Chapter 1: Katrina Pocott

846 31 2
                                    

Katrina's POV

*Doorbell*

"Kat may nagdo-door bell" Sabi ni kuya Andre ko habang busy sa computer niya.

"Ohh..." Busy ako pag iistalk kay Ken eh. 

*Doorbell*

"Kat.. Sabing may nag du-door bell. May tao sa labas!" Napaikot nalang ng 360 degrees ang mata ko sa inis.  

"Alam ko kuya, may tenga din ako at nakakarinig 'to both side" Sabi ko ng nakataas ang isang kilay.

*Doorbell* 

"Naririnig mo naman pala bakit nandyan ka pa din?"

"Eh bakit ikaw, nandyan ka pa din?"

"KATRINA POCOTT!!" Ito talagang si kuya Dre, 'di mabiro. 

"He-he Sabi ko nga kuya ehh bubuksan ko na." Nakakatense kasing tumingin si kuya eh parang gigilitan na ako ng buhay. Nagmadali na akong tumayo at dumiretso palabas ng bahay. Kaasar!

*Doorbell* 

"Ano ba 'to 'di makapag hintay. Oo na, andyan na wait!" Sigaw ko.

Binuksan ko yung Gate at "OHMYGOD!" Napatakip ako ng bibig nung nakita ko yung kapatid ko na puro dugo ang mukha. Sino namang gago ang gumawa nito sa kapatid ko?! nakakapanginig ng laman!

"Sinong gumawa nito kay Kit?" Tanong ko sa mga kaibigan niya habang binibigyan sila ng masamang tingin.

"Ano Kit? dadalhin ka na ba namin sa ospital ha?" I asked. 

"N-No ate, I'm fine I just need to rest." 

"KUYAAAA!!" Di ko alam gagawin ko kaya tinawag ko na si Kuya. 

Agad naman lumabas agad si kuya na  mukhang nagulat sa pagsigaw ko dahil hindi pa niya suot ang isa niyang tsinelas.

"SH*T" Sigaw ni kuya sabay takbo palapit sa amin. 

"Kuya pasok mo muna si Kit sa Loob." inalalayan naman ni kuya si Kit papasok.

Hinarap ko naman yung mga kabarkada ni Kit ng nakapamewang.

"Hoy kayo! Anong nangyari sa kapatid ko?" Sabi habang tinuturo ko silang lahat. Nagsiyukuan naman sila.

"TINATANONG KO KAYO." sigaw ko dahil sa inis

"S-sorry a-ate Kat di namin sinasadya." Sabi ng isa niyang tropa na hindi ko matandaan ang pangalan.

"SORRRY? ANONG MAGAGAWA NIYANG SORRY NIYO HA? 'PAG MAY NANGYARI SA KAPATID KO, HUMANDA KAYONG LAHAT SA AKIN. IKAW, IKAW,IKAW,IKAW AT IKAW, PAG BUBUHOL-BUHULIN KO KAYO! ANG DAMI NINYO 'DI NINYO NAGAWANG PAGTANGGOL SI KIT!" 

"sorry ulit ate Kat." Sabay sabay nilang sabi. 

"Sige na. Magsi-uwi na kayo" Pagkasabi ko 'non ay agad naman silang umalis. 

"Ikaw kasi. Ikaw ang nagpasimula nito"

"Anong ako?  T*nga ka ba?"

"Yan si Jerome, s'ya naka-isip nito." 

Narinig kong mga sinasabi nila bago ko pumasok. Nailock ko na yung gate at saka pumasok sa Loob. 

 *****

Umupo ako sa tabi nila kuya Andre. Saka tinignan si baby Kit. Kawawa naman ang Baby Kit namin. 

Humanda sa akin kung sino man ang gumawa nito sa baby namin. 

Grabe! puro pasa at black eye.

Kinuha ko yung first aid kit saka ko siya sinimulang gamutin.

"Ano bang nangyari sayo ha Kit?" Sabi ko habang pinapahiran ng gamot yung sugat nya sa braso.

"W-wala ate." Nakayukong sabi niya. 

"Anong wala ha? Tignan mo nga nangyari dyan sa mukha mo. Tignan mo.. tignan mo.."

"Araay naman ate." Daing niya nung naidiin ko yung bulak sa sugat niya. Wala daw pero dumadaing sa sakit.

"Eh kasi naman Kit ano ngang nangyare?" Wala siyang kibo. Nakayuko lang siya.

"Baby Kit?" Tawag ko sa kanya ng Malumanay na Boses. 

"Aissst Ate naman! Stop calling me baby na. Im not a baby anymore, naman malaki na ako I-I'm already 15 years old!" Haaay ang baby namin binata na daw. Kung wala lang sugat ito, uupakan ko 'to hehe

 "Sige hindi na baby Kit." 

"Aisst Ate naman ehh" Tinignan niya ako ng masama.

"Hehe Peace Baby~ I mean, Kit."  Sabi ko habang naka peace sign.  

"So Kit, what really happened?" singit ni kuya sa usapan kaya bumalik ako sa pagiging seryoso. Si kuya pala ay nakatingin lang sa amin kanina pa.

"Ehh kasi ano.." Nag-aabang lang ako ng susunod na sasabihin ni kit.

"Kasi... Ano kasi... Ano..." 

"ANO??"

"Kasi pumunta kami sa Cribstone." Derederetsong sabi niya. Pero whaat? Cribstone? Ano naman meron 'don? Ang alam ko lang lugar 'yon.

"ANOO? GALING KA DON?"

"Ay kalabaw!" Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa sigaw ni big bro. Ano ba yan basta basta sumisigaw. 

"So? Dun ka nagulpi? dun ka ba nagka ganyan? Anu bang meron sa Lugar na yun? isang street lang naman yon dyan sa isang subdivision ahh" tanong ko ulit dahil I'm clueless. 

 "Oo nga lugar lang yon, street lang yon, yes but hindi mabubuti nakatira don, may mga gangster don because that place is a hide out."Sabi ni kuya tsaka umupo sa tabi ko. Ehh? hide out nga eh ba't nila alam?  

Pinaningkit ko ang mga mata ko. Tss mga kabataang jejemon na walang magawa sa mundo. Gangster my ass. 

"Eh teka baby Kit. Ano naman kasing ginagawa mo doon?" Timang talaga tong kapatid ko. Alam na palang delikado, pumunta pa.

"Wala Ate. Sige matutulog na ako. Napapagod na ako eh." Sabay tayo niya at naglakad na papunta sa room niya.

'Sino kayang gumawa noon kay baby Kit' 

Tanong ko sa Sarili ko. 

**************

A/N: 

Hello. Vote and Comment Guysss. 


Ang BoyFriend kong Siga ♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon