Chapter 7: Meet his Parents

425 26 0
                                    

Kat's POV

Umakyat ako sa kwarto ko.. Nag Ipod nalang ako habang hinihintay ko si Jane. Naisuot ko nalang yung earphones ko tsaka nagpatugtog ng 'Love has come my way' ni Kathryn bernardo. Cute ng kantang ito ehh. Haha

'the sun is done, its a gloomy day'

'My hair is ugly and its looks like hay'

'I feel so lousy I could fade away'

'But is OK---' 

"AHHHHHHHH!"

Tinanggal ko sa isang tenga ko ang isang earphones dahil parang may narinig akong sumigaw. Pinakiramdaman ko ang paligid kung maririnig ko ulit pero hindi na naman naulit kaya nagkibit balikat nalang ako tsaka isinuot ulit ang earphones ko. 

'Love, love has come my way'

'Everythings gonna be okay'

"Love has come my way" Sinabayan ko pa yung kanta with matching sway sway pa nung hand.

"Love, love has come my WAAAY" Napalakas pagkakasabi ko nung Way actually di napalakas eh. Napasigaw, sa Sobrang gulat ko kay Jane. Pano ba naman basta basta pumapasok sa kwarto ko tapos binalibag pa yung pagkakasarado nung pinto.

"Jane 'di ka ba marunong kumatok? Abnormal 'to" Inirapan ko siya pero may napansin ako sa mukha niya. 

"Jane bakit namumula ka?"  di niya ako sinagot instead, tumalon siya sa kama ko tsaka nagtaklob ng kumot. Ano problema nito?

"Jane ano nga? Bakit namumula ka?" Niyugyog-yugyog ko siya pero di niya ako sinasagot. Tinanggal ko yung kumot sa kanya at syet real! Pulang pula talaga siya. 

"Ay ohh. Kutis putaragis ohh. Kutis porselana." Pang-aasar ko. Ano kayang nangyari sa baba sa kanila ni kuya? Ba't kaya ganito 'to kapula. Nakakaintriga naman! Pfft.

"Ugh Kat! wag nga!" Kinuha niya yung kumot tsaka nagtulakbong ulit. Pfffft gusto kong matawa sa itsura niya.

Hindi ko nalang siya pinansin tumabi nalang ako sa kanya.. Kahit medyo nasa gitna na siya ng kama kasya pa din ako dahil medyo malaki naman kama ko kasya apat na tao. 

"Jane usog ka onti, pidi?'' Pero imbis na umusog siya, may sinabi lang siya..

"T-thats so embarrassing. Omyghad." Huh? Anong embarrasing sinasabi nito? 

"Jane anong embarrassing naman?" Tanong ko sa kanya

"Embarrassing. Embarrassing.." 

"Ulit-ulit Jane? Plaka ka gorl?!" Sabi ko kasi paulit-ulit si gaga. Hindi naman niya ako kinibo kaya hindi ko nalang siya pinansin.


*kinabukasan*

Nagising ako dahil sa sunod-sunod na pag vibrate ng phone ko. Pagtingin ko meron na akong fifty messages and five missed calls. Sino naman kayang tumawag sa akin? Nilingon ko naman si Jane na tulog na tulog pa at naka nga-nga pa.

2 missed call from Scyld 

tapos 3 kay Dwyne. 

Naiintindihan ko na si Dwyne kung bakit siya tumawag pero yung kay Scyld, why kaya?

Binasa ko muna yung text ni Dwyne.

12 message. 

Hoy mag-ayos kana.

Ang BoyFriend kong Siga ♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon