Chapter 3: Tampuhan

428 24 1
                                    

Dwyne's POV 

"Shiiiit!" Bulyaw ko habang pinupunas yung... scramble?  taena ang lagkit ng mukha ko pucha!Who's that girl? tapang ah tss.

Nakakabadtrip! kanina pa ako pinagtitinginan ng mga tao dito pero hindi sila makatawa dahil subukan lang nilang tumawa, baka sa kanila ko ibaling ang galit ko.

Humanda sakin ang babaeng yun! Ngayon lang ako napahiya ng ganito ng babae sa maraming tao sa buong buhay ko! Hindi na siya natakot sakin! ako na si Dwyne! ang pinaka gwapong siga?! ginanon lang niya. That can't be! Lintik lang ang walang ganti at mukhang schoolmate ko siya based on her uniform, senior high? iba iba kasi uniform sa school namin but i don't care,  ang kailangan ko lang ay pagbayarin siya sa ginawa niya tch.

Hide yourself while you can bitch. 

 Ibinaling ko ulit ang tingin ko sa mga taong kanina pa ako pinagmamasdan. Ngayon lang ba sila nakakita ng gwapong nanlalagkit dahil sa pesteng scramble? "Ohh kayo anong tinitingin-tingin nyo dyan? Get lost!" Kanina pa ako tinitignan eh. Agad naman silang lumihis ng tingin at umalis.


Kath's POV

"Ano ba Jane, sandali nga!" Sigaw ko kay Jane. Pano ba naman kasi hila-hila padin ako habang tumatakbo tsaka may nakalimutan pa akong gawin kanina eh. Ang layo layo nanaman namin kay Jun Pyuta eh. Tumigil siya sa paglalakad tapos hinarap ako. 

"Jane, ano bang problema mo? Kanina pa tayo takbo ng takbo tapos hila-hila mo pa ako.. Bakit ba?" Iritadong tanong ko sa kanya habang hinahabol ko hininga ko gagang 'to alam na may hika ako eh!

"Kasi ikaw... alam mo ba yung ginawa mo?" Maluha-luha niyang tanong.

"Oo, binuhusan ko siya ng scramble sa mukha. Naalala ko kasi yung sa Boys over Flower eh, ganun na ganun ang ekse---" 

"ANO? ANONG SINASABI MO?" 

"Diba yung eksena kanina. Yun yung sa Boys over Flower? Di mo ba napanood yun?"

"Bie alam mo ba yang sinasabi mo?" Nanginginig niyang tanong.

"Oo naman bie, hinila mo kasi ako agad eh. Hindi ko pa nga tapos yung ginawa ni Jan Di ehh. Hinagisan--" pa niya ng pera si Jun Pyo.' Kadugtong pa sana ng sasabihin ko kaso di ko na natuloy laughtrip sana kung nagkataon haha!

"WHAAAT? Anong Gu Jun Pyo, Gu Jun Pyo at Jan Di?? Si Dwyne yon. Si Dwyne yon bie! Yung Pinakasikat sa school natin at yun yung leader ng gang sa Cribstone" Ah? Yun pala yung Dwyne kala ko si Gu Jun Pyo ehh. Pero---

"WHAAT?" Ako naman ngayon yung sumigaw. Wala lang, bet ko lang sumigaw kasi kanina pa siya sigaw ng sigaw eh so ako naman.

"So? Ano naman?" Cross-arm na tanong ko..

"OMG!" Napatampal siya sa noo niya. Minsan OA din tong bessy ko eh. 

" Mapapahamak ka niyan eh. Gagantihan ka non panigurado. Dapat kasi di ka na nangealam eh. Pwede ba sa susunod wag kang nangengealam!" Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya, hindi dahil natatakot akong gantihan ni Dwyne kundi dahil sinabi niyang nange-ngealam ako.

"Ahh so ako pa yung mali? Pinagtanggol lang naman kita ah! mali bang ipagtanggol kita? Ang labo mo Jane! Dapat ba pinabayaan nalang kita na dilaan yung sapatos niya, ganun ba? Sana nga yun nalang kung ako rin yung lalabas na mali."

"Bie hindi sa ganun,  hindi ganun... Ang akin lang--"

"Dapat di na ako nangealam? Sorry ha concern lang naman ako sa bestfriend ko eh. Sige una na ako.." Putol ko sa sasabihin niya kasi yun din naman gusto niyang sabihin eh. Tumalikod na ako and start walking.

"Bie di ganun.." Di ko na pinakinggan pa yung sinabi niya. Dere-deretso lang akong naglakad until I reached our classroom.

Jane's POV

Tignan mo 'tong babaeng 'to! Lakas ng sapak. 'Di manlang  siya tumigil, lumingon o anu man lang. 

Kahit kailan talaga hindi marunong makinig ang 'tong si Kat. May sariling desisyon sa buhay! But at some part, I do have wrong din kasi sa nasabi ko sa kanya. I'm just concern! I didn't meant naman na palabasin niyang pakealamera, but she's Kat, papaniwalaan niya ang gusto niyang paniwalaan. Paano nalang kapag napahamak siya? kilalang kilala si Dwyne sa pagiging basagulero. Sayang nga ang gwapo pa naman niya kaso gangster pero gwapo pa din okay lang hihi.

Paano ko naman kaya susuyuin ang nag-iinarte kong bessy?

********

A/N: 

Yaaaan na yung UPDATE. Hehehe. Pag sinipag ako. mamaya ulit. 

Ang BoyFriend kong Siga ♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon