CHAPTER : 25

12 2 0
                                    

Warren's short POV

Kung di ako tatawagan ni Kaye di ko malalaman na nandito pala sa hospital yung kaibigan ko! Ewan ko kung anong nangyari pero nakita kong may sugat yung kaibigan ko habang nanghihina siya! Nasa labas si Lucas bumibili ng gamot, kaharap ko si Puti at kausap ko siya habang nasa likod ko si Kaye at nakikinig lang samin
" Bugart wag mo sabihin to kay Tito o di kaya kay Lola o Lolo "Pakiusap niya sakin
" Bakit naman? Kailangan nilang malaman na sinasaktan ka dito "Wika ko
" Bugart ayaw kong mag alala sila Lola ayokong umuwi probinsya nakikiusap ako Bugart "Pakiusap ni Puti
" Pano kung malaman to ni Kuya Henry? Edi magsusumbong yun kila Aleng Welma "Wika ko
" Wag mo lang sabihin kay Tito okay na ako Bugart, ayokong umuwi ng probinsya wala akong trabaho dun "Pakiusap niya
" Osige pero bago yan kakausapin ko muna yang Lucas na yan pabaya siyang nobyo wala siyang pakialam sayo! Ikwento mo nga sakin kung anong nangyari Kentucky ayaw sakin ng nobyo mong yan "Wika ko
" Bugart wag mo sisihin si Lucas wala siyang kasalanan "Wika niya
" Mangyayari ba to sayo kung di ka niya pinabayaan?"Tanong ko sa kanya
" Bugart namaaan "Hawak niya sakin
" Ano ba kasi nangyari ha?"Galit galitan ko
Napatigil naman siya dahil sa sinabi ko, takot kasi to sakin sa twing nagagalit ako
" Lumabas ako kagabi kasi may kailangan akong bilhin sa labas! Naalala mo yung lalakeng pilit akong papasukin sa kotse niya? Yun nangyari kagabi Bugart tas ayaw kong sumama sa kanya pero sinuntok niya tyan tas di ko alam yung nangyari "Kwento niya sakin
Bigla namang pumasok sa isipan ko yung nangyari nung nakaraang gabi

______________FLASHBACK_______________

" Tuloooong "Sigaw sa likod ko
Napatigil ako kakalakad dahil sa sigaw na yun!
" Tuloong pooo ayoko sumama sayo ayokooo "Sigaw sa likod ko
Di ako pwedeng magkamali, kilala ko ang boses na yun! Nakita ko namang may lalakeng nakasumbrero habang hila hila si Kentucky at pinipilit papasukin sa kotse
" Kentucky "Wika ko
Agad akong tumakbo at binitawan ko mga dala ko! Itutulak na sana ng lalake si Kentucky sa loob ng kotse kaso nahawakan ko agad kamay ng kaibigan ko at hinila ko siya! Napatingin naman sakin yung lalake kaya sinuntok ko mukha niya
" Tang*na mo ah! Humanap ka ng singlakas mo "Suntok ko ulit sa mukha niya
" Bugart, Bugart tama na "Hila sakin ni Puti
Napaupo naman yung lalake at lumapit at lumapit ako kay Kentucky! Agad naman niya akong yinakap kaya yinakap ko din siya
" Aalis ka o sisirain ko yang kotse mo "Pananakot ko sa lalake
Agad naman siyang tumayo at pumasok sa kotse at umalis na! Napatingin ako kay Kentucky at kita ko sa mukha niya yung takot
" Salamat Bugart "Wika niya
" San ka ba galing ha? Pasado alas otso na nandito ka pa sa labas "Wika ko
" Galing ako dun sa Mall may binili lang tas hinablot ako ni Jake! Ayoko sumama sa kanya Bugart manyak siya "Wika niya
" Bat mag isa ka lang ha? Buti naman kung di ka papagalitan ng amo mo "Wika ko
" Kasama ko si Kaye kaso iniwan niya ako nagmamadali kasi siya Bugart "Wika niya
" Halika samahan kita para makauwi ka na sa bahay ng amo mo "Wika ko

__________END OF FLASHBACK__________

" Naalala ko na yung lalakeng naka sumbrero "Wika ko
" Siya yung kumuha sakin Bugart tas dinala niya ako sa bahay niya! Tas pinusasan kamay ko tas tinali mga paa ko "Wika niya
" Tang*na yun ah "Wika ko
" Kaye mangako ka sakin na di mo sasabihin kay Tito "Wika ni Puti kay Kaye
" Makakaasa ka bakla "Wika ni Kaye
Maya maya pa'y dumating na si Lucas kaya napagpasyahan naming umalis na
" O sya nandito na si Lucas aalis na kami ni Kaye "Wika ko
" Wag na kayo pumasok Bugart "Pakiusap ni Puti
" Tsk alam mo namang babalik ako ng probinsya diba? Kailangan ko mag-ipon pero wag kang mag alala babalik naman kami mamaya "Wika ko
" Baka di kayo bumalik "Wika niya
" Babalik kami bakla pangako yan "Wika ni Kaye
" Osige ingat kayo "Wika ko
Wala na kaming sinayang na oras dahil baka magbukas na yung resto! Tuluyan naming iniwan si Kentucky at Lucas sa loob at umalis na .

Lucas's POV

Nang mailagay ko yung pagkain sa mesa agad namang tumalikod si Kentucky sakin! Ewan ko ba kung bat ayaw niya akong pansinin dahil ba sa di ko siya nailigtas nung gabing kinuha siya? Sa pagkakaalam ko wala kaming pinag awayan pero bat iniiwasan niya ako?
" Mahal pansinin mo naman ako oh, kanina mo pa ako di pinapansin, ano ba nagawa ko sayo? Wala naman tayong pinag awayan diba?"Tanong ko
Di naman siya kumibo at nanatiling nakatalikod sakin!
" Mahal "Mahina kong sabi
Dahil sa maluwag yung kama hinubad ko sapatos ko tsaka sumakay din ako sa kama! Humiga ako sa tabi niya at agad ko siyang yinakap
" Para akong tanga dito di mo man lang ako pinapansin di mo rin ako kinakausap! Sorry naman kung di kita nailigtas kagabi, alam mo bang iyak ng iyak si Liam habang hinahanap ka? Di namin alam na kinuha ka pala "Wika ko habang nakayakap sa kanya
Sa pangalawang pagkakataon di niya ulit ako pinansin pero di ako tumigil kakasalita
" Nakipag away pa ako kay Kaye kanina akala ko kasi nandun ka sa bahay nila "Wika ko
" May nagawa ba ako? May nasabi ba akong di tama sayo? Sabihin mo sakin Mahal hihingi ako ng tawad pansinin mo lang ako! Di ako sanay na ganto tayo ayokong nagtatampo ka sakin kaya sabihin mo sakin kung may nagawa ba ako "Wika ko
Pinipigilan ko lang luha ko dahil ayokong umiyak, yinakap ko nalang siya ng mahigpit at hinalikan batok niya!
" Mahaaal "Mahina kong sabi
Bigla naman siyang kumilos at humarap sakin! Nagulat nalang ako dahil umiiyak pala siya palihim na humagulhol habang nakatingin sakin
" Oy bat ganyan ka?"Pag aalala ko
" Lu-Lucas Mahal mo ba ako?"Hagulhol niya
Agad kong pinunasan luha niya at pinahiga ko siya sa braso ko
" Oo naman! Mahal na Mahal kita, bat mo naman natanong?"Tanong ko sa kanya
" Lucas alam mo? Pinagtulungan ako ni Elaine tsaka Jake sabi nila di mo daw ako Mahal parausan lang daw ako huhu "Iyak niya
Wala namang tigil kakapatak luha niya ramdam ko naman panginginig ng katawan niya halatang takot pa sa nangyari kagabi
" Di totoo yan Mahal, Minahal kita kasi pinili ka ng puso ko! Di kita minahal para parausan lang alam mo yan! Maraming beses ko ng pinatunayan yun "Wika ko
" Pero bat may larawan kayo ni Elaine na kapwa kayo hubad? Alam ko naman kung anong nangyari, pero bat mo ginagawa sakin to? Mas pipiliin ko nalang na umuwi ng probinsya kesa maging tanga "Iyak niya
" Mahal hindi totoo yan! Wala kaming litrato ni Elaine "Wika ko
" Meron Lucas pinakita niya sakin "Iyak niya
" Diba sabi ko sayo kahit anong sabihin o ipakita niya sayo wag kang maniniwala? Gusto niya lang tayong sirain "Wika ko
" Lucas ayokong mawala ka sakin akin ka lang diba?"Iyak niya
" Tsk wag ka na umiyak sayong sayo lang ako di kita ipapagpalit "Wika ko
" Promise?"Tanong niya
Pinusasan ko luha niya at hinalikan ko labi niya
" Promise "Sagot ko
Agad naman niya akong yinakap at tumigil na kakaiyak! Yinakap ko din siya at hinalikan ko kamay niya
" Matulog ka na nandito lang ako mamahalin ka araw araw "Wika ko
Hinimas himas ko likod niya at naawa ako sa mahal ko puro pasa ang braso kagagawan to ni Jake! Di pa ako tapos sa kanya dudurugin ko mukha tang*na niya wala siyang awa porket ba mahina yung tao sasamantalahin na niya? Ako kalabanin niya ng makita niya kung ano hinahanap niya lalo na tong si Elaine kung ano ano pinapakita at sinasabi kay Kentucky mananagot din siya sakin pag nagcross landas namin
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Kasalukuyan akong naglalakad pabalik sa hospital bumili kasi ako ng meryenda para kay Kentucky nagugutom daw siya kaya binilhan ko na ng makakain! Pumasok na ako sa hospital at naglakad na, nasa second floor kasi si Kentucky! Iiwan ko muna si Kentucky susunduin ko kasi si Liam mamayang alas singko! Binuksan ko yung pinto at nagulat ako dahil nandito si Mama kasama si Liam!
" Papa! "Tawag sakin ni Liam
" Oh? Bat nandito ka na? Alas kwatro palang ah "Wika ko sa anak ko
" Tinawagan ako ng teacher nila wala na daw silang pasok kaya ayun sinundo ko "Wika ni Mama
" Osya di na ako magtatagal dito tsaka Lucas wag mong hayaan si Kentucky dito wag mo muna ding pagtrabahuin kasi mahina pa yung katawan bigyan mo siya ng ilang araw para makapagpahinga "Wika ni Mama
" Oo naman Ma "Wika ko
Agad namang kinuha ni Mama yung bag niya at humarap sakin
" Dadalo ka! Sasama ka isasama mo yang anak mo haharap tayo dahil yun kagustuhan ng Papa mo "Wika ni Mama
" Per - - - "
" Wala ng pero pero Lucas pag nagdesisyon Papa mo sundin mo nalang tsaka di naman tayo magtatagal dun "Wika ni Mama
Magsasalita pa sana ako kasi agad na umalis si Mama dahil pupuntahan pa niya si Papa! Wala akong nagawa kundi ang sundin kautusan nila, haharap lang ako pero di ako makikipagbalikan kay Elaine
" Hoy tinatanong kita "Wika ni Kentucky
Natauhan nalang ako at napatingin ako sa kanya
" Ha? Ano nga ulit yun?"Tanong ko
" Sabi ko bat ang tagal mo?"Tanong niya
" Madami kasi bumibili Mahal eh di ako makasingit baka mapaaway lang ako dun kung sisingit ako "Sagot ko
Binigay ko sa kanya yung pinabili niya sakin tsaka yung tubig
" Papa ako? Nagugutom din ako eh "Wika ng anak ko
” Dalawa naman yan sayo nalang yung sakin di naman ako nagugutom "Wika ko
Agad namang tumabi yung anak ko kay Kentucky at pinagsaluhan yung binili kong meryenda
" Gusto mo?"Tanong sakin ni Kentucky sabay abot ng pagkain
" Tsk di nga ako nagugutom diba?"Tanong ko
" Ah okay "Wika niya
Kinuha ko bag ng anak ko at tiningnan ko yung laman nun! Buti nalang may dala siyang damit dahil bukas pa ng tanghali pa kami uuwi
" Papa sagutan mo naman yung mga assignment ko kanina dun sa school maghapon kaming nagsulat tas kung ano ano sinagutan namin tapos may assignment na naman "Reklamo ng anak ko
" Bat naman ako? Kay Kentucky ka magpasagut tutal palagi naman siyang tama "Biro ko
Napatigil naman siya kakanguya at sumama tingin sakin
" Nagsisimula na naman tong mayabang na to tas kung ginantihan papahirapan ako sa mga gawaing bahay "Sama ng tingin niya sakin
" Totoo naman diba? Pag nag aaway tayo dapat ikaw palagi yung tama ako yung mali ayaw pa magpatalo manang mana sa Lola mga rapper "Pang aasar ko
" Papa mo nga panot eh nagreklamo ba ako?"Tanong niya sakin
" HAHAHAHA panot "Tawa ng anak ko
" Biro lang naman ah! Bat mo dinamay si Papa?"Tanong ko
" Bakit di mo ba dinamay si Lola? Wag mo kong sisimulan dyan mayabang ka "Wika niya
" HAHAHA "Tawa ko
Tinanggal ko sapatos ko at umupo din ako sa tabi niya
" Lucas? Ano pala ibig sabihin ng Mama mo? Tsaka ano yung napagdesisyunan na ni Sir Leonardo?"Mga tanong niya sakin
Oo nga pala nakalimutan kong sabihin yun sa kanya
" Mahal may sasabihin ako "Wika ko
" Ano?"Tanong niya
Napatingin ako sa anak ko at busy siya kakakain siguro di yun makikinig samin
" May pupuntahan kami nila Mama tsaka Papa isasama ko din si Liam "Sagot ko
" Pupuntahan? San naman kayo pupunta?"Tanong niya
" Sa birthday party ng Papa ni Elaine, kailangan daw nila akong makausap o kailangan kong humarap sa kanila para ipakilala sa anak ko yung pamilya ng Mama niya "Sagot ko
" Lucaaas "Hawak niya sakin
" Tsk haharap lang ako dun tsaka makikipag usap tsaka hanggang dun lang yun! Walang magaganap na balikan kaya wag kang alala isasama kita para wala kang masabi sakin tsaka alam mo na naman kung gano kita kamahal hinding hindi kita ipapagpalit sa iba pangako yan "Wika ko
" Sa dinami dami ng pupuntahan niyo bat dun pa kila Elaine?"Tanong niya
" Wala akong magagawa desisyon yun ni Papa "Sagot ko
Bigla namang nag iba timpla mukha niya na para bang lumungkot, talagang taong to ambilis magselos di ko naman siya ipapagpalit sa iba!
" Kelan man gaganapin?"Tanong niya sakin
" Sa makalawa "Sagot ko
Dahil sa busy kakanguya anak ko agad kong hinalikan labi niya pero smack lang
" Wag ka na malungkot ikaw lang naman Mahal ko eh "Wika ko
Sumandal naman siya sa dibdib ko kaya hinawakan ko kamay niya at hinalikan ko yun
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Dahil sa gabi na napagpasyahan kong asikasuhin tong dalawa! Katatapos lang namin kumain ng anak ko pero si Kentucky ayaw niya busog daw siya pero di ako naniniwala alam kong nag iinarte na naman to!
" Papa pahiram cellphone "Wika ng anak ko
" Bakit? Asan cellphone mo?"Tanong ko
" Lowbat eh chinarge ko pa "Sagot niya
Binigay ko sa anak ko phone ko tsaka umupo naman siya sa gilid kaya binaling ko ulit tingin ko kay Kentucky
" Kain na "Pandidilat ko sa kanya
" Di nga ako nagugutom Mahal ilagay mo nalang yan dun sa mesa maya ko nalang yan kainin "Wika niya
Wala akong nagawa kundi sundin utos niya inilagay ko sa mesa yung pagkain niya at tumabi ako sa kanya
" Pano yan wala muna tayong yakap ngayong gabi "Wika ko
" Ano naman?"Tanong niya
" Sana pala pinasama ko nalang si Liam kay Mama para katabi kita "Sagot ko
" Tsk uuwi naman tayo bukas eh "Wika niya
Napatingin ako sa mukha niya at nandun pa rin sugat niya sa bibig
" Hayaan mo ako gaganti kay Jake tsaka Elaine! Gagantihan ko sila dahil sa ginawa nila sayo "Wika ko
" Lucas siguro wag ka na gumanti "Mahina niyang sabi
" Bakit naman?"Tanong ko
" Sabi ni Lola hayaan nalang natin na diyos ang humusga sa kanila tsaka naisip ko na kung gumanti man ako o gumanti ka sigurado akong di nila ako titigilan kasi alam nilang mahina ako wala akong laban sa kanila "Sagot niya
" Pero di tama tong ginawa nila sayo "Wika ko
" Hayaan mo nalang sila diyos na bahala sa kanilang dalawa "Ngiti niya
Sumandal naman siya sa dibdib ko kaya pinapulupot ko isang kamay ko sa bewang niya
" Kakaiba ka Mahal kaya bilib ako sa ugali mo! Pero pag inulit nila to di na ako magdadalawang isip na gantihan sila "Wika ko
Nakayakap naman siya sakin kaya hinalikan ko noo niya
" I love you "Bulong ko
Nanatili naman siyang nakayakap sakin habang pinaglalaruan damit ko! Di ko na papakawalan tong tao na to! Di ko kaya ang wala siya sa piling ko kaya hanggat nasa tabi niya ako di ko hahayang gawin ulit nila Elaine yung ginawa nila kay Kentucky .

ALL NIGHT LONG ✨(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon