CHAPTER : 29

18 3 0
                                    

Kaye's POV

Gusto ko sanang surpresahin si bakla dahil dalawa lang sila ng alaga niya sa bahay ng Tito Henry niya! Kaso nag iba naramdaman ko ng makita ko siyang nakahandusay at walang malay, sugatan ang mukha at pati braso puno ng pasa, agad akong sumigaw at humingi ng saklolo pero dahil sa lakas ng ulan walang may nakakarinig sakin! Kaya mag isa kong dinala si bakla dito sa hospital at kasalukuyan pa rin siyang walang malay! Nasan si Sir Lucas? Bat hinayaan niyang mangyari to sa kaibigan ko? Naaawa ako kay bakla dahil wala na yung Tito niya nasa probinsya na! Kasalukuyan akong nakaupo at hinihintay na magising si bakla, alam ko kung sino may kagagawan nito! Dahil walang ibang kaaway yung kaibigan ko kundi si Elaine lang! Paulit ulit kong tinatawagan si Sir Lucas kaso puro ring lang ayaw sagutin tawag ko! Walang hiya talaga yung babaeng yun! Pag nagkita kami ako mismo gaganti para kay bakla nanggigigil ako sa kanya gusto ko siyang patayin!
" Lucas tulungan mo ko "Iyak ni Kentucky
Agad akong napatayo dahil sa iyak ni bakla! Nakita ko siyang nagsasalita habang nakapikit pa si Sir Lucas yung hinahanap
" Bakla? Kentucky? Bakla gising na si Kaye to "Mahina kong sabi
Dahan dahan naman niyang minulat mga mata niya at napatingin sakin!
" K-kaye? Asan a-ako?"Utal niyang sabi
" Nasa hospital tayo bakla dinala kita dito nakita kasi kita sa labas ng bahay ng Tito mo nakahandusay at walang malay "Wika ko
Bigla naman siyang napatigil at tila nag iisip kung anong nangyari sa kanya! Babangon na sana siya kaso agad ko siyang pinigilan
" Kaye ayoko dito gusto ko puntahan si Lucas "Wika niya
" Bakla mahina pa katawan mo puro ka pasa magpahinga ka muna dito tsaka anong oras na wala ng taxi sa labas "Wika ko
" Pero kailangan kong makita si Lucas! Kailangan ko siyang makausap "Wika niya
" Bakla makinig ka naman sakin kahit ngayon lang maniwala ka man o sa hindi wala na talagang taxi sa labas kaya dito nalang tayo magpalipas ng gabi "Wika ko
Di naman siya nakipagtalo pa sakin at humiga ulit, kaya bumalik ako kakaupo at humarap sa kanya
" Ano ba nangyari ha? Kwento mo nga sakin kung anong nangyari sayo? Bat ka nakahandusay sa labas ng bahay niyo?"Mga tanong ko
" Galing kay Elaine tong mga pasa ko nag away din kami kanina at pinukpok niya din ako ng kahoy sa ulo dahilan para mawalan ako ng malay "Sagot niya
" Tapos di ka lumaban? Gusto mong inaapi't inaapakan ka lang? Bakla jusko naman Kentucky pati sarili mo di mo kayang maipagtanggol? Bat di ka lumaban? Kung nandun lang sana ako baka binalatan ko mukha ng babaeng yun "Galit ko
" Di ko naman ugali ang manakit ng iba Kaye eh tsaka alam mo naman na mahina akong tao dito sa mundo wala akong laban sa tulad ni Elaine "Wika niya
" Nasan ba si Sir Lucas? Bat wala siya dun sa bahay niyo?"Tanong ko
" Sabi niya sakin babalik daw siya kukunin lang yung mga gamit nila ni Liam dahil aalis kami magpapakalayo layo kila Ma'am Stephanie dahil ikakasal siya pero di na siya bumalik at kinuha din sakin si Liam! Kaye anong gagawin ko? Ayokong ikasal si Lucas sa iba ayokong mawala siya sa buhay ko tulungan mo naman ako oh "Mangiyak ngiyak niyang sabi
" Ikakasal? Ikakasal si Sir? Kanino?"Mga tanong ko
" Ikakasal siya kay Elaine, a-ayokong mangyari yun Kaye "Iyak ni bakla
Agad akong napatakip bibig dahil sa sinabi niya kaya pala gusto niyang puntahan si Sir dahil may nangyayari na pala na di ko alam
" Totoo bakla? Kala ko ba ayaw ni Sir kay Elaine pero bat ngayon ikakasal na sila?"Mga tanong ko
" Yun din yung naiisip ko Elaine na kailangan kong malaman kaya ko gustong puntahan si Lucas bukas "Sagot niya
" Samahan kita bakla baka ano na naman gawin sayo no Elaine "Wika ko
Wala talagang kinakatakutan tong Elaine na to eh! Sarap sampalin yung mukha! Wala na bang ibang lalake sa mundo para agawin niya si Sir Lucas sa kaibigan ko? Hmmm nanggigigil na ako sobra sinasabi ko sa kanya itago niya kalandian niya baka makatikim siya sakin ng ikahihimatay niya .

Elaine's POV

" Gusto mo talagang painitin ulo ko ha? Nandyan na lahat yung paborito mo pero bat puro Kentucky yang bibig mo? Ito ba tinuro ng baklang yun sayo? Ang makipagsagutan sakin?"Galit ko kay Liam
" Di ako kakain niyan gusto ko si Kuya magluto ng almusal "Sigaw ng anak ko habang umiiyak
" Gantong ugali pala tinuturo niya sayo ang sigawan ako! Una sa lahat ako nagluwal sayo kaya ako dapat susundin mo hindi yung bakla ng Papa mo "Galit ko
" Si Kuya lang gusto ko ayoko sayo ansama mo "Sigaw ng anak ko
Magsasalita pa sana ako ng bigla siyang tumayo at tumakbo papunta sa taas
" Liaaam "Sigaw ko
Ito ba pinagmamalaki ni Lucas? Ang makipag relasyon sa baklang basura din naman yung ugali, ang kapal ng mukha niyang ipamana ugali niya sa anak ko! Walang ibang magawa kundi manira at mangialam sa may pamilya
" Ano naman nangyayari dito? Bat umiiyak yun?"Tanong ni Tita Stephanie(Mama ni Lucas)
" Lahat niluto ko na Tita! Pero dahil sa itinurong ugali ni basurang bakla pati anak ko sinisigawan na ako! Sino ba naman di iinit ulo kung puro Kentucky lang babanggitin?"Galit ko
" Ganyan talaga yang si Liam puro yan arte, sa susunod masanay ka na sa ugali ng batang yun dahil kung ano ugali ni Lucas yun din yung sa kanya kaya habaan mo nalang pasensya mo "Wika ni Tita
" Di yun ugali ni Lucas Tita, ugali yun ni bakla! Sinisigawan ako "Wika ko
" Gaya ng sinabi ko habaan mo nalang pasensya mo! O sya aalis kami ng Tito mo ikaw muna bahala dito aayusin namin papel niyo para mapaaga ang kasal "Wika ni Tita
Tuluyang lumabas si Tita sa bahay namin at niligpit ko nalang niluto ko! Talaga nga namang sinusubukan ako ng basurang bakla na yun! Pati pa ba ugali niya minana ng anak ko? Di pa ba sapat sa kanya yung mapukpok sa ulo? O baka gusto niyang mawala na talaga dito sa mundo .

ALL NIGHT LONG ✨(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon