CHAPTER : 8

24 2 0
                                    

Kentucky's POV

Dalawa lang kami ng alaga ko dito sa kubo dahil umalis na si Sir Lucas kasama yung mga kasamahan niyang pulis din! May nakita rin akong babaeng kasama nila at sa pagkakaalam ko asawa daw yun ng yumaong chief nila Sir Lucas! Napansin ko rin na bago sila umalis may hawak silang tig isang puting rosas! Hay tama na yung chika! Kasalukuyan kaming kumakain ng alaga ko dahil pareho kaming nagugutom, magluluto nalang ulit ako mamaya ng ulam umuwi na si Sir dahil alam kong magugutom yun kakalakad
" Baby? Nakapunta ka na ba dun sa cross na sinabi ng Papa mo kanina?"Tanong ko sa alaga ko
" Oo naman Kuya "Sagot niya
" Malayo ba?"Tanong ko
" Medyo "Sagot niya
" Ngayon ko lang nalaman na taon taon pala kayo pumupunta dito "Wika ko
" Minsan si Papa lang pumupunta dito dahil may araw din na di maganda yung panahon kaya iniiwan nalang ako ni Papa kay Lola "Wika niya
" Aah "Wika ko
Sarap kausap tong alaga ko pareho sila ni Klinton(Kapatid ko)
" Kuya punta tayo dun kila Lolo Datu, marami tao dun tsaka mababait sigurado akong marami magiging kaibigan mo dun "Wika ng alaga ko
" Lolo Datu? Sino yun?"Tanong ko
" Siya yung matandang nakatira banda dun siya din yung namumuno dito Kuya tsaka mabait siya sobra "Sagot niya
" Ganun ba? O edi sige! Pero kailangan muna nating linisan yung kubo para di tayo mapagalitan ng Papa mo "Wika ko
" Okay po "Wika niya
Dahil sa nauna akong natapos tumayo na ako at dinala ko yung pinggan! Uminom na ako ng tubig at umupo muna para magpahinga! Alam niyo? Mag dadalawang araw palang kami dito sa bukid pero tambak na labahan ko! Ito kasing Lucas niyo ilang beses nagpapalit ng damit sa isang araw kakainis! Bukas nalang siguro maglalaba dahil sigurado akong sasamahan ako dun si Lucas yabang! Kinuha ko nalang yung plastic bag tsaka nilagay ko dun mga labahan namin!
" Baby? Para sayo anong oras uuwi sila Papa mo?"Tanong ko sa alaga ko
" Siguro mga alas dos o alas tres Kuya nandito na sila "Sagot niya
" Aah "Wika ko
Inilagay ko sa gilid yung labahan namin at inasikaso ko alaga ko! Tapos na kasi siyang kumain kaya naghugas na ako! Nababaliw na ata tong bata na to ngiti ng ngiti habang nakatingin sa cellphone niyo
" Aba may girlfriend na ata baby ko eh tingin nga ng cellphone mo "Wika ko
Agad naman niya itong itinago sa bag niya at dinala sa loob ng kubo
" Wala yun Kuya "Wika niya
" Bawal pa sayo yang girlfriend girlfriend na yan kaya sabi ko sayo wag mo tuluran pagiging babaero ng Papa mo dahil bata ka pa "Wika ko
" Si Kuya talaga "Wika niya
Habang naghuhugas ako bigla nalang pumasok sa isip ko yung ginawa sakin ni Sir Lucas kagabi, ewan ko ba kung bat ako trip niya sa twing lasing siya! Nung nakaraang araw aksidente niyang nahalikan ilong ko! Buti nalang di niya nakuha pagkabirhen ng labi ko eh tsaka takot na takot ako sa mga oras na yun dahil lasing na lasing siya! Tas kagabi naman kung ano ano pinagsasasabi niya sakin! Nagmamayabang pa siya na maraming baklang nagkakandarapa sa kanya! Ano naman paki ko dun diba? Kala niya naman magseselos ako! Dah! Pinindot pindot pa niya ng ilang beses yung ilong ko tsaka tinawag niya akong cute! Oo aaminin ko nagwagwapuhan ako sa kanya pero di ibig sabihin nun na may gusto ako sa kanya! Pilit pa niyang inilalapit sarili niya sakin kagabi dahilan para matakot ako baka kasi magising anak niya tas magsumbong sa Lola niya edi ako yung kawawa! Buti nalang narinig ko siyang humihilik kaya nakatulog na ako!
" Kuya? Pwede maglaro sa labas! Naglalaro kasi mga kaibigan ko dun eh tingnan mo oh "Turo ng alaga ko sa mga bata
" Pwede kang maglaro pero wag ka naman magpaaraw Liam! Pag nakita kang dugyot ng Papa mo ako na naman aatakihin nun "Wika ko
" Di naman ako magpapaaraw Kuya eh dun lang ako sa may puno di mainit dun "Wika niya
" Sabi mo yan ha! Pag umuwi kang dugyot lagot ka sakin "Wika ko
" Opo! Thank you Kuya "Wika niya sabay takbo papunta sa labas
Tumayo na ako dahil tapos na ako maghugas naglinis nalang ako dito sa balkunahi dahil pag humahangin madaming dahon yung pumasok dito sa may balkunahi
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Nang matapos akong magsaing napagpasyahan kong tumayo na dahil di pa umuuwi alaga ko! Asan na kaya yung batang yun? Napatingin ako sa relo ko at pasado alas singko na pero di pa nakauwi sila Sir Lucas! Bumaba ako sa kubo at hinanap alaga ko batang yun sabi niya di siya magtatagal nakita ko naman siyang nakaupo sa may puno habang kalaro niya yung mga bata
" Liaaam "Tawag ko sa kanya
Napatingin naman siya sakin at tumayo na! Lumingon lingon ako baka sakaling makita ko sila Sir kaso wala pa talaga
" Bukas ulit "Kaway niya sa mga bata
Tumakbo naman siya at lumapit sakin! Sabay kaming naglakad at bumalik papunta sa may kubo
" Baby? Bat wala pa sila Papa mo?"Tanong ko sa kanya
" Baka naglalakad na sila Kuya pauwi "Sagot niya
" Alas singko na pero wala pa rin sila "Wika ko
" Yieee namiss niya agad si Papa "Wika niya
" Tsk kahit kelan di ko mamimiss yang Papa mo no "Wika ko
" Talaga ba Kuya? Bat mo siya hinahanap?"Tanong niya
" Syempre anong oras na "Sagot ko
"  Pag nakauwi si Papa sasabihin ko sa kanya na kanina mo pa siya hinahanap HAHAHA "Tawa niya
Tumakbo naman siya at tuluyang pumasok sa kubo!
" Maya ka sakin bata ka "Sigaw ko
Gusto ko sanang tawagan si Lola kaso di nila ako makokontak dito dahil walang signal sa bukid na to! Umakyat na din ako sa hagdan at pumasok sa loob ng kubo nakita namang nakaupo sa gilid yung alaga ko habang kuskos ng kuskos sa mga mata niya tsaka humihikab na
" Ayan laro pa Liam! Inaantok ka na tuloy dahil sa pagud "Wika ko
" Kuya gusto ko na kumain, matutulog po ako ng maaga "Wika niya
Pumunta ako sa may balkunahi at inihanda ko yung pagkain! Maghapon kasing naglaro sa labas ayun tuloy napagud
" Baby kain ka na dito "Wika ko
Lumabas naman siya sa kubo at umupo na sa harap ng pagkain!
" Kuya kain ka na din "Wika niya
" Maya na ako baby aayusin ko pa higaan natin sa loob baka kasi pauwi na Papa mo "Wika ko
Umupo muna ako at napatingin sa labas! Palubog na yung araw pero wala pa sila Sir baka gabihin sila dun! Ano ba tong nangyayari sakin! Bat kanina ko pa siya hinihintay? Hay nako Kentucky ka! Tumayo nalang ako at iniwan ko muna alaga ko sa balkunahi at inilatag ko na higaan namin! Inayos ko na din yung mosquito net para wala ng problema! Mga bag lang unan namin dahil di nagdala ng unan si Sir! Inihanda ko na yung basang bimpo para linisan katawan ng alaga ko!
" Kuyaaa tapos na po ako "Wika ng alaga ko
Kinuha ako sipilyo niya tsaka yung toothpaste at lumabas na ako sa kubo!
" Magsipilyo ka muna dun "Wika ko
Kinuha naman niya yung tubig kaya binigay ko sa kanya yung sipilyo niya! Madilim na ang kalangitan kaya sinendihan ko na yung lampara dahil lowbat na flashlight namin! Ramdam kong rumereklamo na tyan ko pero kailangan ko munang asikasuhin alaga ko mamaya nalang ako kakain! Lumapit naman sakin yung alaga ko at binigay sakin yung sipilyo tsaka toothpaste!
" Upo ka punasan ko katawan mo sigurado akong malagkit ka na naman dahil natuyo pawis mo "Wika ko
Umupo naman siya sa harap ko at nagsimula akong punasan leeg tsaka mga braso niya! Naiinis ako sa batang to dahil madumi na naman yung short! Pinunasan ko rin mga paa niyang may kunting putik kanina ata to habang naglalaro sila
" Sige na pasok ka na sa loob nakahanda na tshirt tsaka pajama mo dun dalhin mo na din tong lampara para may liwanag sa loob! Humiga ka na rin dun kung gusto mo na matulog! Kakain lang ako "Wika ko
" Opo Kuya "Wika niya
Pumasok naman siya sa loob kaya kinuha ko muna cellphone ko sa bulsa ko! Kahit saan talaga ako magpunta wala talaga signal kahit isang bar lang! Dalawang araw ko ng di nakakausap si Lola gusto ko sana silang kamustahin eh! Habang hawak ko cellphone ko may nakita akong ilaw na papalapit sa kubo! Agad kong binuksan flashlight ng cellphone ko at tumayo ako! Nakita ko namang hirap maglakad yung amo ko habang inaalalayan siya nila Papa Nick tsaka Sir Jake
" Salamat mga pre "Wika ni Sir
Pansin kong hawak hawak niya yung kanang braso niya habang nakikita sa mukha niyang nasasaktan siya! Dahan dahan naman siyang umakyat sa hagdan at umuwi na yung mga kaibigan niya!
" Tang*na naman oh! Bat ngayon pa?"Upo niya sa balkunahi
" Anyare sayo Sir?"Upo ko sa harap niya
" Kunin mo nga dun yung dala kong gamot "Utos niya sakin
Sinunod ko utos niya dahil nakikita kong nasasaktan siya! Kinuha ko yung first aid kit sa gilid tsaka dinala ko yun sa balkunahi! Nakita ko naman siyang nakahubad na kaya binigay ko yun sa kanya! Umupo ako at tiningnan ko sugat niya!
" Anyare dyan Sir?"Tanong ko
" Madulas kasi kanina yung daan kaya ayun natumba ako tsaka natusok ng kahoy tong braso ko "Sagot niya
" Tsk di ka kasi nagdadahan dahan! Akin na! Ako na maglilinis sa sugat mo "Wika ko
Kinuha ako yung gamot tsaka kumuha din ako ng bulak! Medyo malaki sugat niya pero di naman malalim! Lumapit ako sa kanya at nagsimula akong linisan sugat niya!
" Dami dami niyo kanina tas ikaw lang tong natumba "Wika ko
" Tsk "Rinig kong bulong niya
Hinawakan ko braso niya at napatigil ako kakalinis! Grabi naman tong braso na to pag ako sinuntok niya sigurado akong tulog agad yung bakla
" Si Liam asan?"Tanong niya
" Ayun tulog na "Sagot ko
" Ang aga naman "Wika niya
" Maghapon kasi sa labas "Wika ko
Binalot ko na ng puting tela yung braso niya dahil tapos ko na linisan sugat niya! Binalik ko na sa lalagyan yung mga gamot tsaka binalik ko yun sa loob
" Punta ka kay Pareng Jake sabihin mo humihingi ako ng tatlong beer "Utos niya
" Madilim na! Ayoko natatakot ako "Wika ko
" Kaya nga kita isinama dito para sundin mga utos ko diba? Sino ba nagbibigay ng sahod mo ha?"Mga tanong niya
" Ang dilim na kasi sa daan eh "Wika ko
Di na ako rumeklamo pa dahil nagkasalubong na kilay niya! Kinuha ko nalang yung flashlight kahit lowbat na ito! May sugat na nga braso niya tas iinom pa ng alak!
" Sige magdabog ka pa "Sigaw niya
Binuksan ko na yung flashlight tsaka di ko siya pinansin at naglakad na! Nilakasan ko nalang loob ko kahit natatakot ako! Narinig ko namang nagkakasiyahan dun sa may malaking puno kung san naroroon sila Papa Nick at nag iinuman sila dun! Nakita naman ako ni Sir Jake at agad siyang tumayo at lumapit sakin
" Oy! Kentucky? Gabi na bat nandito ka pa sa labas?"Tanong niya sakin
" Sir humihingi daw si Sir Lucas ng tatlong beer "Sagot ko
" Okay na ba siya?"Tanong niya
Tumango ako at pumasok naman siya sa kubo kaya naghintay nalang ako! Sunod sunod naman na kaba yung naramdaman ko dahil lumapit sakin si Papa Nick!
" O ito inom ka muna "Wika niya
" Sorry po Sir di po ako umiinom "Wika ko
Gwapo talaga nito! Kaso may girlfriend na eh baka magtrending ako nito HAHAHA nginitian naman niya ako at bumalik na si kinaroroonan niya kanina!
" O ito bigay mo to sa kanya "Wika ni Sir Jake
Ngumiti ako at napagpasyahang umuwi na! Kaso nagsalita pa siya dahilan para mapatigil ako
" Kentucky? Punta ka sa kubo ko mamaya! May ibibigay ako sayo tsaka wag kang mag alala mag isa lang ako dun "Lasing na sabi niya
" Po?"Tanong ko
" Sigurado akong magugustuhan mo tong ibibigay ko sayo "Kindat niya sakin
Bigla akong kinabahan dahil kung ano ano pumasok sa isip ko
" Sorry ha pero di na ako lalabas mamaya baka pagalitan kasi ako ni Sir Lucas eh "Wika ko
" Sayang naman pero may susunod pa naman na mga araw diba?"Kindat niya
Tuluyan akong naglakad at iniwan ko siya! Jusko natakot ako dun! Dahil sa madilim yung daan tumakbo na ako! Umakyat na ako ng kubo at lumapit kay Lucas yabang
" O ito "Bigay ko sa kanya ng beer
" Kain ka na "Wika niya
Napatingin ako sa mesa at may nakita akong pagkain dun kaya umupo ako habang kaharap ko siya
" Ikaw kumain na?"Tanong ko sa kanya
Inilagay naman niya sa gitna ng maliit na mesa yung lampara at napatingin siya sakin
" Tapos na "Sagot niya
Palihim akong ngumiti at nagsimula na akong kumain! Buti nalang talaga uuwi na kami bukas tatawagan ko kasi si Lola eh baka ano na naman sabihin sakin nun! Unstoppable kaya si Lola pag nagagalit ang sakit sakit sa tenga yung mga sinasabi niya! Hay nako Lola ka .

ALL NIGHT LONG ✨(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon