CHAPTER : 21

15 2 0
                                    

Kentucky's POV

Kasalukuyan akong nakaharap sa salamin hawak hawak yung sugat ko sa may bibig! Ito ang kauna unahang mapaaway ako sa iba pero alam ng diyos na di ako yung nanguna! Sabi ko kay Kaye wag na patulan si Elaine eh kaso kakaiba kung makapagsalita si Elaine kaya ayun inaway at sinaktan kami, alam kong malaki galit niya sakin pero wala siyang karapatan ang saktan ako dahil wala akong ginawang masama sinunod ko lang puso ko! Pero hindi na ako papayag na saktan niya ulit ako dahil sabi ni Lola wag mag alinlangang lumaban kung sinasaktan ako ng mga taong mapang-api, umalis si Lucas di ko alam kung san siya pumunta di ako lumalabas dahil natatakot akong makita ng mga tao dahil sa nangyari kahapon! Pero hindi dapat ako mahiya dahil wala akong inagaw kay Elaine at mas lalong di niya asawa si Lucas! Tumayo na ako dahil aasikasuhin ko pa alaga ko! Umalis din sila Ma'am Stephanie kaninang umaga papuntang ibang bansa! Pumasok na ako sa kwarto ni Lucas at nakita kong bagong ligo alaga ko kaya lumapit ako sa kanya
" Baby? Kumain ka na ba?"Tanong ko sa kanya
" Tapos na Kuya sabay kami ni Papa "Sagot niya
" San pala pupunta Papa mo?"Tanong ko sa kanya
" Di ko alam Kuya baka kila Ninong Jake ata o baka kila Ninong Nick "Sagot niya
" Ganun ba? Osige nasa baba lang ako maghuhugas "Wika ko
" Kuya may bente pesos ka? Pahingi naman oh nasa labas kasi mga classmates ko "Wika niya
" Bente pesos? Ano naman gagawin mo sa pera?"Tanong ko sa kanya
" Punta kami computer shop Kuya tsaka tapos na mga assignments ko Kuya pwede na akong lumabas "Sagot niya
Napahawak ako sa bulsa ko kung may dala ba akong pera!
" Kuya? Bat may sugat bibig mo?"Tanong niya sakin
" Ito ba? Ah wala yan baby wag mo na pansinin "Sagot ko
" Sinaktan ka ba ni Papa?"Tanong niya
" Di ako sasaktan ng Papa mo "Ngiti ko
Dahil sa may bente pala ako sa bulsa agad kong binigay yun sa kanya
" Salamat Kuya "Yakap niya sakin
" Wag kang magtagal dun ha baka hanapin ka ng Papa mo papagalitan na naman ako nun pag wala ka dito! Tsaka wag tawid ng tawid sa kalsada baka mapano ka "Wika ko
" Opo "Wika niya
Sabay kaming lumabas sa kwarto ng Papa niya at bumaba na! Nakita ko naman mga kaklase niya sa labas at tumakbo palabas ng bahay kaya pumunta na ako sa kusina para tumulong sa mga gawaing bahay
" Oh? Hijo kumain ka na ikaw nalang di kumain dito "Wika ni Aleng Lou
" Maya nalang po ako kakain di pa naman ako nagugutom! Tutulungan nalang po kita maglinis dito sa bahay dahil busy din mga kasamahano dito "Wika ko
" Nako kaya ko na hijo "Wika niya
" Tsk! Ayoko pong magpakaseñorito dito dahil isa din akong katulong din ako "Wika ko
" Osige ikaw nalang maghugas ako nalang maglilinis sa banyo "Wika niya
" Sige po "Ngiti ko
Nagsimula akong maghugas dahil wala naman akong ibang gagawin dito sa bahay! Pero nagtext sakin si Bugart gusto niya daw makipagkita pero di ko alam kung sisipot ako baka kasi ako pagalitan ni Lucas
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Dahil sa hapon na diniligan ko na mga halaman dito sa labas! Nasan na kaya si Lucas? Saan kaya yun pumunta kanina? Di kasi niya sinabi sakin kung san siya pupunta o baka may may pagtitipon tipon ulit sila kasama mga katrabaho niya! Nagtext sakin si Kaye dadaan daw siya dito dahil may pinapabigay sakin si Bugart ewan ko kung ano ibibigay nun sakin! Buti na ngalang nagkabati na kami eh tinawagan niya kasi ako kanina!
" Kuya? Di pa ba nakauwi si Papa?"Tanong sakin ni Liam
" Oo baby eh baka may pinuntahan lang yun o baka may inaasikaso sa presinto "Sagot ko
" Antagal ni Papa huhu "Mangiyak ngiyak niyang sabi
Inihinto ko muna pagdidilig ko at lumapit ako sa alaga ko agad naman niya akong yinakap kaya yinakap ko din siya
" Uuwi din yun "Wika ko
" Bat ang tagal?"Tanong niya sakin
" Hayaan mo pag nakauwi Papa mo papagalitan ko yun kaya punta ka muna sa kwarto niyo maglilinis lang si Kuya dito antayin mo ko dun "Sagot ko
" Okay po "Wika niya
Agad naman siyang naglakad at pumasok na sa loob ng bahay kaya pinagpatuloy ko na pagdidilig ko! Maya sakin yung lalakeng yun di man lang nagparamdam sakin! Kahit text o tawag wala! Tapos ako oras oras nagpaparamdam sa twing malayo kami sa isa't isa pero siya hindi eh! Nang matapos akong magdilig kinuha ko na yung walis tingting para maglinis dito sa labas! Walis doon walis dito, di ako pwedeng mapagud magtrabaho dahil sakin umaasa sila Lola't Lolo! Inilagay ko na sa gilid yung walis tingting dahil lumubog na yung araw lumabas ako dahil baka papunta na dito si Kaye kaso kotse ni yabang yung nakita papalapit ito sakin
" Ngayon ka sakin Lucas ka! Sabi mo di ka magtatagal ha "Bulong ko
Huminto naman kotse niya sa harap ko tsaka binusinahan pa ako ng malakas! Bumukas naman yung bintana at nakita ko siya nakagiti pa
" Hi miss "Kindat niya sakin
" Miss-missin ko yang mukha mo eh "Bulong ko
Lumabas naman siya tsaka isinara yung pinto ng kotse niya at lumapit sakin
" Bat nandito ka sa labas? Hinihintay mo ko? Naks naman tong Mahal ko di makatiis kung wala ako sa tabi niya "Wika niya
" San ka galing ha? Bat ginabi ka? Sabi mo di ka magtagagal?"Mga tanong ko
" Ako? Ano Mahal aaahm galing ako presinto may inasikaso lang "Kinakabahan niyang sagot
Teka?! Parang lasing to ah! Pansin ko kasing namumula mukha niya tas kinakabahan pa
" Lasing ka ba Lucas?"Galit galitan ko
" Ako? Di Mahal ah "Wika niya
Lumapit ako sa kanya tsaka inamoy ko bibig niya! Bigla namang nanlaki mata niya dahil sa ginawa ko kaya humarap ako sa kanya dahil may naamoy ako
" Ayos ah "Wika ko
" Galing naman talaga sa presinto di ako lasing totoo yun Mahal promise "Wika niya sabay taas kamay
" Kala mo mauuto mo ko "Hampas ko sa braso niya
" Aray naman Mahal "Wika niya
" San ka nga galing ha?"Galit galitan ko
" Du-dun ako galing Jake Mahal, dun kami nagtagay tatlo lang kami dun wala kaming kasamang babae tatlo lang kami dun Mahal tatlo lang kami promise "Natatakot niyang sabi
" Tigas ng mukha mo ah! Pag ako niyaya ni Kaye mag inom nagkakasalubong agad yang kilay mo dahil di mo ko pinapagayagan! Tapos ikaw di mo sinasabi sakin na mag iinuman kayo ng mga kaibigan mo "Galit galitan ko
" Nagkataon lang naman yun Mahal eh "Wika niya
" Kahit na "Kurot ko sa braso niya
Pag ako talaga niyaya ni Kaye nila-lock agad niya yung gate tas ayaw ibigay sakin yung susi para di ako makalabas tapos siya ayaw sabihin sakin na mag inuman sila ng mga kaibigan niya
" Eh ikaw? Bat nandito ka sa labas ha? Mukhang kanina ka pa nakatayo dito ah "Wika niya
Abaaa mukhang hinahamon na naman ako ng lalakeng to
" May hinihintay ako "Wika ko
" May hinihintay! Sabihin mo makikipagkita sa lalake mo! Dahil kung di ako nakarating agad baka sumama ka na sa lalake mo "Wika niya
" Si Kaye hinihintay ko hindi si Bugart "Wika ko
" Pinapairal mo yang kalandian mo ha! Subukan mo lang lumandi sa iba lagot ka sakin bakla ka "Wika niya
" Teka? Bat parang kasalanan ko pa? Ikaw tong may kasalanan tas ikaw pa galit? Tigas ng mukha neto "Wika ko
" Pasok! "Diin niya
" Edi pumasok ka! May hinihintay ako dito tas papapasukin mo ko pumasok ka mag isa "Wika ko
" Ayaw mo pumasok ha "Inis niya
Agad naman niya akong binuhat na parang isang sakong bigas at naglakad na
" Ibaba mo ko may hinihintay pa ako sa labas huhuhu "Iyak iyakan ko
" Sumasagot sagot ka na sa boss mo ha baka nakakalimutan mo ako boyfriend mo tas ako din boss mo kaya ako masusunod "Wika niya
" Ibaba mo Lucaaas "Sigaw ko
Di naman niya ako pinakinggan at umakyat na sa taas! Jusko nahihilo na ako dahil sa pinaggagagawa ng lalakeng to
" HAHAHAHAHAH "Tawa ng alaga ko ng makita niyang buhat buhat ako ng Papa niya
" Baby tulungan mo ko huhuhu "Iyak iyakan ko
Pumasok naman siya sa kwarto ko at nilock yung pinto hanggang sa inihiga niya ako sa kama at pinatungan pa
" Epal kang Lucas yabang ka "Wika ko
" Magkikita kayo ng lalake mo no? Dapat pala kasama kita palagi sa twing wala kang pasok para di kayo magkita ng lalake mo "Wika niya
" Bakit? Sigurado ka ba na si Bugart hinihintay ko? Ha?"Tanong ko sa kanya
Bigla naman niya akong hinalikan kaso smack lang dahilan para mapatigil ako
" Cute mo magalit Mahal araw arawin kaya kitang inisin "Ngiti niya
" Sige galitin mo lang ako araw araw ding kawawa braso mo "Wika ko
" Akin ka lang ha! Nangako ka sakin na akin ka lang "Mahina niyang sabi
Tumango ako at hinalikan ko siya! Gumanti naman siya sa halik ko at naghalikan kami ng ilang segundo pero itinigil ko na baka kung san pa mapunta
" Tuloy natin "Mahina niyang sabi
" Sa susunod na "Wika ko
" Pano yan? Mag fi-first monthsarry na tayo! Pagbibigyan mo na ba ako?"Tanong niya sakin
" Di pa ako sigurado yabang "Sagot ko
" Handa akong maghintay Mahal "Wika niya
Hinalikan ko noo niya at yinakap naman niya ako! Sana ganto kami araw araw yung kahit na simple lang relasyon namin pero punong puno ng saya! Kahit na minsan pinapainit niya ulo ko mahal na mahal ko pa rin siya! Di ko alam kung bat ako nahulog sa lalakeng to di naman ganto nararamdaman ko sa kanya eh pero sadyang mapaglaro ang tadhana kaya wala akong nagawa kundi ilabas ang nararamdaman ko sa kanya lalo na't nasakanya yung mga gusto ko sa lalake
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Kasalukuyan akong nandito sa sahig nakaupo tapos na kasi trabaho ko kaya napagpasyahan kong asikasuhin mga gawain ko sa school may report kasi kami ni Kaye bukas, di naman humihiwalay sakin yung babaeng yun tapos pag nasa harap na kami ng mga kaklase namin tawa ng tawa kaya minsan pinapaglitan kami ng prof namin! Habang may hinahanap akong sagot sa libro ko biglang bumukas yung pinto at iniluwa nito si Lucas pero di ko lang siya pinansin alam ko kasing aasarin na naman ako ng lalake na to! Umupo naman siya sa harap ko at may inilagay na kahon sa mesa ko kaso di ko yun pinansin dahil may hinahanap ako
" Alas onse na Mahal tama na yan may pasok pa tayo "Wika niya
Napatigil ako sa kakahanap ng sagot sa libro at napatingin ako sa kanya
" Last na to "Ngiti ko
Pinanood naman niya ako habang may hinahanap kaya hinayaan ko muna siya! Dahil sa nahanap ko na yung sagot agad kong isinulat yun sa notebook ko!
" Sipag "Wika niya
" Syempre may pangarap ako eh! Kesa naman sa iba dyan "Wika ko
" Masipag din naman ako ah "Wika niya
" Talaga ba?"Tanong ko sa kanya
" Masipag sa kama "Mahina niyang sabi
Tinigil ko na pagsusulat ko tsaka tinarayan ko siya! Napatawa naman siya at tumayo na ako! Ibinalik ko na libro ko tsaka notebook sa bag ko! Nakita ko namang nakasandal na si Lucas sa headboard ng kama kaya tumabi ako sa kanya
" Bat gising ka pa?"Tanong ko sa kanya
" Sumilip ako dito kanina eh tas nakita kitang nagsusulat kaya bumalik ako sa kwarto ko tsaka pinatulog ko muna si Liam! Di ako makatulog pag wala ka Mahal "Sagot niya
" Ako nga din eh sumilip ako sa kwarto niyo ni Liam kaso busy ka din sa laptop mo kaya di nalang ako pumasok "Wika ko
Humiga ako sa tabi niya tsaka yinakap ko siya! Nanatili naman siyang nakasandal habang hinihimas himas niya buhok ko
" Ay oo nga pala Mahal may ibibigay para sayo "Wika niya
Agad naman siyang tumayo dahilan para mapabangon ako! Pumunta naman siya sa mesa ko at kinuha yung kahon dun! Bumalik naman siya sa kama ko at umupo sa harap ko
" Para sayo yan Mahal "Ngiti niya
" Ha? Ano to?"Tanong ko
" Tsk buksan mo nalang "Sagot niya
Nacurious ako dahil medyo mabigat tong nasa loob! Napatingin ako sa kanya at sinenyasan akong buksan na tong bigay niya sakin! Nanginig naman mga kamay ko dahil bagong cellphone yung nakita ko
" Cellphone?"Tanong ko sa kanya
" Binilhan kita para naman malaman ko kung nasan ka! Tsaka makaluma na yang cellphone mo kaya binilhan kita ng bago "Sagot niya
Nanlaki mga mata ko at sunod sunod na kaba yung naramdaman ko nung makita ko yung presyo
" 25k?"Gulat na tanong ko sa kanya
" Bakit ayaw mo?"Tanong niya
" Lucas nababaliw ka na ba? 25k pinagpalit mo sa gantong bagay lang? Ilang sakong bigas na to Lucas "Wika ko
" Mahal pinag-ipunan ko yan tsaka pera lang yan mahahanap ko pa yang 25k na yan "Wika niya
" Tsaka di naman ako marunong gumamit nito wala akong alam sa mga gantong bagay "Wika ko
" Kala ko sasaya ka pero bat parang hindi, gusto ko lang naman mapasaya ka Mahal eh "Wika niya
" Pero ang mahal mahal nito baka ano masabi ng iba pag nalaman nila to "Wika ko
" Pera ko naman yan Mahal eh! Pag di mo yan tinanggap di tayo magkakaayos ng ilang buwan "Wika niya
" Baka mamaya ibawas mo to sa sweldo ko mas lalong di tayo magkakaayos ng ilang buwan tingnan mo lang "Wika ko
" Bigay ko nga sayo yan diba? Tanggapin mo naman Mahal oh "Wika niya
" Pero di naman ako marunong gumamit nito eh "Wika ko
" Tsk halika ka turuan kita! Halatang taga probinsya walang kaalam alam sa makabagong teknolohiya "Wika niya
" Lakas mo manlait ah! Ano nga ulit english ng k - - - "
" Dami mong alam! Biro lang naman Mahal eh, halika higa ka sa braso ko turuan kita "Singit niya
Binuksan naman niya yung cellphone na binili niya kaya humiga ako sa braso niya at pinanood ko lang yung mga ginagawa niya!
" Dapat pag tinawagan kita sagutin mo agad ha dahil kung hindi lagot ka sakin pag nakauwi na tayo dun sa bahay ko "Wika niya
" Pano kung nasa school ako? Edi papagalitan ako ng prof namin "Wika ko
" Tatawagan kita sa recess niyo, lunch break niyo tas uwian tandaan mo yung mga oras na yun baka kasi unti unti ka ng inaagaw sakin ng lalake mo "Wika niya
Agad ko siyang binatukan dahilan para mapatawa siya ng mahina! Pinanood ko lang pinag-gagagawa niya sa cellphone na bili niya tsaka ambilis ng kamay niya
" Kita mo tong app na to? Tawag dyan messenger dito kita tatawagan tsaka dito kita icha-chat "Wika niya
" Tapos?"Tanong ko
" Teka palitan ko nickname ko "Wika niya
Madami naman siyang pinindot pero dahil sa walang kaalam alam si bakla nanood nalang ako
" Ayan "Wika niya
" Bat Mahal?"Tanong ko sa kanya
Bigla namang nagkasalubong kilay niya dahilan para kabahan ako
" Bakit sino ba mahal mo? Ako o yang lalake mo?"Tanong niya
" Ikaw "Sagot ko
" Kala ko yang lalake mo eh "Wika niya
Di ko alam kung ano mga pinipindot niya
" Ako ba yan?"Tanong ko sa kanya sabay turo sa maliit na litrato sa gilid
" Oo ikaw yan "Sagot ko
Humarap naman siya sakin at ibinigay sakin yung cellphone na hawak niya
" Alagaan mo yan ha "Wika niya
Napangiti nalang ako at hinintay naman niyang tanggapin ko yung cellphone na bigay niya
" Ayaw talaga tanggapin eh "Inis niya
" Ito na nga eh "Wika ko
Wala akong nagawa kundi tanggapin ang bigay niya baka kasi magalit sakin
" Thank you Lucas "Wika ko
" Lahat gagawin ko mapasaya ka lang Mahal tandaan mo yan "Wika niya
Lumapit ako tsaka hinalikan ko magkabilang pisngi niya
" Gagawin ko din lahat Lucas mapasaya din kita "Ngiti ko
Ngumiti naman siya at inilagay ko na sa side table yung cellphone at yinakap na niya ako! Nagkumot na kaming dalawa dahil may pasok pa kaming tatlo bukas ng umaga .

ALL NIGHT LONG ✨(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon