinuro ni Danica! Jusko nandito ba talaga si Lucas? Kaharap ko na ang pinto ng kwarto na sinabi ni Danica at narinig ko yung boses ni Lucas sa loob dahilan para kabahan ako! Dahan dahan kong binuksan yung pinto at nakita kong nakatayo si Lucas at Elaine habang nag uusap! Ewan ko ba kung biglang bumigat pakiramdam ko nung makita kong nag uusap silang dalawa!
" Lucas alam kong mahal mo pa ako! Alam ko din na malaki kasalanan ko sa inyo ng anak natin! Pwede pa ba nating ibalik yung kahapong nagdaan? Ibalik natin ang dati nating pagsasama "Pagmamakaawa ni Elaine
" Kahit kelan di mo maibabalik ang nakaraan! Maaga mo kaming iniwan kasama yung lalake mo! Maging masaya nalang tayo sa kanya kanyang buhay! Masaya na ako kasama anak ko kaya sana maging masaya ka sa lalake mo "Wika ni Lucas
" Wala ka na bang nararamdaman? Wala na ba talagang pag asa? Lucas mahal kita at alam kong mahal mo pa ako "Yakap ni Elaine kay Lucas
Pinanood ko lang sila at hinayaang mag usap pero di ko maipaliwanag nararamdaman ko
" Wag mo kong yakapin "Tulak ni Lucas kay Elaine
" Bat ganyan ka na sakin? Meron ka na bang iba? Masaya ka ba sa piling niya? Lucas walang makakalamang sa pagmamahal ko sa inyo ni Liam! Walang ibang babae ang makakagawa ng pagmamahal ko kundi ako lang "Sigaw ni Elaine habang pinaghahampas niya si Lucas
" Kung yun inaakala mo nagkakamali ka! Dahil nakahanap na ako ng taong mamahalin ako higit pa sa pagmamahal mo! Mas lalong di ka makakalamang dahil iba siya sayo! Kaya kung inaakala mong babalikan kita nagkakamali ka masaya ako sa piling niya mas masaya pa sa dati nating pagsasama "Diin na sabi ni Lucas
Napakurap nalang ako nung sampalin ni Elaine yung lalakeng mahal ko! Gusto ko mang lumapit pero di ko magawa
" Si Kentucky ba tinutukoy mo? Kelan nalamangan ng isang bakla ang isang tulad ko? Lucas nahihibang ka na ba? Di ka mabibigyan ng anak ni Kentucky bakla siya! Bakla siya Lucas "Galit niya kay Lucad
Bigla akong nabingi sa sinabi ni Elaine! P-pano niya nalamang ako tinutukoy ni Lucas?
" Oh ano? Kala mo di ko malalaman yang pinaggagagawa niyo ng bakla mo? Lucas ako nalang mahalin mo kung ayaw mong makarating kila Tita Louise tong mga nalalaman ko "Galit niya kay Lucas
" Wag na wag mong idadamay si Kentucky sa mga plano mo Elaine! Nananahimik kami kaya hayaan mong maging masaya kami "Wika ni Lucas
" Di ako papayag na sumaya siya sa piling mo! Kaya kong pumatay Lucas maipaglaban ko lang nararamdaman ko! Lucas ako nalang ulit ibigin mo! Bakla yang napupusuan mo wala siyang maibibigay sayo "Galit ni Elaine
" Di lang basta bakla si Kentucky Elaine mas gugustuhin kong makasama siya kesa makasama ka "Wika ni Lucas
Napaatras nalang ako dahil nakita ako ni Elaine! Sunod sunod na kaba naramdaman ko dahil nanlilisik mga mata niya sakin! Nagulat nalang ako dahil hinila niya yung mahal ko at hinalikan niya ito! Biglang tumigil mundo ko dahil sa nakikita ko! Napatingin ako kay Lucas at tuluyang pumatak luha ko dahil di niya manlang tinulak si Elaine
" Lucas?"Nahihirapan kong sabi
Sa pagkakataong ito'y di ko mapigilan ang magsalita! Bigla naman silang napatigil at napatingin sakin si Lucas! Nakita ko namang nakangiti si Elaine habang nakatingin din sakin
" Kentucky?"Wika ni Lucas dahilan para mapatingin ako sa kanya
Lumapit naman siya sakin at yinakap ako pinunasan ko nalang luha ko at humarap sa kanya
" Sabi mo magpapaalam kalang? Bat iba na nakita ko?"Mangiyak ngiyak kong sabi
" Magpapaliwanag ako Mahal "Wika niya
Di nalang ako nagsalita at napatingin ako sa likod niya kung san naroroon si Elaine! Ewan ko kung bat uminit dugo ko! Pupuntahan ko sana siya kaso pinigilan ako ni Lucas
" Kita mo yun Kentucky? Ako lang ang mahal ni Lucas "Wika niya
" Di totoo yan "Wika ko
" Pero wag kang mag alala makakarating kila Tita na may namamagitan sa inyo ni Lucas! Goodluck Kentucky tingnan natin kung san ka pupulutin "Wika niya
Magsasalita pa sana ako ng bigla niya kaming itulak ni Lucas!
" Pano na to? Alam ni Elaine na nililigawan mo ko? Natatakot ako na baka isumbong nila Ma'am Stephanie "Iyak ko
" Ako na bahala dyan kaya wag kang lalayo sa tabi ko "Wika niya
" Alam mo bang kanina pa kita hinihintay?"Iyak ko
" Sorry "Wika niya
" Yabaaang "Iyak ko
Yinakap ko siya at umiyak ako dahil natatakot ako na baka malaman nila Ma'am Stephanie tong mga panliligaw sakin ni Lucas ayokong mawalan ng trabaho wala akong maibibigay na pang gamot sa Lolo ko
" Wag ka na umiyak uuwi na tayo "Punas niya sa luha ko
Inayos ko na sarili ko at hinawakan niya kamay ko nginitian ko siya at naglakad na kami, sabay kaming lumabas at pansin kong kunti nalang yung tao! Kanina kasi may nagsasayawan pa dito! Pumasok na ako sa kotse ni Lucas at pumasok na din siya
" Mahal okay ka lang?"Tanong niya sakin
" Ha? Ah oo naman "Sagot ko
" Di ko yun sinasadya! Gusto ko sanang lumabas na kaso bigla niya akong hinila at yun ang ginawa niya "Wika niya
Ngumiti ako kahit masakit sa loob ko nagsimula naman siyang magmaneho at tinungo na ang daan papunta sa bahay niya .

ALL NIGHT LONG ✨(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon