Chapter 22: Mommy.

328 16 0
                                    


Kit Louis Pokot's POV

"Hi Kit!"

"Kit~!!"

"Kit Louis I love you!"

"Hello Girls *wink* " Syeeet ang gwapo ko talaga! Tsk tsk. Napapailing nalang ako sa sobrang gwapo ko.

"Kitkit!!"

"Oyy Mira Bebe" Sabi na eh. May gusto 'to sa akin si Mira eh. Namumula kasi kaagad. Pfft

"Miramira may gusto ka ba sa akin?" Nanlaki ang mata nya sa tanong ko.

"H-huh? A-ako? May gusto sayo Kitkit? Hahahaha" Deny pa Tss. -_______-

"Mabuti naman Miramira. Hahaha! Si Sabie my labs na kasi ang laman nito *wink* " Naituro ko pa yung part ng puso ko.

"A-ah? Ang Corny mo Kit. Ha-ha~. Sige alis na ako. Malelate na ako" Sabi nya sabay takbo.

Oh anung problema nun? At tsaka anu daw? Malelate na sya? Eh magkaklase kami. Anu ba! -___________-

"Kit!! Pupunta ka na bang clasroom? Sabay na tayo?"

"Oh, Hi Mikaella. Sige mauna ka na. Hahanapin ko pa si Duzzel." Sabi ko kay Mika. Hahanapin ko pa kasi talaga si Duzzel eh. Magpapatulong ako sa pagkuha ng information tungkol kay sabie Sabi kasi nya Kaibigan daw nya ang kapatid ni Sabie. Stalker na ba ako? Tss

*Bzzzt*

Kinuha ko yung phone ko sa bag ko. Naramdaman ko kasing nag vibrate.

From: Kuya Andre

Kit. Uuwi daw si mommy. Mabuting sabihan mo ang ate mo mamaya pag-uwi mo. Wag patext. Ge.

Huh? Uuwi si Mommy? Ano nanaman kayang reaction ni Ate.

Mabuti pa ngang mamaya ko na sabihin kay ateng.


Almira's POV

"Nakakainis naman si Kit" Sabi ko sabay sipa ng Bottle ng mineral water.

"Nakakainis!!!" Alam naman kasi YATA nya na may gusto ako sa kanya. Kung ipagdiinan naman na gusto nya si Sabrina na yun eh! At isa pang kinakainis ko? Napahiya ako. Huhuhu. Magkaklase pala kami ni Kit at may Bell na hudyat ng time na tapos sabi ko malelate na ako. Huhubels.

"Woaaah. Kawawa naman yung bote." Lumingon ako dun sa lalaking nagsalita.

"Hi Duzzel" Walang gana kong sabi. Si Duzzel. Kaibigan ni Kit. Parehas silang player ng Basketball mas magaling nga lang 'tong si Duzzel. 4th year din sya kaso di namin kaklase ni Kit.

"Si Kit nanaman ba Almira? Hahaha. Tignan mo dinamay mo pa yung bote. kawawa naman. Tsk tsk." Tinignan ko yung bote na sinisipa ko kanina pa. Yupi-yupi na. Umupo ako sa isang bench.

"Kasi naman. *pout* "

"Hahaha!! Wag ka ngang ngumuso Almira. Mukha kang duck. Haha" Tinignan ko sya ng masama sabay irap.

"Joke lang. So anung problema?"

"Haaaay!! Ewan ko ba Duzzel, si Kit kasi pinamumukha sa akin na talagang gusto nya yung Sabrina na yon!"

"Eh ano? Na Friendzone ka? Kawawa." Mang-asar ka pa Delos Santos. Masasapak na kita. =_______=

"Anung kawawa ka dyan--"

Ang BoyFriend kong Siga ♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon