Chapter 37: Win her back

183 12 0
                                    


Kat's POV.

"Babe!" Tawag sa akin ni Dwyne. Gusto ko syang sampalin ngayon sa harap ng mga taong nandito sa restaurant pero di ko gagawin yon. May kahihiyan pa naman ako at ayaw ko syang ipahiya. Walang eksprensyon akong nagtungo sa table nya.

"Anung gusto mong kainin babe?" Tanong nya. Tumingin ako ng diretso sa kanya. "Hindi ako nagugutom." Sabi ko ng walang emosyon.

"Hah? Bakit? Kumain ka. Umorder ka ng kahit ano. Bahala ka lalo kang papaya." Inabot nya sa akin ang menu pero tiningnan ko lang yon.

"S-sige. Ako nalang o-order sayo."

"Wag na. Di ako gutom." I said coldly, I don't give him any emotion.

"Sige na babe. Kahit konti lang. Ano bang gusto mo ahh ito nal---"

"Sinabi't 'di ako nagugutom eh!" Medyo napalakas ang pagkakasabi ko kaya naagaw namin ang atensyon ng ibang kumakain. Konti nalang tutulo na luha ko, bakit nya pa ako pinakikitaan ng ganito? Hindi ba nya alam na mas lalo akong nasasaktan sa ginagawa nya?!

Kinuha ko ang shoulder bag ko tsaka tumayo at nagsimulang maglakad palabas ng restaurant but he followed me.

"Kat anong problema?" Mas lalo kong binilisan ang paglalakad.

"Babe..." Hinawakan nya ako sa braso at hindi ko na napigilan, nasampal ko sya.

"Ang kapal ng mukha mo! Ang kapal kapal mo Dwyne!" I said tsaka sya ulit tinalikuran pero hinawakan nya ang braso ko kaya nasampal ko ulit sya.

"ANO BANG PROBLEMA MO KAT?!" pasigaw niyang tanong.

"TANG-INA DWYNE! TINATANONG MO KUNG ANONG PROBLEMA KO? Gago ka! Ikaw ang problema ko! Bakit mo ginawa sa akin 'to Dwyne? Sa dami ng babaeng nagkakandarapa sayo sa school natin ba't ako pa?!" Tuloy tuloy lang sa pag-agos ang luha ko. Kung gusto nya lang naman akong saktan, dapat hinamon nalang n'ya ako ng suntukan. Nagsalubong ang kilay nya na mukhang taking-taka.

"Dwyne bakit mo ako ginamit? Dapat in-inform mo manlang ako sa trip mo para hindi ako ganito nasaktan." Pinagsusuntok ko sya sa dibdib. Hindi sya nagsasalita.

"H-how did you---"

"Wala kang balak sabihin sa akin? Bakit gusto mo akong saktan? Bakit? May ginawa ba ako sayong hindi maganda Dwyne?" I wipe my tears.

"Sasabihin ko naman talaga sayo Babe---"

"PUCHA! WAG MO KONG MABE-BABE BABE! HINDI AKO BABOY! Tama na ang laro Dwyne, tutal mukhang magkakabalikan nanaman kayo ni Sab ee. You don't need to tell lies." Sunod-sunod ang pagbagsak ng luha ko. Kung dati ang sarap pakinggan ng tawag sa akin ni Dwyne, ngayon hindi, Its irritating and its really hurt.

"Kat sasabihin ko naman talaga sayo, but on the right time. I don't want you to get hurt." He don't want me to ger hurt? Are he nuts? Putcha!

"Do you think hindi ako nasasaktan ngayon? Dwyne sobrang sakit. Para akong sinasaksak ng paulit-ulit." Sabi ko habang tinuturo ang puso ko. Tuloy tuloy lang sa pag ago sang luha ko. Sht kaylan ba ito matatapos? Hinawakan nya ako sa magkabilang pisnge.

"Kat believe me. Minahal kita at mahal na mahal kita. Please Kat... don't leave me? I love you so much Kat." Mahal din kita Dwyne, mahal na mahal pero hindi lang matanggap ng sistema ko na ginamit mo lang ako.

Ang BoyFriend kong Siga ♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon