February 14
Kat's POV.
"Haaay Boring" Sabi ko paglabas ko ng classroom namin. Wala kaming klase ngayon dahil Valentines at dahil tinatamad ako kanina ay natulog lang ako sa Classroom namin, lumabas din ako. Wengya iniwan ba naman ako eh. Mamaya baka may mumu dun.
Napatingin ako sa paligid. Ang daming booth ngayon na nakalat sa University namin.
Mayroong Couple Booth, Jail Booth, Dare Booth, Wedding booth, Photo Booth and etc.
Sa Couple Booth.. May mga ipapagawa sainyo na mga dare o mag-gagawa kayo nung... Relationship Goals. The sweetest Couple ang mananalo.
Sa Dare Booth naman.. May mga nakatagong sinulid or Pisi. May mga nakabantay don. tapos pag naapakan mo. Pabubunutin ka nila ng isang Dare at kapag di mo nagawa magbabayad ka.
Sa Jail Booth naman may mga X na nakasulat sa daanan, kapag natapakan mo.. May huhuli sayo, di ka makakalabas hanggat walang nagp-pyansa sayo or magi-stay ka dun ng One Hour. Tapos madami pa, kaso tinatamad na akong magpaliwanag.
Habang naglalakad ako sa corridor ay mga mga magjowang ang Sweet na naglalakad habang naka holding hands . Grabe!! Nakakabitter. -_________-
"KATTY~~!!" napataas ang kilay ko sa sumisigaw na si Daniel kasama si Jane na naglalakad papunta sa akin. Kung makasigaw parang nawawala.
"Oh? Sinong nawawala?" Biro ko. Inirapan lang nya ako tsaka nagsalita.
"Ikaw sistah ang nawawala. Saan ka ba nagsususuot? Yung Booth natin, ako pinagbabantay iniwan ko na. Hahaha" Loka-loka talaga 'to.
"Ano nga palang Booth natin?" Tanong ko. Sarreh nakalimutan eh.
"Gaga mo talaga. Diba nga Horror House?" Tinignan ko sya ng nakakapagtakang tingin.
"Seriously Dan? Horror House??? Valentines ngayon?!" Sigaw ko sa kanya. Nagkibit balikat lang sya.
"Pwede yun bae. Wag ka na kasing tanong ng tanong. Di ko din alam, enjoy nalang natin 'to mga wala naman tayong mga lablayp maghanap tayo ng fafa!!" Nanatili kaming tahimik ni Jane. Nagkatinginan kami saglit.
"Osige na! Ako na! ako na mag-isa. Ako na nga walang Lablayp. Wala namang forever eh. Tse." Pffft. Ambitter
"HAHAHAHAHAHAHAHA." sabay kaming napahalakhak ni Jane dahil kay Daniel.
"Hay nakoo!! Mamatay kayong dalawa kakatawa. Di bale magiging kami ni Fafa Sky. Hihihi"
"Ewan ko sayo Dandan." Sabi ko tsaka nauna ng naglakad.
"Saan ba gora naten mga ante?" Tanong ko.
"Wala, tayo'y maglilibot libot lang."
"Ang lawak ng Camrilian Jane." Ano ba kasing mga naiisipan ng mga ito.
"Ayy mga ante! Pahabol nalang tayo sa mga nanghuhuli sa Jail Booth dali. Hahaha. Hanap kayo ng mga X tapos kunyare matatapakan natin. May mga nakatagong unggoy jan." Sumang-ayon kami sa sinabi ni Daniel. Mukhang masaya eh.
"Ready?" Nagsenyasan kaming tatlo. Si Daniel ang unang magpapahabol, sya nakaisip nito eh. Nagpasimpleng tumapak sya sa X na nakasulat then sinenyasan namin sya na anjan na yung huhuli sa kanya kaya tumakbo na sya.
"Sinong sunod?" Tanong ni Jane.
"Sabay na tayo." Ganun din ang ginawa namin kaso nagkahiwalay kami nung nanakbo na kaming dalawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/29843656-288-k715089.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang BoyFriend kong Siga ♥♥
RomanceSi Katrina, Brave, smart, beautiful and kind. Na makikilala si Dwyne sa hindi inaasahang pagkakataon. Si Dwyne, Isang gangster type na ayaw sa Feeling close na walang kinakatakutan kundi ang kanyang mommy. Ginamit nya si Kat upang makapag higanti s...