CHAPTER : 3

32 2 0
                                    

Henry's POV

Ako pala si Henry Valdez kapatid ni Herman(Papa ni Kentucky) maagang nawala yung kapatid ko dahil sa aksidente kinupkop ko pamangkin ko para tulungan makapag aral makabawi man lang ako sa mabuting nagawa sakin ng kapatid ko! Apat kaming magkakapatid kaso iniwan kami ng nakababata naming kapatid na si Herman, masipag yun si Herman siya yung tumutulong kila inay at itay dun sa probinsya! Bunso namin yun pero siya lang yung masipag samin pero pag yun nakahawak ng pera lahat kami binibigyan kaya nung namatay kapatid ko nangako ako na bukas at maluwag yung pinto ng bahay ko para papasukin at kupkupin yung dalawang anak nilang naiwan dito sa mundong ibabaw! Habang nagkakasiyahan kami dito sa loob kasama tong mga kapatid ko pansin kong di pa nakakauwi si Kentucky! San na naman kaya nagpupupunta yung batang yun?
" Papa? Bat wala pa si Kuya Kentucky?"Tanong sakin ng anak ko
" Kaya nga eh pero baka pauwi na yun alam mo namang mabagal maglakad yun "Sagot ko
Tumayo muna ako at lumabas ng bahay para tingnan kung malapit na ba pamangkin ko! Alasingko na kasi ng hapon!
" Nasan na kaya yun?"Wika ko
Dahil sa di ko siya nakita daan napagpasyahan kong pumasok nalang sa loob! Maglalakad na sana ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko
" Tito Henry "Sigaw sa labas
Bumalik ulit ako sa labas at nakita kong mabilis na tumatakbo pamangkin ko!
" Huhuhu Tito "Mangiyak ngiyak niyang sabi
Lumapit naman siya sakin at hingal na hingal siya!
" Anyare? Bat tumatakbo ka kanina?"Tanong ko sa kanya
" Tito sa loob ako magpaliwanag baka makita nila ako dito! Baka malaman nila kung san ako nakatira "Sagot niya
" Ha?! Di kita maintindihan "Wika ko
Bigla naman siyang pumasok sa loob ng bahay namin kaya sumunod ako! Inilagay naman niya sa mesa yung pinamili niya at umupo sa upuan!
" Mga Tito? Alam niyo bang hinabol ako ng pulis kanina? Gusto nila akong kunin Tito "Takot niya
" Mga pulis?"Tanong ni Jason(Kapatid ko)
" Oo nandun sila sa malapit sa palengke Tito tas pinagtripan nila ako dun "Sagot ng pamangkin
" Ano ginawa sayo?"Tanong ni Jason(Kapatid ko din)
" Pinagtawanan tas di nila ako pinapauwi lalo na yung Clyborne na yun Tito! Yun yung pulis na palagi akong sinasaktan! Binabatukan niya ako mga Tito tas yung school ID ko nasa kanya kaya di ako nakapasok kahapon sa school "Wika ni pamangkin ko
" Aba di tama yun! Porket nasa taas na sila gagawin ka na nilang basahan? Tara Jordan puntahan natin "Wika ni Jason kay Jordan
" O Jason wag niyo na puntahan "Wika ko
" Kausapin lang namin Kuya! Sumusobra na kasi, di ako papayag na gagawin lang nilang basahan pamangkin ko "Wika ni Jason
Sabay naman silang lumabas sa bahay namin at naiwan kami ng pamangkin ko
" Jason "Tawag ko sa kanya
Kilala ko ugali nun! Di yun papapigil lalo na kung inaapi kami
" Kilala mo ba yung alam mo ba pangalan ng Clyborne na sinasabi mo?"Tanong ko sa pamangkin ko
" Di ko po alam Tito! Apelyido lang kasi nakalagay sa dibdib niya "Sagot ng pamangkin
" Sige na punta ka na sa kwarto mo kami na bahala sa mga salbahing pulis na yun "Wika ko
Sinunod naman niya utos ko naaawa ako sa pamangkin ko walang kalaban laban sa mga taong mapang api, pero sabi nga ni inay yung sino pa inaapi siya ang inaangat ng diyos .

Kentucky's POV

Buti nalang naipadala ko na pera ko kanina! Wala kasing pambili sila Lola ng pagkain para sa pasko! First time ko to ang malayo kila Lola sa araw ng pasko! Pero nagbabalak ako na umuwi sa bagong taon para makapagbonding ulit kami nila Bugart(Kaibigan ko) tsaka ni Boranday(Kapatid ni Bugart)! Miss ko na silang dalawa kaso di ko sila makontak ang hirap kasi ng signal dun! Tsaka balita ko may Facebook account si Bugart kaso di naman ako marunong sa Facebook Facebook na yan kaya nga gusto kong magpaturo kay Kaye kaso pareho kaming busy lalo na't papalapit na yung araw ng pasko! At alam niyo ba kung anong nangyari kanina? Pinagtripan na naman ako ng Clyborne na yun kasama yung mga kaibigan niya! Lagot sila kila Tito Jason tsaka Tito Jordan! Nakatikim tuloy sila ng tig isang suntok sakin! May paharang harang pa sila sa daan kala nila di ako makakatakbo!
" Kuya Kentucky asan na torotot ko?"Tanong ni Melan(Anak ni Tito Henry)
" Nandun sa may mesa puntahan mo "Sagot ko
" Okay po "Wika niya
Lumabas naman siya sa kwarto ko kaya humiga ako sa kama ko! Kinuha ko yung litrato sa gilid ng kama ko tsaka yinakap ko yun!
" Miss ko na kayo Lola "Wika ko
Noon pagmalapit na yung araw ng pasko tumutulong ako kila Lolo at Lola magtanim ng mga gulay tsaka binebenta namin yun sa palengke para may pambili kami ng pang noche buena, pero kung nabubuhay lang sana si Mama at Papa baka di kami naghihirap ngayon! Ang sipag sipag kasi ng mga magulang ko lalo na si Papa! Ayaw nun na tatamad ako dahil pinapalo ako dahil ayaw niyang nakikitang nagsasayang ako ng oras! Pero di talaga natitigil kaluluwa ko sa Clyborne na yun lalo na't hawak niya ID ko! Pati sa panaginip ko nandun na siya! Kapal ng mukha niya! Di na siya mawala sa isipan ko
" Nanggigigil talaga ako sayo lalake ka "Panggigil ko
Hinalikan ko picture ni Lolo at Lola ko tsaka binalik ko ulit yun sa mesa! Bumangon nalang ako at kinuha ko na yung tuwalya para maligo! Lumabas ako sa kwarto ko at nakita ko namang nag iinuman na naman yung mga Tito ko
" Tito nahanap niyo ba yung Clyborne na yun?"Tanong ko kila Tito
" Di nga namin naabutan pamangkin pero wag kang mag alala ipapagtanggol ka namin "Sagot ni Tito Jordan
" May kilala akong Clyborne pamangkin pero di yun mayabang tsaka mabait yun "Wika ko
" Sino Tito?"Tanong ko
" Si Lucas "Sagot niya
" Baka ibang Clyborne ata yan Tito "Wika ko
" Siguro "Wika ni Tito
Pumunta nalang ako sa banyo at hinayaan ko silang nag iinuman! Binuksan ko na gripo para magsimulang maligo! Oo nga pala no? Ano kaya pangalan ng Clyborne na yun? Apelyido lang kasi alam ko eh! Pero che! Di ako interesado sa kanya! Gwapo sana eh kaso mas sira pa sa christmas tree yung ugali
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Dahil sa malalim na yun gabi inayos ko na higaan ko para matulog! May pasok pa kasi ako sa trabaho bukas! Humiga ako sa kama ko tsaka yinakap ko na yung unan! Ayokong patayin yung ilaw dito sa kwarto dahil natatakot ako pag natutulog akong walang ilaw! Ewan ko kung bat ako ganto, nasanay na kasi ako na natutulog habang bukas yung ilaw! Pipikit na sana ako kaso pumasok sa isip ko na sa araw pala ng pasko yung kaarawan ni Bugart kaya napabalikwas ako at kinuha ko sa bag yung cellphone ko! Jusko magtatampo yun pag di ko siya binati, agad ko siyang tinawagan at agad din naman itong nag ring! Kaso ayaw man lang sagutin, tinawagan ko siya ulit at napangiti ako dahil sinagot na niya ito

ALL NIGHT LONG ✨(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon