CHAPTER : 27

15 2 0
                                    

Lucas's POV

Kasalukuyan akong nandito sa kusina habang nasa labas yung isa nagsasampay ng mga nilabhan namin kanina! Syempre di ko pinayagang pumasok sa school yun dahil di makapaglakad ng maayos! Ilang beses nga akong kinurot kanina dahil sa ginawa ko sa kanya kagabi, natawa ako dahil parang lalagnatin daw siya na parang ewan HAHAHA, di kasi ako pinagbigyan ng ilang buwan kaya ayun kinawawa tuloy kagabi
" Lucaaaas "Sigaw niya sa labas
" Oooh "Sigaw ko
" Halika nga dito naiinis na ako kanina pa bilisan mo "Sigaw niya
Napakamot ulo na naman ako dahil mainit na naman yung ulo niya kaya pinahinaan ko muna yung apoy ng kalan at lumabas na! Nakita ko naman siyang nakatayo habang nakapamewang dahilan para mapatawa ako
" Sige tawanan mo pa ako kala mo natutuwa ako sayo "Inis niya
" Bat ba ang init init ng ulo mo ha? Ang aga aga ganyan na kainit ulo mo "Wika ko
" Lapit kasi bilis "Kamot niya
Sigurado akong aatakihin na naman ako nito dahil mainit na naman yung ulo
" Ang sabi ko labhan mo ng maayos tong uniporme ng anak mo bat may mantsa pa ha? Di mo ba nakikita yan?"Tanong niya sabay turo sa uniporme ng anak ko
" Pwede namang labhan ulit yan Mahal diba?"Tanong ko
" Lapit ka pa sakin anlayo mo "Diin niya
" Sasaktan mo ko Mahal eh "Layo ko sa kanya
Bigla naman niyang kinuha yung manipis na kahoy sa gilid at hinampas sa hita ko dahilan para makuskos ako sa hita ko
" Masakit na nga balakang ko dumadagdag ka pa mokong ka "Hampas ulit niya sa hita ko
" Mahal naman eh ginusto naman natin yun diba? Gusto mo isa pa?"Biro ko
" Hinahamon mo talaga ako "Inis niya
Kukunin niya sana ulit yung kahoy kaso kumaripas na ako ng takbo papunta sa loob ng bahay ko! Hirap talaga pag may partner kang mainitin yung ulo, ako kasi palagi yung kawawa tsaka dapat siya palagi yung tama para walang away, sarap batukan no? Ayaw pa magpatalo sa daldalan! Dahil sa nakita ko siyang papasok na ng bahay agad akong dumeritso papunta sa kusina para asikasuhin yung niluluto ko!
" Buti naman nagluto ka na nagugutom na ako "Wika niya sa likod
" Makapagsalita kala mo naman kagandahan eh "Bulong ko
" Ano?! Ano ulit yun?"Tanong niya sa likod ko
" Ah wala po ganda mo po ganda mo "Takot ko
" Bubulong bulong pa dyan kala mo di kita naririnig "Wika niya
Dahil sa luto na tong niluto ko agad kong pinatay apoy ng kalan at humarap ako sa kanya! Maglalakad sana ako papunta sa sala kaso bigla niya akong yinakap
" Oh bat yayakap yakap ka sakin? Matapos mo kong sermonan, kurutin tsaka hampasin kanina tapos ngayon yayakapin mo ko! Yakapin mo yang sarili mo kala mo ha "Tulak ko sa kanya
" Sorry na eh "Pabebe niya
Di naman siya kumilos at nanatiling nakayakap sakin nagpapabebe pa yung tupakin at nanatili akong nakatingin sa kanya
" Boring kasi Mahal eh mag away kaya tayo?"Tanong niya
" Baliw! Umaandar na naman yang patibong mo! Tapos sa huli di mo ko papansinin ng ilang araw tapos di mo ko papapasukin sa kwarto mo?"Tanong ko
" Sabi kasi ni Kaye pag di na daw ako inaway ng boyfriend ko ibig sabihin nun di na daw ako Mahal, awayin mo ko Lucas awayin mo ko "Hawak niya sa kamay ko sabay yugyog sakin
Imbis na magsusuplado ako bigla tuloy akong napatawa dahil sa kanya
" Awayin mo na ako Lucas baka mamaya di mo na ako Mahaaal "Yugyog niya ulit sakin
" HAHAHAHA "Tawa ko
Sarap pala paglaruan tong tupakin na to eh pati mga sinasabi ng siraulo niyang kaibigan naniniwala agad
" Di naman kita kailangan awayin para mapatunayan kong Mahal kita! Tsaka wag kang mag alala wala akong iba si Kentucky lang sapat na "Wika ko
" Pag nalaman ko talagang may babae ka edi manlalalake din ako! Di lang naman ikaw may karapatang lumandi eh "Wika niya
" Tatama lang naman tong kamao ko sa pagmumukha mo pag ginawa mo yun "Wika ko
" Acting tayo Mahal kunwari nahuli mo kong may kalandiang lalake tas ipapakita mo sakin kung pano mo kami sasaktan "Wika niya
" Alam mo alisin mo yang pagiging isip bata mo! Pati mga ganyang eksina gusto mong gawin ko "Reklamo ko
" HAHAHA "Tawa niya
" Dami mong alam na mga ganyan pero pagpaandar lang naman ng washing machine di mo alam "Pang aasar ko
" Grabi ka naman sakin syempre wala kami nun tsaka mayayaman lang samin yung meron nun tsaka sanay na kami sa kamay di kasi ako tulad iba dyan tamad "Pagpaparinig niya sakin sabay taray
" Pati nga yung vacuum di mo alam paganahin eh tinatawag mo pa ako! Lucaas paganahin mo nga to di ko alam eh "Pang aasar ko
" Sobra ka na ah! Bakit marunong ka ba magsaing? Marunong ka ba umakyat ng puno? Hindi diba? Kalalakeng tao di marunong umakyat ng puno! Pulis na gwapo pero di marunong maglinis ng kwarto niya mga brief niya hinayaan lang sa sahig niya! Banyo mo daming kulot na buhok tas - - - - - "
Agad ko siyang hinalikan dahil nagra-rap na naman! Sigurado akong di na naman ako nito titigilan
" Ikaw naman Mahal di ka naman mabiro "Wika ko
" Kala mo papatalo ako sayo! Pulis ka lang boss mo ko "Wika niya
" Aba! Parang - - - "
" May reklamo?"Singit niya
" Wala po "Wika ko
Tang*na wala na akong magagawa nito ako tuloy itong naging sunod sunuran! Galing ng Kentucky niyo no? Sarap pektusan! Boss daw pero payat HAHAHAHA
" Upo ka na dun kakain na tayo "Wika ko
Dalawa lang kami dito sa bahay nasa school kasi anak ko kaya masosolo ko to ngayong araw! Sinunod naman niya utos ko kaya dinala ko na mga niluto ko sa mesa at umupo na
" Mahal may pupuntahan pala ako mamayang hapon "Wika ko
" Pupuntahan? San naman?"Tanong niya
" Sa presinto may meeting na naman daw kami "Sagot ko
" Mahal? Pwede bang sumama? Di ko na kasi nakikita si Papa Nick eh "Wika niya
" Tsk di pwede no bawal kang mag stay dun baka sitahin ka ng mga katrabaho ko "Wika ko
" Talaga ba? O baka ayaw mo lang na makita si Papa Nick ko "Wika niya
" Edi magsama kayo pake ko ba "Inis ko
Kainis ayaw maniwala! Pinagtatawanan naman niya ako pero di ko siya pinansin at kumain nalang
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Kasalukuyan akong may inaasikasong mga papel dito sa sala habang naglilinis si Kentucky sa may hagdan! Kailangan ko kasing matapos to dahil di ako makakakuha ng sahod pag di ko to naipasa agad! Habang nagsusulat ako napansin kong napaupo si Kentucky sa may hagdan at napahawak siya sa ulo niya dahilan para mapatigil ako kakasulat, agad akong napatayo at naglakad papunta sa kinaroroonan niya
" Mahal okay ka lang?"Tanong ko sa kanya
Umupo ako sa harap niya at napatingin naman siya sakin
" Ha? Ah oo naman medyo nahilo lang ako Mahal "Sagot niya
" Parang di ka okay eh! Halika dito ka sa sala magpahinga ka muna ako nalang maglilinis dito sa may hagdan "Wika ko
" Maya nalang ako magpapahinga! Tatapusin ko lang to "Wika niya
" Tsk wag na matigas ulo "Wika ko
Pinatayo ko siya at inalalayan papunta sa may sala! Pinaupo ko siya sa sofa at tumabi ako sa kanya
" Masakit ba ulo mo? May gamot ako sa kwarto ko "Wika ko
" Di na! Ipapahinga ko nalang to sigurado akong mawawala to maya maya "Wika niya
Hinalikan ko noo niya at pinahiga ko na sa sofa
" Gisingin mo ko ha pag umalis ka na para maihanda ko mga susuotin mo "Wika niya
" Oo sige "Wika ko
Ngumiti naman siya at pumikit na! Ano kaya nangyayari sa taong to? Sa mga nakalipas na linggo pansin kong palagi na siyang ganyan yung mabilis mahilo! Hinalikan ko kamay niya at bumalik na sa mesa para tapusin tong mga papel na dapat kong ipasa mamaya! Napatingin ulit ako sa kinaroroonan ng Mahal ko dahil nag aalala ako sa kalusugan niya baka sabihin ni Nanay Welma na pinapabayaan ko Apo niya .

ALL NIGHT LONG ✨(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon