CHAPTER : 2

35 2 0
                                    

Lucas's POV

Di pa nga tapos mga problema ko dumagdag pa tong bakla na to eh! Laro gusto niya? Pwes pagbibigyan ko siya! Magdasal nalang siya pag nagkita kami ulit, kinagat ba naman kamay ko tsaka sinuntok pa tyan ko? Samantalang ako di ko siya sinaktan! Tapang tapang talaga eh humanda ka sakin bakla ka babalikan kita sa school niyo! Tinawagan ko si Papa tsaka hiniram ko si Kuya Carlo(Tauhan ni Papa) para sundan si bakla at para narin malaman ko kung san siya nakatira! Nanggigigil kasi ako sobra eh! Inutakan pa ako! Kunwari matatakot siya dahil kaharap na niya ako pero iba na pala iniisip niya ang saktan ako at makatakas siya sa kamay ko!
" Papa anyare sa kamay mo?"Tanong ng anak ko
" Naipit kamay ko nak kaya nilagyan ko ng band aid "Pagsisinungaling ko
" Ahh "Wika ng anak ko
" Sige na matulog ka na "Wika ko
Agad naman siyang humiga sa kama niya at kinumutan ko siya! Pinatay ko ilaw ng kwarto niya tsaka lumabas na! Pumunta ako sa baba at hinintay ko si Kuya Carlo! Kinuha ko laptop ko at hinanap ko si bakla! May araw ka rin sakin bakla ka iiyak ka sakin tingnan mo lang wala akong pake kahit magsumbong ka pa sa mga magulang mo
" Sir Lucas may kailangan ka daw sakin "Wika sa likod ko
Agad akong napalingon sa likod ko at nakita ko si Kuya Carlo
" Nandito ka na pala "Wika ko
" Tsaka ito Sir bigay ni Sir Leonardo(Papa ko) para kay Liam daw "Bigay niya sakin ng bag
Inilagay ko muna sa mesa yung bigay ni Papa tsaka hinanap ko ulit si bakla sa laptop ko kaso di ko siya mahanap!
" Sino hinahanap mo Sir?"Tanong ni Kuya Carlo
" Basta "Sagot ko
Dahil di ko mahanap si bakla pumunta nalang ako sa kwarto para kunin yung phone ko! Kinunan ko kasi siya kanina ng litrato habang kausap yung babaeng katabi niya!
" May ipapahanap sana ako sayo Kuya Carlo alam ko kasing magaling ka "Wika ko
" Oo naman Sir ako pa "Wika niya
" Gusto kong hanapin mo tong baklang to tas alamin mo kung san siya nakatira! Bukas ng hapon punta ka agad sa school nila at sundan mo pag uwian na! Kung sakaling di man siya pumasok bukas itong babae nalang sundan mo tas alamin mo din kung san siya nakatira "Wika ko
Kinuha naman niya phone ko at tinitigan yung mukha ng babae tsaka bakla!
" Pag nahanap mo sila at nalaman mo lahat ng impormasyon ni bakla bigyan kita ng malaking pera "Wika ko
" Bukas ko na ba simulan sir?"Tanong niya
" Oo "Sagot ko
Sinulat ko sa papel yung pangalan ng school ni bakla tsaka binigay ko yun kay Kuya Carlo! Agad naman siyang nagpaalam at umalis na! Pumunta ako sa kusina tsaka kumuba ng beer sa ref umupo ako sa sala tsaka napatingin ako sa ginawa sakin ng Kentucky na yun
" Lagot ka sakin bakla pag nalaman ko kung san ka nakatira "Wika ko
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Bumangon na ako para magtimpla ng kape! Nagluto ako ng makakakain ng anak ko lalo na't papasok pa yun sa school, di ako nagsaing dahil di ako marunong tsaka sa school kumakain yung anak ko! Pano ba kasi magluto ng kanin? Minsan nagtratry ako magsaing tsaka nakakachamba ako pero madalas talaga parang lugaw eh tsaka nagagalit sakin yung anak ko kaya bumibili nalang ako ng kanin sa labas pag tanghalian o hapunan na! Di kasi ako makahanap ng katulong dahil busy din ako trabaho! Kinuha ko nalang tinapay tsaka binuksan ko laptop ko! Bat di ko mahanap yung Kentucky na yun? Wala atang Facebook yun!
" Papa asan ka "Sigaw sa taas
" Baba ka na anak nandito na ako sa baba "Wika ko
Habang kachat ko mga kasamahan ko presinto biglang lumitaw yung pangalan ni bakla na ikinagulat ko! Agad kong pinindot pangalan niya tsaka di ako nagkakamali dahil siya to ito yung mukhang kinasusuklaman ko! Mag i-scroll sana ako kaso bagong account palang ito! Kapal ng mukha nagpapabebe pa sa profile picture niya panget din naman ng ugali
" Papa nagugutom na ako "Wika sa likod ko
Agad kong inilagay sa gilid yung laptop ko para hindi makita ng anak ko! Tumayo ako at tinimplahan ko yung anak ko! Grade 3 palang anak ko kaya nag aalala ako sa kanya baka kasi pumunta kung saan saan!
" Papa sino to?"Tanong niya sakin
Napatingin ako sa kanya at nagulat ako dahil hawak niya laptop ko habang nandun pa litrato ni bakla! Agad kong kinuha laptop at inilagay yun sa sala
" Liam sabi ko sayo diba na wag pakialaman laptop ko kung may ginagawa ako "Wika ko
" Sorry Papa "Wika ng anak ko
Umupo ako tsaka humarap sa anak ko! Binigay ko sa kanya yung gatas tsaka nag almusal na!
" Liam dun ka muna kila Lola Stephanie(Mama ko) mo ha! Marami kasi gagawin ni Papa ngayon pero babalikan kita bukas ng umaga "Wika ko
" Papa ayoko dun pinapalo ako ni Lola "Wika ng anak ko
" Wag ka kasi pasaway! Alam mo naman na ayaw ni Mama yung batang pasaway diba? Napapalo ka tuloy dahil sa katigasan ng ulo mo "Wika ko
Di naman siya nagsalita at nag almusal lang, pumunta nalang ako sa taas para kunin yung bag tsaka uniporme ng anak ko! Hirap mag isa kasi ikaw kikilos lahat lalo na kung Single Dad ka!
" Liam pagkatapos mo dyan maligo ka anong oras na ihahatid pa kita sa school niyo "Wika ko
" Opo "Wika ng anak ko
Inihanda ko na rin yung uniporme ko at naalala ko nung tingnan ni bakla yung apelyido ko! Tapang tapang eh tas pagkaharap na niya ako parang basang sisiw dahil sa takot bumaba ulit ako para ibigay yung tuwalya sa anak ko
" Thank you Papa "Wika niya
Agad naman siyang tumakbo papunta sa banyo para maligo na! Buti nalang naturuan ko ng magandang asal yung anak ko kahit baliw at sira tong ulo ko! Pumunta na rin ako sa taas para maligo na .

ALL NIGHT LONG ✨(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon