Kit's POV.
Muntik ko ng maibuga ang iniimon kong tubig ng makita ko ang mukha ni Dwyne.
"KATRINA ANONG GINAGAWA NYAN DITO?" bulyaw ni kuya.
"Bakit kuya? D-diba gusto nyong makilala y-yung b-boyfriend ko? Sya yun kuya, si Dwyne." Ano? S-s-si Dwyne ang Boyfriend ni Ate?
"Ano? Sya? Boyfriend mo?!"
"Oo kuya bakit ba?" Slow ni Ate -__________- Di ba obvious na ayaw ni kuya kay Dwyne kasi mala Gangster yon. Futaaa Siga yun. -__- Wengya inupakan nga ako ng walang kahirap hirap eh. Sobrang lakas ko na.
"Eh ate, si Dwyne yung gumulpi sa akin. Sya yung pansamantalang sumira ng napaka gwapo kong mukha ate." Ako na sumagot. Mukhang ewan si ate eh. Halatang gulat si ate lumaki ng sobra ang mata eh.
"A-ano Kit? Si Dwyne?" Tumango nalang ako bilang tugon. Nahihirapan na akong magsalita, paulit-ulit. Tss.
Kat's POV.
Parang nag-init ang ulo ko sa nalaman ko kay kit. Hinarap ko si Dwyne ng seryosong mukha. "Dwyne, salamat sa paghatid mo. Pwede ka ng umalis." Medyo natulala pa sya sa akin sandali ngumiti sya bago tumalikod tsaka nagsimulang maglakad palabas ng bahay. Pagkalabas nya ay isinara ko kagaad ang pintuan.
"Ate.." Syet. Nakakapagsisi yung ginawa ko kay Dwyne TT^TT Hinatid na nga ako tapos pinaalis ko lang ng ganun. *pout* Narinig kong nagstart na yung engine nya tapos umalis na. Gusto ko syang habulit at pigilan para magsorry kaso mapapagod ako. .__. Ang nakakainis kasi, yung malalaman mong si Dwyne pala yung gumanon sa kapatid mo. Syempre nakakagalit. Ako nga di ko makurot si Kit eh. Tapos sya ano?? Binugbog?!
"Ate, Magwalling ka na! Nahiya ka pa ah. Pfft" Tinignan ko ang napaka walanghiyang si Kit. Ginawa pa akong yung commercial ng Eskinol.
" Uyy mag Rorolling na yan! Arte kasi. Pinaalis-alis tapos magsisisi. Tsk tsk. Ewan ko ba!"
"Eh kung iuntog kita sa wall tsaka pagulungin kita?!"
"Ang init ng ulo. Arte kasi.. Pinaalis-alis tapos magsisisi. Tsk Tsk.. Ewan ko ba!" Sabi nya habang umiiling iling.
"Katrina..."
"K-kuya?" Napatayo ako ng ayos nung tinawag ako ni kuya.
"Bakit mo kasama yun?" Paulit-ulit??
"Hinatid nga ako kuya!" Napatakip ako sa bibig ko. Napalakas ata ang pagkakasagot ko. Huhuhu
"KATRINA PINAGTATAASAN MO NA BA AKO NG BOSES? YAN BA NATUTUTUHAN MO DUN KAY DWYNE?!" halaaaa.
''H-hindi kuya sorry" Napayuko nalang ako.
"Saan ka galing?"
"K-kila Daniel kuya."
"Daniel? Sinong daniel yan? Kung sino sinong lalaki nakakasama mo Kat."
"Kuya bakla si Daniel, Wedding Anniversary kasi ng parent nya tsaka kasama ko si Jane'' Bumalik sa pagka mahinahon ang mukha ni Andre- ni Kuya. Narinig lang pangalan ni Jane? Edi wow !
"Ah? Sige matulog ka na, kumain ka nanaman diba? Party yun eh. Sige akyat na. May pasok ka pa bukas." Ngumiti ako ng napakalapad kay kuya. Hihihi Napakabait talaga.
"Sige kuya. Night night!!" Nilagpasan ko si kuyang hanggang ngayon ay nakatayo padin sa hagdanan. Di na nakaalis -______-
"Good Morning Ate ^___^" Tumigil ako sa paglalakad dahil si kit nanaman-
BINABASA MO ANG
Ang BoyFriend kong Siga ♥♥
RomansaSi Katrina, Brave, smart, beautiful and kind. Na makikilala si Dwyne sa hindi inaasahang pagkakataon. Si Dwyne, Isang gangster type na ayaw sa Feeling close na walang kinakatakutan kundi ang kanyang mommy. Ginamit nya si Kat upang makapag higanti s...