Lucas's POV
" Kentucky saglit lang "Wika ko
Agad kong hinawakan kamay niya dahilan para mapalingon siya sakin
" Pag natapos kasal ko hahanapin kita pupuntahan kita sa probinsta hahanapin kita dun pangako yan Mahal "Iyak ko
" Di mo na ako dapat hanapin dahil hindi lahat ng panahon nasa probinsya ako! Siguro mag focus ka nalang kay Liam tsaka Elaine tutal ikakasal ka naman diba? Sana pala si Bugart nalang pinili ko dahil yung taong Mahal ko pala yung dudurog sakin pero sige tatanggapin ko lahat yung sakit pero pag ako nakapag move on sa ginawa mo di mo na ako makikilala! Posible tayong magkita pero parang malabo mo na akong makilala sige pinapalaya na kita wag mo na akong isipin pa isipin mo yung pamilya mo dahil mas importante sila kesa sa tulad kong lupa lang "Iyak ng Mahal ko
" Mahal wag ka naman ganyan! Wag kang magbago hintayin mo ko sa pagbabalik ko! Hahanapin kita sa probinsya at bubuo din tayo ng pamilya! Ayokong mapunta ka sa ibang lalake dahil akin - - - - "
" Pero ikakasal ka na! Di mo ba alam kung ano sa pakiramdam ang madurog? Tama na Lucas ayoko na pinasuko mo yung tao na walang balak na sukuan ka "Iyak niya
Bigla naman niyang binawi yung kamay niyang hawak hawak ko at tinanggal yung singsing na bigay ko sa kanya
" Simula ngayon wag mo na akong tawaging Mahal, simula ngayon wag mo na akong guluhin! Kalimutan na natin ang mga nagdaan mahirap man pero kakayanin ko kahit masakit, Mahal na mahal kita alam mo yan pero dahil sa iba nag mamay ari sa puso mo pinapalaya na kita sana maging masaya ka sa pamilya mo dahil hahanap ako ng paraan makawala lang sa sakit na dinulot mo sa puso ko "Iyak ng Mahal ko
" Sorry Mahal kung nasaktan kita pero asahan mong babalikan kita pupuntahan kita sa probinsya "Iyak ko
" Paalam "Iyak ng Mahal ko
Tuluyan niya akong iniwan kasabay ng pagbuhos ng ulan! Paulit ulit ko siyang tinatawag pero ayaw niya akong pansinin! Napaupo nalang ako sa sakit dahil ilang taon ang lilipas at di ko masisilayan yung Mahal ko
" Kentucky "Sigaw ko
Di niya ako pinansin at alam kong umiiyak yun habang naglalakad, gusto ko mang tumakbo at habulin siya kaso huli na dahil nawala na siya sa paningin ko! Agad akong napatayo at napasuntok sa may puno
" Ang tanga ko tang*na "Sigaw ko
Napahawak nalang ako sa ulo ko dahil di ko na alam gagawin ko! Alam niyo ayokong mawala sa buhay ko si Kentucky pero mas ayaw kong mawala sa buhay ko yung anak ko kaya Mahal ko pagkatapos ng babalikan kita pangako ko yan .Welma's POV
Kamusta na kaya Apo ko? Ano ba tong nangyayari sakin palagi akong balisa kakaisip sa kanya! Gusto ko sanang pauwiin yun dito sa probinsya para magsama sama ulit kami kaso di ko siya makontak palaging nakapatay cellphone niya baka busy lang yun sa mga gawain niya! Kasalukuyan akong nagsasampay ng mga damit na nilabhan ko habang naglalaro yung dalawang Apo ko sa may puno! Malapit ng matapos bahay namin at alam kong masisiyahan yung Apo ko dahil sa wakas naipaayos na niya yung bahay namin! Lumipas ang ilang unti unti ng gumagaling si Tonyo nakakatayo na siya at nakakapaglakad ng dahan dahan pero di pa namin maintindihan yung sinasabi niya kaya minsan palagi kong sinasamahan yun kung san niya gusto pumunta!
" Klinton! Melan! Hali na kayo papasok na tayo sa bahay "Tawag ko sa mga Apo ko
" Pero Lola naglalaro pa po kami "Wika ni Klinton
" Mamaya na kayo maglaro ang init init dito sa labas! Matulog muna kayo "Wika ko
Napakamot ulo naman yung dalawa at walang nagawa kundi ang sumunod sakin! Nakita ko naman si Tonyo sa may balkunahi habang nakatingin samin kaya nagmadali akong naglakad
" Pumasok kayo sa loob matulog kayo "Utos ko sa mga Apo ko
" Opo "Sagot nila
Umupo ako sa tabi ni Tonyo at humarap ako sa kanya
" Yung Apo mo di pa tumatawag! Gusto ko nga na pauwiin muna yun dito sa probinsya para magsama sama ulit tayo "Wika ko
" Nag aalaa na ako sa Apo natin baka may lihim na naman yun na ayaw sabihin satin kilala ko yung Apo mo ang hilig hilig nun ilihim yung mga masasamang nangyayari sa kanya "Wika ko
" Pero hayaan mo tatawagan natin yun mamaya pag natapos sa pagtratrabaho si Henry "Wika ko kay Tonyo
" Maiwan muna kita dito tutupiin ko pa mga damit ng mga bata tsaka wag kang lalabas ha ang init sobra mas mainam siguro na mamayang hapon ka na lumabas "Wika ko kay Tonyo
Tumango naman siya kaya tumayo na ako! Papasok na sana ako sa loob kaso may tumawag sakin
" Aleng Welma tubig daw yung malamig sabi ni Kuya Henry "Wika ni Bugart
" Ikaw na naman "Wika ko
" Syempre asawa ako ng Apo niyo eh diba Mang Tonyo?"Tanong niya kay Tonyo
" Kunin mo nalang dun sa kusina yung lalagyan ng tubig tas bili ka nalang ng yelo magluluto pa kasi ng pananghalian niyo "Wika ko
" Pag ako naging asawa ni Puti ako lahat kikilos Aleng Welma! Ako maglalaba, ako mag iigib, ako magsasaing lahat lahat, totoo yun Mang Tonyo walang halong biro "Wika ni Bugart
Dahil nga sa mapang asar sobra tong anak ni Lorna(Mama ni Bugart) hinampas ko siya ng maliit na kahoy
" HAHAHAHAHA "Tawa niya
" Tatawa ka pa ha kahapon ka pa "Wika ko
" Totoo naman kasi Aleng Welma "Wika niya
" Kuha na dun ng lalagyan ng tubig dami mo talagang alam bata ka "Kamot ko sa ulo
Napatawa naman siya ulit at sinunod na utos ko! Binigyan ko din siya ng pera para bumili ng yelo! Agad naman siyang lumabas at pumunta na sa kinaroroonan nila Henry .
![](https://img.wattpad.com/cover/313740958-288-k429822.jpg)
BINABASA MO ANG
ALL NIGHT LONG ✨(COMPLETED)
JugendliteraturHi Reader's! ABANGAN ANG KWENTO NILANG DALAWA! SILA BA'Y MATUTUWA SA ISA'T ISA O MAGKAKAINITAN DAHIL SA GABING SILA'Y NAGKASAGUTAN SA UNA NILANG PAGKIKITA .