This Chapter is dedicated to LovingAGirl13 Naksss nai Flood vote nya po ako at sobrang nakakatuwa po. So para sayo itong chapter na 'to. Labyaa!
*********************
Tanghali na ng nagising ako, mabuti nalang at walang kaming pasok kasi linggo hehe.
Tinignan ko muna ang oras 9:23am Ohhaa kung may pasok ako swear late na ako. Bumaba na ako papunta sa kusina namin. Asan mga tao dito?
"Kuya! Kit!" Sigaw ko pero walang sumagot. Pinag-kibit balikat ko nalang iyon at dumiretso na sa kusina.
Tinignan ko ang dining at... Walang pagkaen. -____________-
''Ohh ma'am gising ka na pala" Ngumiti ako kay manang. Yaya namin.
"Anung gusto mong iluto ko kat?"
"Hmmm, ako nalang ya, Hotdog at bacon lang naman lulutuin ko" Tumango siya sa akin tsaka naglakad papaalis. Ay! nakalimutan kong itanong kung nasaan sila kit.
Pagkatapos kong magluto syempre kumain na ako..
"Ate." Nilingon ko si kit na pawis na pawis.
"Oh kit, Saan ka galing? nasan si kuya? Bakit ngayon ka lang? Kumain ka na ba?" Sunod sunod kong tanong
"Woaaah ate Easy!!" Nagtaas pa siya ng Kamay na parang sumusuko. Umirap ako.
"Saan ako galing te? Sa Labas, Nasan si kuya obviously ate nasa school yon, Prof. yun ate. *chuckle* Pffft ano pa nga yung tanong mo? Ahh! Bakit ngayon lang ako, Syempre ate nagjogging nga! Kumain na ba ako? Actually hindi pa at gutom na gutom na ako. Ako naman ate magtatanong, Pwede na ba akong kumain? Ginugutom mo gwapo mong kapatid eh " Napairap ako sa kapatid kong "Gwapo" Daw. -__________-
"Tsss. Sige na! Kumain ka na, Ayan lang niluto ko" Turo ko sa niluto kong bacon at Hotdog. Buti nalang madami niluto ko. Umupo na sya tapos nagsimula ng kumain.
Pagkatapos kong kumain, nailagay ko na sa lababo yung kinainan ko..
"Baby Kit, Yang kinainan mo!" Paalala ko, kasi naman itong kapatid ko napaka bastos.. parang laging kumakain sa restaurant basta ba naman iniiwan yung pinagkainan sa table tssk kabalahuraan. Tapos ang laging dahilan niya...
*pout* "Ate may katulong naman"
"Hoy Kit Luis Pokot.. Hindi porket may maid, lagi ka ng aasa!" Medyo malakas yung pagkakasabi ko
"Ate, Anung silbi ng maid kung ako din pala gagawa.. Edi dapat ako nalang pa-sweduhin nila daddy" Sabi niya ng malumanay sabay tayo then walkout. Abaat---
"Hoyy Kit luis!" Tawag ko pero dire-diretso lang siya, pagdating sa hagdan--- Dumila pa!
"Tssk.. Tskk" Napailing nalang ako sa ginawa ng kapatid kong spoiled -_______-
Ako nalang ang nagligpit ng pinagkainan niya tsaka tumaas sa kwarto ko.
Tekaaa nasan pala Cellphone ko. Hinanap ko sa ilalim ng unan at Tadaaa!
Pag-open ko nung phone ko
3 missed calls
10 message
Oh sino naman nag-aksaya ng load para i text ako?
Binuksan ko muna yung missed calls at lahat kay Dwyne. Problema nun?
BINABASA MO ANG
Ang BoyFriend kong Siga ♥♥
RomanceSi Katrina, Brave, smart, beautiful and kind. Na makikilala si Dwyne sa hindi inaasahang pagkakataon. Si Dwyne, Isang gangster type na ayaw sa Feeling close na walang kinakatakutan kundi ang kanyang mommy. Ginamit nya si Kat upang makapag higanti s...