Chapter 39: Kidnap

203 7 8
                                    


Kat's POV.

Pare-parehas silang lahat! Mga lalake, Paasa't manloloko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta sumusunod lang ako sa hakbang ng mga paa ko. Hindi ko namalayang malapit na pala ako sa gate ng school. Pinahid ko muna ang luha ko tsaka ako lumabas ng campus.

Bahala na! Ayokong pumasok. Uuwi nalang ako.

Someone's POV.

"S'ya ba boss?" Tanong sakin ng isa sa mga ka-gang ko.

"Tignan mo yung picture." I commanded. Pero tingin ko ito na yun. Tinitigan ko ang babaeng kakalabas lang ng campus.

"S'ya na nga boss, sya yung kasama ni Dwyne sa mga picture." Hinithit ko muna ang sigarilyo ko bago sya sinagot.

"Akalain mo, mapapadali pala ang pagkuha natin sa kanya. Tss. Akala ko maghihintay pa tayo ng matagal. Hahahaha" Tumawa ako ng mala-demonyo. Tapos na ang maliligayang araw mo Dwyne because sooner or later, you will facing your death. I smirked.

"Kukunin nab a natin boss?" Umiling ako. "Palayuin muna natin, mukhang wala sa sarili yang babaeng yan eh." To be honest, maganda sya kaya no wonder why that fvcking Dwyne loves her. Nang makalayo-layo ang babae sa campus, inutusan ko na ang mga tauhan ko.

"Kunin nyo na sya, bilisan nyo baka may maka-kita pa sa inyo." Agad namang bumaba ang tatlo kong tauhan.

"Ikaw, bilisan mo ang pagdi-drive, sundan mo na sila ng maisakay na agad yung babae tss." Tumango naman ang driver.

Kat's POV.

Medyo malayo na ako sa Camrilian. Mag-a-aabang nalang ako ng taxi.

Ewan ko pero bigla akong kinabahan, parang may nakatingin sa akin na ewan. I can sense it. Maya-maya naramdaman kong parang may nasa likod ko. Baka si Sky lang 'to. Di ko nalang pinansin pero kinakabahan padin ako. Napapikit ako ng mariin tsaka lumingon. "Sky pwede ba----hmmmmmm" b-biglang may nagtakip sa bibig ko. Omygod! Kikidnap-in ba nila ako? "hmmmmm." Patuloy akong pumapapalag but he's strong! Dwyne... Help me...

Sky's POV.

"Haisst!" Di na ako nakatiis, tumayo na ako at pupuntahan ko na si Kat, nakokonsensya ako. Baka kung anong mangyari sa pusang yun. Wala pa naman sya sa mood.

"Hey fafa Sky, where are you going? Pa-gora na here ang profesah!" Tanong ni Daniel.

"susundan ko si Kat. Baka kung anong mangyari don." Sabi ko tsaka lumabas ng classroom.

"Ay wait lang fafa! Sama akes, whut happened to katy-girl?----Classmates, tell nyo sa profesah that I'm saglit lang. Hala! Gora Sky!" Nauna na ako sa kanyang tumakbo, baka mamaya maglaslas pa yun eh.

"Sky! Wait for meh!" Nakalabas na kami ng Campus.

"Enebe Sky! Y-your so fast! Ouchy na ng legs kong pretty ey. Huehue." Sabi nya habang nakahawak sa tuhod nya. Tss. "Tss."

"Err---wait! Si Katybels yun ah!" Nilingon ko yung tinuturo nya. "Oo si Kat nga." Mukhang nag-aabang sya ng taxi pero mukha syang balisa. Palinga-linga s'ya sa paligid. Don't tell me nagha-hallucinate na 'to. Maya-maya may lumapit sa kanyang dalawang lalake.

"OMYGOSH FAFA SKY! WHO'S THAT POKEMONS?"

Biglang lumingon si Kat sa kanila at tinakpan ang bibig nito ng panyo. Sht! "Bakla, humingi ka ng tulong." Sabi ko tsaka agad silang tinakbo.

Ang BoyFriend kong Siga ♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon