SPECIAL CHAPTER (1)

29 2 0
                                    

Warren's POV

Matapos ang isang linggo parang bumabalik yung saya ko! Ewan ko ba kung bat ganto ako sa twing nakakasama at nakikita ko si Puti, gusto ko sana siyang dalhin sa kabilang bayan tas dun mamasyal para mabawasan man lang lungkot at yung nararamdaman niya kaso bawal daw sabi ni Aleng Welma dahil nagagalit si Mang Tonyo pero okay lang ang importante di na gaanong umiiyak yun! Sa twing dadaan ako sa kanila nakikita ko siya sa may balkunahi tulala at halatang malalim yung iniisip! Ito namang Lucas na to ang yabang niya sakin noon na sa kanya lang daw si Puti pero anong ginawa niya? Iniwan, sinaktan, nagpakasal pala yung loko sa iba imbis na nananahimik yung tao ginulo niya pa ng ginulo! Sinira niya pa yung kasiyahan ng isang simpleng tao!
" Tao po! Ate Borandaaay "Sigaw sa labas
Napatigil ako kakaluto ng ulam nila Mama dahil may tao sa labas kaya pinahinaan ko muna apoy tsaka lumabas na
" Oh? Klinton(Kapatid ni Kentucky) ano sadya mo kay Boranday?"Tanong ko
" Nandyan ba siya Kuya Bugart?"Tanong niya
" Nandun siya sa bukid kasama nila Mama "Sagot ko
" Ah ganun po ba?"Wika niya
" Bakit may kailangan ka ba?"Tanong ko
" Hihiram daw sana si Lola ng timba kasi nabasag yung timba namin tsaka ibabalik ko nalang mamaya pag matapos si Lola maglaba "Sagot niya
" Tsk ikaw talaga yun lang naman pala "Wika ko
Bumalik ako sa loob ng bahay namin tsaka kinuha ko yung timba tsaka binigay ko yun sa kanya
" Salamat Kuya Bugart "Wika niya
Tatakbo na sana siya kaso pinigilan ko siya dahilan para mapatingin siya sakin
" Bakit po Kuya Bugart?"Tanong niya
" Kuya mo asan?"Tanong ko
" Aba ikaw Kuya Bugart ha nagsisimula ka na naman pag kayo hinabol na naman ni Lolo lagot ka "Natatawa niyang sabi
" Tsk gusto ko lang naman malaman kung nasan Kuya mo "Wika ko
" Nandun sa kwarto nila Lola tulog pa "Wika niya
" Ano?! Pasado alas onse na tulog pa din Kuya mo "Wika ko
" Sabi ni Lola antukin na daw si Kuya kasi may secret siya! Babye Kuya Bugart salamat sa timba "Kaway niya
" Klinton saglit lang "Pigil ko
Di naman niya ako pinansin at tuluyang tumakbo papunta sa kanila! Napakamot ulo nalang ako dahil may sekreto daw si Kentucky! Ano sekreto nun e wala namang sinasabi sakin si Puti? Kausapin ko nga yun mamaya! Bumalik nalang ako sa loob para lutuin yung ulam nila Mama! Pupunta pa kasi ako sa bukid para dalhin yung pagkain nila tas pag nakauwi na ko kakausapin ko si Puti naglilihim na sakin yung taong yun! Mamaya yun
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Dahil sa pauwi na ako napagpasyahan kong pumitas ng bunga ng mangga para kay Kentucky! Pasado alas dos na ng hapon at alam kong nasa balkunahi yun nagpapahangin!
" Oh? San ka pupunta? Kala ko ba uuwi ka na?"Tanong ni Papa
" Kukuha po ng mangga para kay Kentucky bago ako umuwi "Sagot ko kay Papa
" Aba'y ayus ayusin mo yang ginagawa mo ng di ka ulit habulin ni Mang Tonyo "Natatawang sabi ni Papa
" Tsk si Papa talaga! Bati na kami ni Mang Tonyo "Wika ko
" Pag yun nakakakilos lang ng maayos baka hanggang sa labas ka lang ng bahay nila napakahigpit pa naman yun sobra "Wika ni Papa
Nagsimula akong umakyat ng puno at kumuha ng mga mangga tsaka inilagay ko yun sa maliit na basket, di ako nagtagal sa may puno at bumaba na agad
" Pa! Ma! Alis na po ako "Paalam ko
" Osige mag ingat ka sa daan "Wika ni Mama
" Opo "Wika ko
Dinala ko kasi yung pananghalian nila dito sa bukid dahil busy si Boranday kakagawa ng mga gawain nila sa eskwelahan! Naglakad na ako at napagpasyahang umuwi na!
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Nang makauwi ako agad akong dumeritso kila Puti, tama nga ako masa balkunahi siya habang nakatingin na naman sa malayo! Di na ako nagsayang ng oras agad akong pumunta sa kinaroroonan niya kaso di man lang niya ako pinansin
" Puti "Tawag ko sa kanya
Nanatili naman siyang tulala habang nakatingin pa rin sa malayo
" Hoy "Kaway ko sa mukha niya
Bigla naman siyang napakurap at napatingin sakin
" Ay sorry "Wika niya
" Si Lucas na naman iniisip mo no?"Tanong ko sa kanya sabay upo sa tabi niya
" Di ah "Sagot niya
" Sus palusot ka pa eh "Wika ko
" Bugart kakausap lang natin na wag na natin siyang pag usapan o banggitin yung pangalan niya "Wika niya
" Sorry naman! Sya nga pala! May dala akong mangga sariwa pa yan bagong pitas yan Kentucky "Wika ko
" Bagong pitas daw "Wika niya
" Lah ayaw maniwala! Galing ako sa bukid dun kila Mama tsak - - - "
" Oh bat nandito ka na naman bata ka? Gusto mo bang gisingin ko si Tonyo ha?"Singit ni Aleng Welma
" Gusto ko lang naman tong ibigay kay Puti Aleng Welma eh "Wika ko
" Ano yan mangga? Nako ikaw talagang bata ka ambait mo! Buti nalang pinuntahan mo yang Apo ko dito penge nga isa "Wika ni Aleng Welma
" Oo ba "Wika ko
Palihim namang napatawa tong kaharap ko dahil sa Lola niya
" Bait mo talaga Bugart mana ka kay Lorna(Mama ko) "Wika ni Aleng Welma
Pumasok naman si Aleng Welma sa loob para balatan yung mangga kaya humarap ulit ako kay Puti
" Manang mana ka sa Lola mo ang galing mambola "Wika ko
" Tsk ikaw talaga "Wika niya
" Puti? Gusto mo pasyal tayo? Palagi ka nalang nandito sa balkunahi niyo! Wala ka bang balak na lumabas?"Tanong ko sa kanya
" Ano naman gagawin ko sa labas? Mas gusto ko nalang na manahimik dito sa bahay kesa lumabas ang init init kaya ng panahon! Buti na ngalang pinupuntahan ako ni Boranday(Kapatid ko) dito eh tsaka nag uusap kami "Sagot niya
" Labas ka naman mamaya "Wika ko
" Alam mo namang oras oras akong hinahanap ni Lolo eh "Wika niya
" Di naman tayo magtatagal sige na "Pamimilit ko
" Sige pag isipan ko "Wika niya
" Sabi mo yan ha! Babalik ako dito mamayang hapon tas kukunin kita "Wika ko
Tumango naman siya kaya ibinigay ko na sa kanya yung mangga na dala ko! Di rin ako nagtagal sa kanila dahil kailangan kong tulungan si Boranday mamaya sa bahay .

ALL NIGHT LONG ✨(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon