CHAPTER : 5

29 2 0
                                    

Kentucky's POV

Makalipas ang ilang araw naging tahimik naman buhay ko! Nandito na ako sa bahay ni Pulis na mayabang! Pero dahil hawak niya ako kailangan ko ng magbigay ng galang sa kanya! Gaya ng nasa kontrata ako yung maglilinis ng buong bahay niya! Ako magluluto ng mga pagkain para sa kanila ng anak niya at isa na rin dun ang alagaan anak niya! Di naman pala mahirap alagaan anak niya sadyang tamad lang talaga yung Papa! Mainitin pa ulo kaya minsan nagdadahan dahan ako dito sa bahay niya eh baka kasi makabasag ako tsaka baka bugahan ako ng apoy! Nakausap ko na rin yung Mama niya na si Ma'am Stephanie! Maldita mukha niya pero sobrang bait niya di siya tulad ni Sir Lucas! Siguro nagmana tong amo ko sa Papa niya kaso di ko pa yun nakikita! Syempre Sir Lucas itatawag ko sa kanya pagkaharap ko siya pero pag nakatalikod alam niyo na! Kasalukuyan akong naghihiwa ng karne ng baboy ang arte arte kasi ng Lucas niyo ayaw sa gulay buti sana kung singgwapo ni Chris Evans eh kaso hindi, pero sinasabi ko sa inyo mga bakla ang gwapo ng anak niya! Manang mana sa kanya parang young version ni Sir! Kaso wag niyo rin gagalitin nanununtok eh!
" Matagal pa ba yan "Sigaw ni Sir
" Saglit lang Sir! Naghihiwa palang ako "Wika ko
" Bagal bagal naman niyan Kentucky! Di ka ba nag almusal? Ha?"Tanong niya habang nasa sala siya
Di nalang ako sumagot at binilisan na sa paghiwa! Nag aalburuto na kasi Lucas niyo sarap isako naiinis nako!
" Ito na po "Wika ko
Nagsimula akong magluto at napatingin ako sa sala! Nakita ko namang nakade-kwatro yung mayabang at nakatingin sakin! Sarap tarayan eh! Ganda sana bahay niya eh kaso di marunong mag ayos yung may ari puro inom lang kasama yung mga kaibigan niyang mayabang din! May sarili akong kwarto dito sa bahay niya katabi ng kwarto niya! Syempre bilang isang katulong ako yung kumikilos para maging malinis yung buong bahay niya habang siya nakaupo lang sa sala buong hapon nanonood lang ng basketball, iniwan ko muna niluluto tsaka pumunta ako sa taas para tingnan alaga ko! Binuksan ko pinto ng kwarto niya tsaka tumabi ako sa kanya
" Hi baby? Nagugutom ka na ba?"Tanong ko sa kanya
" Di pa po "Sagot niya
Napahiga ako ng malalim dahil sa sinabi niya! Papagalitan na naman ako ni Sir eh pag nalaman niyang nagugutom anak niya tas wala pa akong niluto
" Ano ulam Kuya?"Tanong niya sakin
" Baboy "Sagot ko
" Palagi nalang "Wika niya
" Wala tayong magagawa! Sinusunod ko lang Papa mo "Wika ko
Di naman siya nagsalita at nagsulat ulit kaya iniwan ko siya at bumaba na! Nakita ko namang nakatingin parin sakin tong Lucas na to kaya tinarayan ko na!
" Abaaaa "Wika niya
Pinuntahan ko na yung niluto ko baka gutom na Lucas niyo!
" Wag mo kong matingnan tingnan ng masama baka damihin ko asin nito "Bulong ko
Naiinis nga ako dahil di ko na kayang labanan siya! Inuunahan kasi agad ako ng kaba! Baka ilagay niya ako sa freezer eh tulad ng mga nakikita ko sa TV! Tinikman ko yung niluto ko at pwede na siya kaya pinatay ko na yung apoy at inihanda na yung mga pinggan sa mesa!
" Sir ito na po "Wika ko
Inilagay ko sa mangkok yung niluto ko at dinala yun sa mesa!
" Liaaam baba ka na dito kain ka na "Sigaw ko
" Bagal bagal eh "Rinig kong bulong ng Lucas niyo
" Mabagal daw "Wika ko
" Nagugutom ako kanina pa "Wika niya
" Bat di mo agad sinabi sakin? Alam mo namang naglinis pa ako diba?"Tanong ko
" Sumasagot sagot pa eh "Wika niya
Imbis na gusto kong lumaban kaso nananahimik nalang ako! Trabaho kasi pinunta ko dito hindi pakipag away sa kanya! Nakita ko namang bumaba na alaga ko kaya inihanda ko yung isang upuan sa kanya
" Ikaw sumabay ka na samin "Wika ni Sir
" Mamaya nalang ako di pa naman ako nagugutom "Wika ko
" Ikaw bahala "Wika niya
Umupo naman yung alaga ko kaya pumunta na ako sa taas at pumasok sa kwarto ko! Alam niyo? Mas malaki pa tong kwarto ko kesa sa bahay namin dun sa probinsya! Yung bahay kasi namin dun sakto lang kaming apat tsaka isa lang kwarto dun dahil sa sala natutulog! Habang nakahiga ako sa kama bigla kong narinig na bumukas yung pinto ng kwarto ni Sir kaya bumangon na ako at lumabas sa kwarto ko
" Siiir "Katok ko sa pinto ng kwarto niya
Maglalaba kasi ako ngayon may pupuntahan kasi baka sakaling payagan ako ng mokong na to! Bumukas naman yung pinto ng kwarto niya at napatingin ako sa kanya
" Bakit?"Tanong niya
" Yung labahan mo Sir maglalaba kasi ako ngayon! Sayang kasi yung init ng araw "Sagot ko
" Pasok ka "Wika niya
Huminga ako ng malalim tsaka pinakalma ko sarili ko natatakot kasi ako sa kwarto niya eh
" Maglalaba ka ba o hindi?"Tanong niya sakin
" Ito na po "Wika ko sabay pasok sa kwarto niya
Tuluyan akong pumasok sa kwarto niya at pinuntahan ko agad basket niya! Sigurado akong marami na naman lalabhan ko nito!
" Wag mo kunin underwear ko ha ako maglalaba nun! Baka mamaya kunin mo yung isa tas itago mo "Wika niya dahilan para mapatingin ako sa kanya
" Hoooy lalake ka! Bakit sa tingin mo lalabhan ko din yun? Tigas ng mukha mo ah "Wika ko
" HAHAHAHA "Tawa niya
" Kala mo din ha "Wika ko
" Ang liit liit mong tao tas yang bunganga mo mas maingay pa sa baboy "Wika niya
Binato ko siya ng plastic bottle tsaka tinarayan ko siya! Tuluyan akong lumabas sa kwarto niya habang dala ko tong mga labahan niya at rinig ko namang pinagtatawanan pa rin niya ako sa loob ng kwarto niya! Brief niya itago ko? Ew kapal ng mukha niya! Dah .

ALL NIGHT LONG ✨(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon