Chapter 42: The Sister

39 0 0
                                    



Kat's POV

2 linggo...

Dalwang linggo na ang nakakalipas and Dwyne is still in comma, hindi masabi ng doctor kung kalian sya gigising. Kaya eto ako ngayon nagre-ready ng umalis ng school para makabisita kay Dwyne. Sa lumipas na 2 linggo ay lagi ko syang pinupuntahan. Pagkagaling ko sa school ay dumederetso muna ako ospital para tignan sya, naging usap usapan na rin ito sa buong Camrilian Academy.

"Oh bes, deretso ka na ng hospital? Gusto mong samahan kita?" Nilingon ko si Jane na papalapit sa akin ngumiti ako sa kanya tsaka itinuloy ang ginagawa ko.

"A-ah hindi na beh baka may gagawin ka pa eh." Nakangiting tanggi ko sa kanya. Alam ko naman na sobrang busy nitong bestfriend ko eh.

"Hay nako Kat! Hindi noh! G na g ako dyan. Leggo na! Sasamahan kita. " Nagkibit balikat nalang ako, wala na akong magagawa tsaka gusto ko rin naman talaga syang sumama eh nahihiya lang talaga ako kasi alam ko busy sya.

Mabilis naman kaming nakalabas ng Building namin at nakarating sa parking lot.

"Nandun pa yung kotse ko Bes, hintayin mo nalang ako dito kukunin ko lang."

"Ah sige, tatawagan ko pa naman si Mommy eh. Magpapaalam ako sa kanya." Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa screen ng cellphone ko. Hinahanap ko number ni mommy.

"Okay." Sabi nya tsaka nagsimula ng maglakad.

Ng makita ko na ang number ni mommy ay nai-dial ko ito agad.

"Yes honey?" Sagot nya agad.

"Hmm Mom I will go to the hospital, gusto ko lang pong sabihin sainyo. Male-late po kasi ako ng uwi. Wala naman po kaming pasok bukas."

"Is that so? Go ahead honey, wag lang masyadong late uuwi ha? Or you want me to tell your kuya na sunduin ka?"

"No need na mom, I'm with Jane naman po. May sasakyan po sya." Paliwanag ko. Ayoko rin namang abalahin si kuya eh.

"Hoy Katrina! Halika na!" Sigaw ni Jane sa loob ng kotse nya.

"A-ahh Mommy we need to go na po. Nandito na po si Jane."

"Okay take care baby. I love you." Napangiti naman ako. My mama is so sweet. ♥

"Yes Mom. I love you too." Sabi ko tsaka tuluyang pumasok sa kotse ni Jane.

"Naks! Ilabyuhan na ng mommy ah! Hahahaha" Napangiti naman ako. Dati na naman naming ginagawa 'to ni Mommy... nung mga panahong close pa kame pero nung umalis sya palipad ng ibang bansa, hindi ko na sinasagot tawag nya saken.

"Epal mo! Magdrive ka nalang dali at nami-miss ko na si Dwyne." Pag iiba ko ng usapan. Nahihiya akong pag-usapan yung amin ni mommy eh. Feeling ko nakakahiya.

"Ay grabe teh! Ang pagkakaalam ko eh kakapunta mo lang don kahapon?! Grabe maka miss." Inirapan ko nalang sya. Salagay eh! Palibhasa wala syang namimiss. Sana gumising na si Dwyne L

"Bilisan mo na kasi!"

"Aba! Makapag-utos ah?! Ang pagkakaalam ko eh sasakyan ko 'to." Tinaasan ko sya ng kilay. Grabe manumbat ah?!

"Ang pagkakaalam ko eh ikaw ang gustong sumama sakin." Sarkastikong sagot ko sa kaya.

"Whatever!" Sagot nya tsaka nagsimulang magdrive.

Sa Dalawang linggong nakalipas ay kahit papaano ay ayos na ako, dahil nandun yung pag-asa na magigising pa si Dwyne, di man ngayon but soon. Naniniwala ako sa kanya.

Ang BoyFriend kong Siga ♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon