CHAPTER : 23

25 2 0
                                    

Kentucky's POV

Dahil nga nangyari kagabi di ako makapaglakad ng maayos pinagtatawanan pa ako ng may gawa nito sakin kala niya natutuwa ako! Dahil nga sa sobrang kalandian ko ito tuloy napala ko ang maghirap sa paglakad at di makaupo ng maayos!
" Sino nga ulit umiyak kagabi? Si palaaway na si Kentucky HAHAHAHA "Pang aasar sakin ni Lucas
Nandun siya sa sala may ginagawa sa laptop niya kaya tinarayan ko siya! Inihahanda ko snack niya dahil kanina pa siya dun sa sala! Nasa school si Liam tsaka di muna ako pumasok kasi nga di ako makapaglakad ng maayos baka pagtawanan lang ako ni Kaye! Pumunta na ako sa sala tsaka inilagay ko sa harap niya yung snack niya maglalakad na sana ako papunta sa taas ng bigla niyang pigilan
" San ka pupunta?"Tanong niya sakin
" Magpapahinga sa kwarto "Sagot ko
" Tsk halika dito ka muna sakin "Wika miya
Tumayo naman siya tsaka hinawakan kamay ko! Dinala naman niya ako sa sofa at umupo kaming dalawa
" Magpapahinga ako eh "Wika ko
" Gusto mo ipasyal kita? Parang kakaiba mood mo ngayon eh "Wika niya
" Wag na tayo mamasyal sa susunod na araw nalang pag maayos na paglalakad ko tsaka baka makita ako ni Jake "Wika ko
" Jake? Bakit? Anong meron sa kanya?"Tanong niya sakin
Agad akong napatahimik dahil sa sinabi ko! Ayoko kasing sabihin kay Lucas tong mga pinag-gagagawa sakin ni Jake baka mag away sila ni Lucas
" Hoy tinatanong kita "Wika niya dahilan para matauhan ako
" Lucas? May sasabihin pero wag ka magalit ha "Natatakot kong sabi
" Bat parang natatakot ka? May tinatago ka ba sakin Kentucky?"Tanong niya sakin
" Lucas wala ako tinatago sayo "Takot ko
" Bat ka natatakot?"Tanong niya sakin
" Ano kasi eh "Takot ko
Siguro kailangan ng malaman ni Lucas tong mga pinag-gagagawa sakin ni Jake para tigilan na niya ako!
" Ano nga? Gusto mo bang magalit ako sayo ha?"Taas boses niya
Bigla akong natakot dahil sa sinabi niya kaya wala akong magagawa kundi isumbong sa kanya yung mga pinag-gagagawa sakin ni Jake
" Lucas? Alam mo matagal na akong gustong makuha ni Jake, tas naalala mo nung pa-party n Madam Gineva niyo? Gusto niya ako nun dalhin sa hotel kasi daw may gagawin kami tas bibigyan niya daw ako ng malaking pera pero may kapalit daw yun ang makuha niya yung gusto niya sakin pero di ako pumayag takot na takot din ako sa mga oras na yun buti nalang dumating si Nick tas binitawan niya kamay ko, tapos kagabi habang naglalakad ako nakasalubong ko siya tas bigla niya akong hinablot tas hinila papunta sa kotse niya kasi dadalhin niya ako sa bahay niya pero nakita ako ni Bugart tas sinuntok niya si Jake tas niligtas ako, totoo lahat Mahal di ako nagsisinungaling natatakot ako sa kanya noon pa kaya ayokong sumama sayo pag kasama mo siya kasi anlagkit ng tingin niya sakin dahilan para magsimula takot ko sa kanya "Takot ko
" G*go yun ah! Tsaka bat ngayon mo lang sinabi lahat sakin to?"Tanong ko sa kanya
" Natatakot baka mag away kayo "Takot ko
" Mag aaway talaga kami sa mga ginagawa niya sayo! Tang*na niya! Pag nakita ko yun sa presinto di ako magdadalawang isip na saktan yun kahit nakasama ko pa siya ng matagal "Galit niya
" Ayaw niya ako tigilan kahit sinabi ko sa kanya na ayaw ko sa kanya kaya di ako namamasyal mag isa dahil alam kong sinusundan niya ako "Wika ko
" Hayaan mo di ko hahayaang makalapit siya sayo "Wika niya
Ngumiti ako at yinakap ko siya hinalikan naman niya kamay ko at yinakap din ako
" Ikaw lang Mahal ko Lucas "Mahina kong sabi
" Mahal na Mahal din kita Kentucky "Wika niya
Pumikit ako at rinig na rinig ko tibok ng puso niya
" Masakit pa ba katawan mo?"Tanong niya sakin
Tumango ako dahil masakit pa balakang ko! Sa susunod di na ako makikipag-inuman sa lalakeng to dahil kung ano ano lang napapala ko di tuloy ako makapaglakad ng maayos dahil sa kalandian ko
" Hayaan mo sa susunod gagalingan ko pa para doble yung sakit "Wika niya
" Wala ng susunod kala mo ha "Sigaw ko
" HAHAHAHA "Tawa niya
Kala niya may susunod pa? Sakit pa nga ginawa niya sakin tas may susunod pa
" Baka nagugutom ka na Mahal? Kainin mo nalang yung snack ko di naman ako nagugutom "Wika niya
" Pwede bang matulog tayo Yabang? Inaantok ako eh "Wika ko
" Oo ba "Wika niya
Humiga naman siya sa sofa kaya humiga na din ako!
" Si Liam anong oras mo susunduin?"Tanong ko
" Si Papa magsusundo sa anak ko dun daw muna si Liam sa kanila "Sagot niya
" Ganun ba? Edi makakapagpahinga na ako nito ng maayos "Wika ko
" Sige na magpahinga ka na ako na magsasaing tsaka magluluto ng ulam "Wika niya
" Paamoy naman kili kili oh "Pabebe ko
" Maya na nakakadami ka na sakin "Wika niya
" Anong nakakadami? Ngayon pa nga lang Yabang eh "Wika ko
" Kala mo di ko alam na inaamoy mo kili kili ko habang natutulog ako? Kala mo bakla ka ha "Batok niya sakin
" HAHAHA "Tawa ko
" Matulog ka na "Sigaw niya sakin
" Paamoy muna kasi "Kamot ulo ko
" Di ka talaga matutulog?"Inis niya
Babangon na sana siya para kunin yung walis tambo sa gilid kaso hinawakan ko agad sando niya tsaka pinahiga ulit sa tabi ko
" Oo na matutulog na ako "Wika ko
" Matutulog nalang dami pang kuda eh sarap mambatok "Kunot noo niya
" Bat nakakunot noo ka? Gusto ko lang naman amuyin kili kili mo ah! Pero teka?! Alam ko na! Nasa kili kili kiliti mo no?"Tanong ko
Dahil nga sa nakasando siya at nakahiga ako sa braso niya agad kong inamoy kili kili niya dahilan para mapatawa siya ng malakas
" Sabi na eh "Wika ko
" Baliw ka talaga "Mahina niyang batok sakin
" Kaya pala ayaw na ayaw eh HAHAHA "Tawa ko
" Sarap mong batukan! Matulog ka na "Sigaw niya
" Opo "Wika ko
Yinakap ko na siya at napahikab ako dahil sa nakaramdam na ako ng antok! Hinimas himas naman niya buhok ko at pumikit na ako! Nilublob ko na mukha ko sa dibdib niya at natulog na
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Kasalukuyan akong nandito sa sala tinutupi mga damit tsaka uniporme ng mag ama! Nasa kusina si Lucas nagluluto ng ulam! Katatapos ko lang maligo ganun din si Lucas nandun kila Ma'am Stephanie si Liam dun daw muna alaga ko pero babalik yun bukas ng umaga! Nakita ko namang pinatay na ni Lucas yung apoy tapos na ata magluto kaya hinayaan ko lang siya
" Mahal tapos na ako magluto maya na yan kain muna tayo "Wika niya sa kusina
" Wait lang matatapos na ako "Wika ko
Naglakad naman siya at pumunta sa kinaroroonan ko! Nakangiti pa yung mokong parang baliw
" Pa kiss nga Mahal "Wika niya
" Ano muna english ng kapalit palit ba ako pag nasagot mo dalawa kiss mo "Wika ko
Bigla namang sumama tingin niya sakin at umupo sa harap ko
" Tang*na talaga to nanggagago na naman parang tanga kiss lang ayaw pa ibigay "Sama ng tingin niya sakin
" HAHAHAH "Tawa ko
" Pakiss na kasi, ako nagsaing, ako naghugas tas ako pa nagluto ng ulam tapos wala man lang isang kiss "Inis niya
" Sagutin mo muna kasi "Wika ko
Napakamot ulo naman siya habang nakatingin sakin
" Dalawa kiss ko ha pag nasagot ko "Wika niya
" Oo "Tango ko
" Exchange Me? Exchanging? Exchange love? Tsk lakas tama mo Kentucky ah inano ba kita ha?"Inis niya
" HAHAHAHAHA "Tawa ko
Napahiga ako sa sofa dahil sa mga sagot niya napatawa ako dahil sa kanya
" Exchange Me daw HAHAHA "Tawa ko
" Pinagtritripan mo na naman ako ha "Inis niya
Tumayo naman siya tsaka pinatungan ako! Itutulak ko sana siya kaso hinawakan niya dalawang kamay ko
" Nako pag umandar katalinuhan ko mukbang sakin yang bibig mo "Wika niya
" Sus katalinuhan daw "Wika ko
" Halika na kasi kakain na "Hila niya sakin
Sabay kaming tumayo at iniwan ko muna mga damit nila sa sala! Nagmamadali kasi tong isa nagugutom na ata! Umupo na ako at umupo naman siya sa harap ko
" Lucas? Payagan mo naman akong pumunta kila Tito Henry oh "Wika ko
" Ano naman gagawin mo dun?"Tanong niya sakin
" Ibibigay ko lang sana kay Tito Henry yung sweldo ko dahil nag-usap usap kami ng mga Tito ko na mag iipon kaming apat para maipayos lang bahay namin dun sa probinsya "Sagot ko
" Bat mo naman ibibigay pa kay Kuya Henry? Pwede mo naman yun ipadala "Wika niya
" Tsk uuwi si Tito Henry sa probinsya! Siya yung tutulong dun para maipaayos bahay namin "Wika ko
" Ganun ba? Osige samahan kita dun "Wika niya
" Di mo na kailangan sumama pa kaya ko naman eh "Wika ko
Napatigil naman siya kakanguya at napatingin sakin
" May usapan kayo ng lalake mo no? Bat di mo ko pinapasama? Ha?"Tanong niya sakin
" Bugart na naman! Syempre di naman ako magtatagal dun kila Tito eh tas mamamalengke pa ako tas grocery pa tas babalik na dito sa bahay mo "Sagot ko
" Sasama ako balakadyan "Wika niya
Di nalang ako nagsalita pa alam niyo naman siguro ugali ng lalakeng to! Kahit pupunta lang ako kila Tito kung ano ano na sasabihin sakin
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Nang matapos akong maglinis ng katawan umupo muna ako tsaka humarap sa salamin ko dito sa kwarto! Pano kaya kung naging babae ako? Sigurado akong di ako makakaranas ng panlalait o panghuhusga lalo na kay Elaine na tingin sakin ay basura! Pero okay lang ang importante wala akong inaapakang tao at mas lalong wala akong sinirang pamilya dahil sabi ni Lola lumaban ka lalo na kung nasa tama ka kaya ipapaglaban ko sarili ko dahil di ako papayag na aapak apakan lang pagkatao ko!
" Mahal kanina pa ako naghihintay "Wika ni Lucas
Natauhan nalang ako dahil nasa likod ko na pala si Lucas
" Ha? Bakit? Ano hinihintay mo?"Tanong ko sa kanya
" Tsk di mo ba nabasa chat ko sayo? Sabi ko punta ka sa kwarto ko dahil dun tayo matutulog pero isang oras na nakakalipas di ka pa rin pumasok sa kwarto ko kaya pinuntahan kita dito "Sagot niya
" Lowbat cellphone ko eh "Wika niya
" Tsk halika na inaantok na ako pasado alas onse na may pasok pa bukas "Wika niya
" Oo na ito na "Wika ko
Tumayo ako at humarap ako sa kanya at napatawa ako sa mukha niya! Antok na antok na yung mokong HAHAHA
" Sige pagtawanan mo pa ako "Kunot noo niya
Hinawakan ko na kamay niya at lumabas na sa kwarto ko! Agad kaming pumasok sa kwarto niya at humiga na sa kama! Agad naman siyang humarap sakin at yinakap ako at pumikit na kaya hinalikan ko noo niya
" Pupuntahan ba natin si Liam dun sa bahay ng Mama mo?"Tanong ko sa kanya
" Oo "Sagot niya habang nakapikit
" Pagud ka ba?"Tanong ko sa kanya
Tumango naman siya kaya hinalikan ko yung labi niya pero smack lang
" Sige na matulog ka na matutulog na din ako "Wika ko
Hinimas himas ko buhok niya! Wala na akong hahanapin pa lahat ng kagustuhan ko sa lalake ay nasa kanya na! Pero pag uminit yung ulo agad akong nagtatago sa kwarto ko dahil alam kong ako na naman tatargetin ng lalakeng to! Hay nako Lucas ka .

ALL NIGHT LONG ✨(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon