Kentucky's POV
Hi I'm Kentucky Valdez! Bente anyos nakatira ako sa probinsya pero dahil sa kulang kami sa financial napagpasyahan kong lumuwas ng Manila para magtrabaho at mag aral, 3rd year college na ako at isang taon nalang graduate na! Mahirap lang po kami di kami mayaman! Wala na din po akong Mama at Papa dahil naaksidente sila nung graduation ko! Kala ko magiging masaya yung araw na yun pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari biglang nawala yung kasiyahan nung nalaman kong naaksidente si Mama at Papa! Pareho kaming iniwan ng kapatid ko pero wala akong magagawa dahil di ko maibabalik si Mama at Papa! Sobrang lupit ng diyos sakin kahit panandaliang saya lang di ko manlang naranasan! Lumaki akong walang Mama at Papa tanging si Lolo at Lola lang yung nagbibigay sakin ng pag asa! Ayoko ding iwan kapatid ko dahil kawawa yun kaya di ko tinuloy yung balak kong tapusin yung buhay ko! Lalaban ako maiahon ko lang sa hirap yung pamilyang naiwan ko sa probinsya! Tanggapin ko nalang siguro kapalaran ko na kahit kelan di ko mararanasan ang sayang nakikita ko sa ibang mga kabataan! Tama na yung drama! Ayokong umiyak! Kasalukuyan akong nandito sa bahay ni Tito Henry katatapos ko lang isampay yung mga uniporme ko linggo kasi ngayon kaya makakapagpahinga ako! Tatlo lang kami dito sa bahay, Ako si Tito Henry tsaka yung anak niyang si Melan! Hiwalay si Tito sa asawa niya dahil sa pagkakaalam ko naghanap daw ito ng iba! Syempre dahil sa nakikitira lang ako dito sa bahay ni Tito ako yung naglilinis, naglalaba tsaka mga ibang gawaing bahay
" Kuya Kentucky? May ulam na ba?"Tanong sakin ni Melan(Anak ni Tito Henry)
" Nagugutom ka na?"Tanong ko sa kanya
" Opo Kuya "Sagot niya
Dinala ko siya sa kusina at umupo na! Wala kasi dito si Tito nasa labas nakikipag inuman na naman!
" Kuya? Isama mo naman dito si Klinton(Kapatid ko) dito "Wika niya
" Di yun papayagan ni Lola estudyante kasi yun tulad mo "Wika ko
" Pwede mo naman siyang dito patirahin para magkasama kami sa pagpasok dun sa eskwelahan "Wika niya
Hay nako mga bata nga naman! Pero syempre di ko isasama kapatid ko dito malikot kasi yun tsaka baka makabasag dito sa bahay ni Tito! Pinakain ko muna si Melan nagugutom na kasi yung bata! Pumunta muna ako sa kwarto ko tsaka humiga muna sa kama! Maliit na kama lang meron ako dahil pangsolo lang siya pero okay na to ang importante nakakapagpahinga ako! Kinuha ko nalang phone ko tsaka tinawagan ko si Lola! Keypad lang phone ko dahil wala pa akong pambili sa susunod na buwan pa ata ako makakabili ng bagong phone ibibigay ko kasi lahat ng sahod ko kila Lola para sa gamot ni Lolo tsaka mga pangangailangan nila!• ON CALL •
" Hi Lola "Wika ko
" Oh? Apo? Bat napawatag ka?"Tanong ni Lola
" Wala kasi akong pasok Lola tsaka katatapos ko lang maglaba "Sagot ko
" Kamusta ka na dyan?"Tanong ni Lola
" Ito po okay lang tsaka naninibago ako Lola dahil ang tataas ng mga building! Ang bilis ko mamangha! Halatang laking probinsya ako "Wika ko
" HAHAHA "Tawa ni Lola
" Pero nasasanay na ako dito Lola! Buti nalang talaga Lola may kaibigan agad ako dito! Kasi sa twing namimiss ko kayo may kausap ako "Wika ko
" Yung asawa mo di mo ba kakamustahin?"Rinig kong tanong ni Lolo
Agad akong napatahamik dahil katabi pala ni Lola si Lolo! Narinig ko rin na pinagtawanan ako ng kapatid ko
" Narinig mo Lolo mo? Di mo daw ba kakamustahin asawa mo?"Tanong sakin ni Lola
" Tsk! Lola, Lolo! Kaibigan ko lang po si Bugart tsaka ang bata bata ko pa mag aasawa na agad ako? Di pa nga ako nakakapagtapos eh "Wika ko
" Aba'y totohanin mo yang sinabi mo! Baka pag uwi mo dito may kasama ka ng lalake "Rinig kong sabi ni Lolo
" Di po ako magboboyfriend Lolo promise ko yun sa inyo "Wika ko
" Lola? Nakapag ipon na po ako ng pera may ipapadala na ako sa inyo pambili ng gamot ni Lolo tsaka mga pangangailangan niyo dyan! Tsaka magpapadala ulit po ako pag nagsahod na ako ngayong buwan para may pambili kayo ng kunting pagkain sa pasko "Wika ko
BINABASA MO ANG
ALL NIGHT LONG ✨(COMPLETED)
Teen FictionHi Reader's! ABANGAN ANG KWENTO NILANG DALAWA! SILA BA'Y MATUTUWA SA ISA'T ISA O MAGKAKAINITAN DAHIL SA GABING SILA'Y NAGKASAGUTAN SA UNA NILANG PAGKIKITA .