CHAPTER : 9

23 2 0
                                    

Warren's POV

Nagising nalang ako at nakita kong pumasok si Kentucky habang bagong ligo ito! Bumangon ako at umupo naman siya sa harap ko! Napaka-amo talaga mukha nito
" Kain ka na dun "Wika niya
" Maya na ako kakain "Wika ko
" Sarap ba tulog mo?"Tanong niya
Tumango ako at tumayo naman siya at nakita kong kinuha niya bag niya
" Uuwi kaagad kayo?"Tanong ko
" Oo Bugart eh! Kukunin ko lang kasi tong mga gamit ko sa school may pasok na naman kasi next week "Sagot niya
" May sasabihin ako "Wika ko
" Ano?"Tanong niya
" Magsasama na ulit tayo sa school, dun kasi ako lumipat sa school na pinapasukan mo "Sagot niya
" Hay nako Bugart, ganyan ka naman palagi eh pinapaasa mo lang ako pero di naman totoo yang mga sinasabi mo! Kala mo mauuto mo ulit ako "Wika niya
" Lah! Ayaw maniwala "Wika ko
" Totoo naman ah! Dun ka pa sa probinsya palagi mo kong pinapaasa "Wika niya
" Pano kung makita mo ko dun sa school? Halikan mo pisngi ko ha "Wika ko
" Sige ba "Wika niya
" Sabi mo yan ha "Wika ko
Patuloy lang naman siya sa pag asikaso sa bag niya kaya lumapit ako sa kanya at hinalikan ko noo niya
" Bugart "Pandidilat niya sakin
" Ikaw na nga tong hinahalikan ng crush mo tas ikaw pa tong umaayaw "Wika ko
" Baka makita tayo ng alaga ko lagot na naman ako kay Lucas yabang "Wika niya
" Sabihin mo nga sakin kung anong pinaggagagawa sayo ng Lucas na yan! Tsaka bat dun ka pa nagtrabaho ha? Ang layo layo dun dito kila Kuya Henry "Wika ko
" Bugart napag usapan na namin to ni Tito! Tsaka wala namang ginagawang masama si Sir Lucas eh "Wika niya
" Gwapo ba yang Lucas na yan?"Tanong ko
" Oo naman! Ang laki nga ng katawan eh tas pulis siya Bugart tas magkasingtangkad lang kayo "Sagot niya
" May gusto ka din ba sa Lucas na yun?"Tanong ko
" Ha? Kahit kelan di ako magkakagusto sa lalakeng yun! Panget panget ng ugali eh "Sagot niya
Gusto ko sana siyang tabihan kaso tinitingnan agad ako ng masama kaya wag nalang
" Kala ko dun ka pa sa resto nagtratrabaho! Nag apply tuloy ako dun kaso wala ka na pala dun "Wika ko
" Ha? Dun ka nagtratrabaho?"Gulat niya
" Oo "Wika ko
" Edi ibig sabihin niyan kilala mo na si Kaye "Wika niya
" Oo naman siya yung kauna unahan kong naging kaibigan "Wika ko
" Mabait yan si Kaye "Wika niya
" Sobra "Wika ko
" Kain na kasi dun! May pasok ka pa "Hampas niya sakin ng unan
" Tsk oo na ito na "Wika ko
Tumayo na ako at lumabas sa kwarto niya! Nakita ko naman si Kuya nag aalmusal kasama yung dalawang bata
" Oh Bugart halika mag almusal ka na "Wika ni Kuya
Pumunta ako sa hapag kainan at pansin kong kanina pa nakatingin tong alaga ni Kentucky sakin
" Kakagising mo lang ba?"Tanong ni Kuya
" Oo Kuya "Sagot ko
" Wag mong sabihing magkatabi kayo ng pamangkin ko "Wika niya
" Gusto ko siyang tabihan Kuya eh kaso natulog agad "Pagsisinungaling ko
" Pasalamat ka malayo ka kila Inay "Wika niya
" Kaya nga sinusulit ko tong araw na to Kuya habang kasama ko pa si Kentucky "Wika ko
" Hi po! Boyfriend ka po ba ni Kuya Kentucky ko?"Tanong ng batang lalake sakin
Napatingin ako sa bata at naghihintay naman siya sa sagot ko
" Hindi, kaibigan ko lang yang Kuya mo "Wika ko
" Aaah "Wika niya
Nagsimula akong mag almusal habang di pa rin iniiwas ng batang lalake yung tingin niya sakin! Na para bang gusto niyang kilalanin mukha ko! Kaya yumuko ako at kumain na .

Kentucky's POV

Buti tapos na kumain alaga ko! Kailangan na kasi naming umalis baka kasi naghihintay si Sir Lucas samin tsaka baka pagalitan ako nun! Alam niyo naman ugali ng lalakeng yun kahit kunting pagkakamali lang isang oras kang papagalitan! Kaya ako pumunta dito kila Tito dahil kinuha ko yung mga uniform ko tsaka yung bag ko! May pasok na ulit kasi kami next week eh kaya kailangan kong maging handa! Isa isa kong pinasok sa bag ni Liam yung uniform ko habang nasa kama ko siya nakaupo at pinapanood ako! Napatingin ako sa relo ko at pasado alas syete na kaya sabay na kaming lumabas sa kwarto ko
" Tito aalis na po kami "Wika ko
" Baka may naiwan kayo "Wika ni Tito
" Wala na po Tito nandito na po sa bag yung mga uniform ko "Wika ko
" Ganun ba? Osige ingat kayo sa biyahe "Wika ni Tito
Sabay kaming lumabas sa bahay ni Tito at nakita ko namang sumunod sila ni Melan!
" Taxiiii "Kaway ko
Huminto naman yung taxi sa harap namin at pumasok na alaga ko sa loob! Humarap ako kay Tito at yinakap ko si Melan
" Kuya? Kelan ka ulit babalik?"Tanong niya
" Siguro mga next week tas dito ulit ako matutulog "Sagot ko
" Yehey "Wika niya
" Tito? Wag mo naman sabihin kay Bugart na babalik ako dito next week! Di kasi ako makatulog ng maayos pag katabi ko siya "Mahina kong sabi kay Tito
" Baka mamaya mabalitaan ko nalang na magkasama na kayo! Lagot ka talaga kay Inay tingnan mo lang "Wika ni Tito
" Tito di mangyayari yun "Wika ko
" Osige na naghihintay na yung driver sayo "Wika ni Tito
Tuluyan akong nagpaalam kay Tito at sumakay na din ako sa taxi, tumabi ako sa alaga ko at nginitian naman niya ako! Tuluyan namang nagmaneho yung driver at pansin kong nakatingin pa rin sakin alaga ko
" Bakit? May dumi ba mukha ko?"Tanong ko sa kanya
" Kuya? Pwede magtanong?"Tanong niya
" Oo naman "Ngiti ko
" Boyfriend mo ba yung lalakeng katabi mo kagabi?"Tanong niya sakin
" Lalake? Wala naman akong katabing lalake baby eh "Kinakabahan kong sagot
" Nagising ako kagabi Kuya! Pinatay kasi yung ilaw tas kinabahan ako dahil may pumasok na lalake tas tumabi sayo! Tiningnan ko kayong dalawa Kuya tas narinig ko pinag uusapan niyo! Tas nakita ko din na hinalikan nung lalake yung kamay ko kaya ayun nagtaka ako kung boyfriend mo ba yun "Wika niya
Bigla nalang tumigil mundo ko dahil sa sunod sunod na pagsasalita niya! Bat di ko nalaman na gising pala siya? Pati yung hinalikan ni Bugart kamay ko nakita niya din pala! Ito sinabi ko sayo Kentucky ang landi landi mo sobra! Natakot ako baka magsumbong siya sa Papa niya
" Baby? Magkaibigan tayo diba?"Wika ko
" Oo naman Kuya "Wika niya
" Baby pwede bang isekreto nalang natin yung nakita mo? Kasi kung magsusumbong ka sa Papa mo papagalitan na naman ako "Pakiusap ko
" Pero sabi sakin ni Papa kung ano daw makikita ko sasabihin ko sa kanya eh "Wika niya
" Kung magsusumbong ka sa Papa mo di na kita ipagluluto ng masarap na ulam tsaka di na rin ako makikipaglaro sayo tsaka di na rin kita papansin! Ano? Gusto mo ba yun?"Tanong ko sa kanya
Umiling iling naman siya hudyat na ayaw niya! Huhuhu kala ko kami lang dalawa ni Bugart nakakaalam gising pa pala tong bata na to tas pinanood kaming dalawa
" Opo Kuya di ako magsusumbong kay Papa "Wika niya
" Promise?"Tanong ko
" Promise "Sagot niya
Agad akong napahinga ng malalim dahil napaniwala ko din tong isa! Magsusumbong kasi si Lucas yabang kay Lola tsaka ako na naman kawawa nito! Humiga naman siya sa hita ko at natulog muna! Gisingin ko nalang to mamaya pag nakarating na kami sa bahay nila
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Nauna namang lumabas sa taxi si Liam at tumakbo ito papunta sa loob ng bahay kaya nagbayad na ako kay Kuyang driver at bumaba na din ako! Pumasok ako at nilock ko yung gate! Nakita ko naman si Lucas yabang dinidiligan yung mga halaman! May pa topless topless pa siyang nalalaman kala niya naman may maaakit agad siyang babae kaya lumapit ako sa kanya tsaka nginitian ko siya
" Ambait ah "Wika ko
" Syempre! Di naman kasi ako tulad ng iba dyan bunganga lang meron "Pagpaparinig niya sakin
" Yung iba nga dyan yabang lang yung meron eh "Wika ko
Bigla naman siyang napatingin sakin kaya nginitian ko ulit siya at pumasok na ako sa loob ng bahay niya! Hay nako tambak na naman labahan ko nito!
" Liam? Asan ka?"Sigaw ko
" Andito ako sa kwarto ni Papa Kuya "Sigaw niya sa taas
Nagsimula akong maglinis dito sa sala at isa isa kong kinuha yung mga bote ng alak! Kagagawan na naman to ni Lucas yabang! Pumunta ako sa kusina at puno na naman ng mga hugasan yung lababo! Pambihirang lalake to nanadya ata to eh kaya lumabas ako at pinuntahan ko siya sa likod ng bahay! Nakita ko naman siyang nagbabasketball kaya tinawag ko siya! Napatigil naman siya kakalaro at lumapit sakin
" Ano na naman? Naglalaro yung tao diba? Hilig hilig mangistorbo eh "Wika niya
" Bat andaming hugasan? Halos gamitin mo na lahat ng mga pinggan dun sa kusina ah! Mag isa ka lang naman dito kagabi ah "Wika ko
" Pumunta dito mga kumpare ko nakipag inuman "Wika niya
" Puro kayo inom inom inom "Inis ko
" Aba! Bat parang ikaw pa tong galit? Pasalamat ka pinayagan kitang pumunta sa Tito mo tas uuwi kang ganyan? Sarap mong upakan "Wika niya
" Di naman ako galit, naiinis lang ako dahil ang dumi dun sa kusina! Malinis kaya yun bago kami umalis ng anak mo "Wika ko
" Maglinis ka na dun dami mong alam "Wika niya
Nagulat nalang ako dahil bigla niyang pinasa sakin yung bola na hawak niya! Napaatras ako dahil sa sobrang lakas ng pagkapasa niya!
" No ba yan! Nag almusal ka ba? Parang walang lakas ah "Wika niya
Wala na nga ako sa mood sinusubukan pa ako ng lalakeng to! Gusto niya ata ng laro eh! Pero syempre dahil sa ayaw ko ng gulo binalik ko nalang yung bola sa kanya at tinalikuran ko na siya! Maglalakad na sana ako ng biglang may tumamang bagay sa ulo ko! Nakita ko naman yung bola papalayo sakin! Ayaw talaga ako tigilan eh! Binato ba naman ng bola yung ulo ko! Dahil sa inis na inis na ako lumapit ako sa kanya tsaka kinurot ko sugat niya sa braso
" Aray aray! Oy bakla ansakit "Pikit mata niya
" Wala kang magawa? Ako na naman trip mo ngayong araw? Wala na nga ako sa mood tas sinisimulan mo ko "Kurot ko sa sugat niya
Di ko binitiwan sugat niya at napapatalon naman siya sa sakit
" Kentucky bitiwan mo na "Pagmamakaawa niya
" Guguluhin mo pa ako?"Tanong ko
" Hindi na! Hindi na promise "Sagot niya
Binitiwan ko na sugat niya at kita ko namang namumula na mukha niya! Ang aga aga pinapainit ulo ko eh yan tuloy!
" Pag nakita kita sa taas iyak ka din sakin bakla ka "Wika niya habang namumula
Sinapa ko bola niya palayo sa kanya at tinarayan ko siya! Tuluyan akong naglakad at di ko na siya pinansin pa! Nagtatanong lang naman yung tao yung bat madumi yung kusina eh tas kung ano ano na pinag-gagagawa sakin! Nakurot tuloy sugat niya buti nga sa kanya .

ALL NIGHT LONG ✨(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon