Chapter 34: Heaven

227 10 2
                                    


Kat's POV.

"Cheerleader?"

"No."

"Love me like you do?"

"No."

"Heaven?"

"...."

"Oyy gusto mo no? Hehehe sabi na't eh!"

"No."

"A Thousand years?"

"No. Masyadong mababa."

"Pyramid?"

"No."

"See you again?"

"No."

"Haaaay! Ikaw na nga mag-isip Katty! Lahat ng suggestion ko ayaw mo."

Kanina pa kami nag-iisip ng kakantahin namin sa Singing contest kuno ng school. Nakakainis naman kasi eh! Ako pa ang napiling isali. Nandito kami ngayon sa bahay nila Sky. Ang laki nga ng bahay nila eh. Medyo mas malaki lang sa bahay naming ng konti. Pero ang dami nilang maid.

"Eh paano! Ang papanget ng suggestions mo." Sabi ko. Napakamot sya ng ulo. Actually hindi naman panget eh. Hahaha.

"Flashlight nalang." Ngumiwi sa akin si Sky. Bakit? Maganda naman ang flashlight ah?

"Grabe ka naman! Ayoko nun! Pambakla!"

"Hoy anung pangbakla! Try mo minsan intindihin ang lyrics ha?"

"Ilang kanta daw ba?" Tanong ko.

"Isa lang." I nodded. Ano kaya? Hmmm.

"Tingin ko mas okay yung Heaven." Sabi ko.

"Pinaisip mo pa ako ng kung-ano ano! Heaven lang pala! Gusto mo talaga may connect sa pangalan ko noh? Aminin~" I rolled my eyes. Napaka feelingero talaga nito ni Sky.

"Ehh? Sana nga! Ha-ha." Tumawa sya. Inirapan ko nalang ulit.

"Seryoso kasi!!" Iritado kong saway sa kanya. Konting-konti nalang talaga!! Dapat pala kay Dwyne nalang ako sumama. Ehh? Asan kaya si Dwyne ngayon?

"Heaven ang maganda kasi, may kilig itong pakinggan. Dapat kasi ang kakantahin natin yung nakakapagpakilig sa manonood. Yung tipong hindi boring, kesa sa mga sinasuggest mo. Errr.." Sabi ko.

"Eh gusto mo lang pala yung nakakapagpakilig, edi halikan nalang kita sa stage!" Nagulat ako sa sinabi nya. S-Seryoso?

"Hahahahahaha" Biglang bumalik sa pagkakasimangot ako. Siraulo talaga.

"Mas patok kaya sa audience yung mga high notes. Dun sila nagpapalakpakan." Tama naman sya. Pero baka pumiyok kami. Di gaanong mataas boses ko noh!

"Edi pumiyok ka. Tsss. So yun na kakantahin natin ha? Magsimula na tayong magpractice." Tumayo na ako. Tumayo na din sya. Sinusundan ko lang sya sa paglalakad.

Pumasok kami sa isang kwarto. Woooaah! Hindi naman addict din siguro 'tong si Sky sa music. Itong kwartong pinasukan namin ay isang music studio. Madami ding mga instrument, na kahit isa ay wala akong alam tugtugin.

"Sosyal." I murmured.

"Ako nalang maggigitara." Presenta nya. I just nod. Maganda nga yun eh. Habang kumakanta kaming dalawa, nag-gigitara sya. Odiba?

Ang BoyFriend kong Siga ♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon