CHAPTER : 20

11 2 0
                                    

Lucas's POV

Nagising nalang ako dahil sa kalikutan ng Kentucky niyo! Inayos ko pagkakahiga niya at pinahiga ko siya sa braso ko! Nagising din naman siya at napatingin sakin
" Yabang "Yakap niya
Napayakap naman siya sakin dahil malakas ang uln dahilan para lamigin kaming dalawa
" Likot likot mo matulog para kang bata "Wika ko
" Ikaw nga kanina mo pa natutusok eh pero di ko lang pinapansin "Mahina niyang sabi habang nakayakap sakin
" Malamig Mahal eh gawa tayo baby para isang tusok lang "Bulong ko sa tenga niya
Bigla naman niyang kinurot braso ko dahilan para mapatawa ako
" Sige na Mahal kahit ngayong gabi lang "Biro ko
Napaharap naman siya sakin at agad nagkasalubong yung kilay
" Susuntukin ko yan tigil tigilan mo ko Lucas yabang ka "Kunot noo niya sakin
" Wag naman Mahal wag mo saktan alaga ko! Pero kaya kitang saktan pero sa masarap na paraan "Bulong ko sabay kindat
" Sasarap talaga pakiramdam mo pag yan pinukpok ko "Kunot noo niya
" Sige na Mahal "Biro ko
Di naman niya ako pinasin at yinakap na ako sabay pikit, ang arte arte ng Kentucky niyo eh sarap ipadikit sa pader
" Kelan tayo gagawa ng baby?"Tanong ko sa kanya
" Pag nakapagtapos na ako "Sagot niya habang nakayakap sakin
" Lah antagal pa nun "Reklamo ko
" Syempre mahal gatas Lucas wag ka magmadali nababaliw ka na ata eh "Harap niya sakin
" Ako naman bibili ng gatas eh tas gawa ulit tayo ng bago pagpasaway "Wika ko
" Taas pangarap eh! Pano tayo makakagawa ng baby eh parehas tayong may talong? Sige nga "Taas boses niya
" HAHAHAHA "Tawa ko
" Pangarap pangarap ka pa ha! Kala mo makakabuo tayo "Wika niya
" Edi ulit ulitin natin hanggang sa makabuo na tayo "Wika ko
" Tigil tigilan mo nga ko Lucas pinagtritripan mo na naman ako "Hampas niya sa dibdib ko
" Nako pag ako talaga natikman mo! Hahanap hanapin mo na ako oras oras "Wika ko
" Abaaa pinagyayabang na naman niya yang katawan niya! Ano nga ulit english ng kapalit palit ba ako?"Tanong niya
Napatigil ako dahil sa tanong niya! Hinintay naman niya sagot ko habang nakangisi pa!
" Di ko naman pinagyayabang katawan ko ah! Nagsasabi lang ako ng totoo "Wika ko
" Sus palusot ka pa eh! Puro ka yabang di mo naman alam english ng kapalit palit ba ako "Wika niya
" Dami mong alam eh "Wika ko
" Itulog mo na yan Lucas antok lang yan "Gulo niya sa buhok ko
" Hirap mo talagang talunin "Mahina kong batok sa kanya
" HAHAHAHA "Tawa niya
Yinakap ko na siya dahil nilalamig na ako! Todo himas naman siya sa likod ko kaya pumikit na ako! Gabi pa kasi kaya natulog na kami dahil may pasok pa kaming tatlo bukas
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Nandito kaming tatlo sa kotse ko malapit na kami sa school ng anak ko! Siya yung una kong inihahatid dahil malapit lang school nila medyo may kalayuan kasi school ni Kentucky! Umuulan pa din pero di na gaanong malakas! Balak ko sanang bukas nalang kami pumasok dahil di maganda yung panahon kaso pinandidilatan agad ako ng Kentucky niyo kaya wala na kaming nagawa ng anak ko kundi ang pumasok kaming tatlo! Pansin kong nakatingin sakin Kentucky niyo nakangiti pa yung loko pero di ako lumilingon sa kanya parang baliw kasi
" Liam wag kang lalabas sa room niyo ha alam mo namang umuulan "Wika ko
" Opo Papa "Wika niya
" Na kay Kuya Kentucky mo yung payong mo hawakan mo nalang baka dalhin yan sa school nila "Biro ko
" Hoooy ano tingin mo sakin? Walang payong? Ihampas ko pa sayo payong ko eh "Wika niya
Napatawa naman tong anak ko kaya inihinto ko na kotse ko!
" Baby galingan mo ha! Wag mo gayahin Papa mo tamad yan sa klase "Wika ni Kentucky
" HAHAHA "Tawa ng anak ko
" Babye Papa babye pasok na po ako "Wika ng anak ko
" Osige "Wika ko
Agad namang tumakbo anak ko at pumasok na sa room nila! Isinara naman niya yung pinto at nginitian ulit ako
" Bat kanina ka pa nakangiti ha "Lapit ko sa kanya
Ano kaya problema nito? Tumabi ako sa kanya at alam kong di kami makikita sa labas dahil tinted tong kotse ko
" Para kang baliw kanina ka pa nakangiti, ano ba meron sayo ha?"Tanong ko sa kanya
Bigla namang pumasok sa isip ko na sweldo ko pala ngayong araw! Napatingin ulit ako sa katabi ko at kasalukuyan pa rin siyang nakangiti
" Kaya pala nakangiti dahil sweldo ko ngayon! Tama ako no?"Tanong ko
Sigurado akong may ipapabili na naman to sakin!
" Bili mo naman ako milktea "Pabebe niya
" Sus palagi mo nga ako inaaway eh "Wika ko
" Di na kita aawayin promise last na yung kagabi bili mo lang ako milktea "Wika niya
" Bat pa ako bibili? May milktea naman ako eh gusto mo tikman mo mamayang gabi? Di pa kasi nababawasan milktea ko eh "Biro ko
" Tsk! Yung totoong milktea ba! Yung may straw ba yung tinutusok "Wika niya
" May straw din naman milktea ko eh kaso mataba straw ko tsaka nanunusok din milktea ko kaya di na ako bibili "Biro ko
" Magmaneho ka na nga! Sayo na yang milktea mo di ako titikim niyan "Kunot noo niya
" HAHAHAH "Tawa ko
" Wag ka tatabi sakin mamaya ha walang yakapan magdamag "Wika niya
" Biro lang naman! Oo na bilhan kita "Wika ko
" Sus wag na! Kay Bugart nalang ako "Wika niya
" Subukan mo lang lagot ka sakin dun sa bahay "Wika ko
" Magmaneho ka na kasi "Kurot niya sakin
" Kiss muna "Wika ko
Dahil sa ayaw niya agad kong hinawakan mukha niya tsaka hinalikan ko na
" Cute magalit eh "Gulo ko sa buhok niya
Bumalik na ako para magmaneho baka lubusang magalit sakin tong Kentucky niyo eh tas di na naman ako pansinin! Napatingin ako sa kanya at bigla naman niya akong tinarayan dahilan para mapangiti ako! Buti nalang napasakin ka dahil kung si Bugart pinili niya baka saktan lang siya
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Inihinto ko na pagmamaneho ko dahil nandito na kami sa labas ng campus nila! Napatingin ako sa katabi ko at napatingin din siya sakin
" Puntahan kita dito sa school mamayang tanghali sa labas tayo kakain "Wika ko
" Ikaw bahala "Wika niya
Napatingin ako sa may library nila at nakita kong nakatayo dun si Bugart may dalang payong
" Nakabalik na pala yang kaibigan mo! Tingnan mo oh hinihintay ka "Wika ko
Napatingin naman siya sa kinaroroonan ni Bugart at napatingin ulit sakin
" Wag ka na magalit sa kanya mabait naman si Bugart eh "Wika niya
" Di naman ako galit sa kanya wag niya lang subukang agawin ka niya sakin! Makikita niya talaga hinahanap niya "Wika ko
" Ikaw nga pag may lumalandi sayo na babae tuwang tuwa ka eh "Wika niya
" Tuwang tuwa daw! Syempre sinasakyan ko lang mga biro nila "Wika ko
" Subukan mo ding lumandi sa iba lagot sakin yang bayag mo "Wika niya dahilan para matakot ako
" Oy wag naman "Wika ko
Kinuha naman niya bag niya at isinuot na ito kaya kinuha ko din yung payong at binigay sa kanya! Bigla naman siyang humarap sakin at hinalikan pisngi ko
" Babye "Wika niya
" I love you "Wika ko
Binuksan naman niya yung pinto ng kotse ko at lumabas na!
" Oy asan I love you too ko?"Tanong ko sa kanya
" I love you too "Mahina niyang sabi
Kumaway naman siya sakin kaya kumaway na din ako! Isinara ko na pinto ng kotse ko at napahinga ako ng malalim! Akala ko di ko na mararanasan ulit ang gantong saya! Pero nagkamali pala ako dahil kahit bakla natipuhan ko di ako nagsisi dahil siya ang nagbibigay ng liwanag sa madilim kong mundo na sinira ng taong minahal ko din noon ng todo
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Wala akong magawa dito sa presinto dahil nagsilabasan mga katrabaho ko nagsibilihan ng snack! Gusto ko sanang makipag video call kay Kentucky kaso naka keypad lang pala yun! Makalumang tao yun eh mahal na mahal niya yung keypad niyang bigay ng Lolo niya! Ayaw niyang bilhan ko siya dahil di daw siya marunong! Wala eh makalumang tao talaga! Isa isa ko nalang tiningnan mga litrato namin habang nakahiga at walang magawa!
" Pre nandyan na naman si Elaine tsaka si Danica kadadating lang "Wika ni Nick
Agad kong tinago sa bulsa ko yung cellphone ko at napatingin ako kay Nick!
" Ano sabi mo?"Tanong ko
" Nandyan si Elaine may dalang snack para sayo daw "Sagot niya
Ayaw talaga akong tigilan ng babaeng to! Tumayo ako at lumabas ng presinto nakita ko naman siyang papalapit sakin nakangiti kasama yung alipores niyang demonyo!
" Hinihintay mo ba ako? Hinihintay mo ba snack mo? Tamang tama may dala ako "Wika ni Elaine
" Ilang beses ko bang sasabihin sayo na tigilan mo ko ha? Gano ba katigas yang ulo mo?"Tanong ko sa kanya
" Nandito lang naman ako para bisitahin ka! Nag aalala lang ako sayo "Wika niya
" Binibisita ka na ngalang ikaw pa tong maarte! Baka nakakalimutan mo lumalapit na sayo yung babae "Wika ni Danica
" Manahimik ka wala kang alam "Wika ko sa kanya
" Lucas binilhan kita ng mga paborito mo! Tanggapin mo to baka nagugutom ka na "Wika ni Elaine
" Di ako nagugutom may sarili akong pera tsaka pwede ba Elaine? Tapos na tayo wag mo na akong guluhin pa! Masaya na ako kaya maging masaya ka kung anong meron ka ngayon "Wika ko
" Hindi, hindi ako papayag na maging masaya kayo ng bakla mo "Wika niya
Pinapainit talaga dugo ng babaeng to ayaw akong tigilan pati si Kentucky dinadamay! Dahil sa ayaw kong makipagsagutan dito sa labas ng presinto hinawakan ko braso niya at hinila ko siya kung san naroroon kotse niya
" Aray Lucas! Nasasaktan ako "Wika niya
" Masasaktan ka pa lalo pag di ka tumigil "Wika ko habang hila hila ko siya
Sunod sunod naman ng sunod si Danica pero di ko lang siya pinansin! Binuksan ko kotse niya at pinapasok ko siya
" Pag bumalika ka ulit dito sa presinto makikita mo hinahanap mo "Pananakot ko sa kanya
" Di ako titigil hanggat di tayo bumabalik sa dati "Wika niya
" Wala na akong nararamdaman sayo kaya utang na loob tigilan mo na ako "Wika ko
Naglakad na ako at di ko na siya pinansin pa! Todo sigaw naman siya pero dahil nga sa babae yun kailangan kong pakalmahin sarili ko
" Gagantihan ko yang bakla mo! Tandaan mo yan Lucas! Tandaan mo yaaan "Sigaw niya
Tuluyan akong pumasok sa presinto at napasuntok ako ng mesa dahilan para mapatingin sakin mga kasamahan ko! Umupo ako at napahawak ako sa ulo ko! Ano bang dapat kong gawin? Ngayong nagsisimula na naman si Elaine?! Di ko hahayaang idamay niya si Kentucky! Ayokong madamay si Kentucky! Kasalanan mo to Lucas kasalanan mo to .

ALL NIGHT LONG ✨(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon