Chapter 23: Facebook Chat.

261 16 1
                                    


Andre Jacob Pokot's POV.


"Haaaay." Natapos ko na din ang mga papers na ibibigay ko sa Dean bukas. Pagkatapos kong iligpit ang mga gamit ko ay tumayo na ako.


Biglang umilaw ang cellphone ko kaya tinigan ko kung sino yung nagtext.


sms from: Jane Garcia ♥ (A/N: Bakit may ♥ ??)


Jacob nakauwi na si Kat. Oppss I forgot to tell you pala. She used her motor pala sorry!


Nag motor nanaman si Katrina tssk. Nireplyan ko sya..


Okay. Thank you Jane. Kita tayo bukas. As usual Place.


I started courting Jane since?? hindi ko na matandaan. Sinula kasi nung natulog sya sa bahay namin yung nagkataong nasira yung lock ng pinto ng Cr namin,Remember?. Nagsorry ako sa kanya tapos that time Princess (Kat) is not home at si Jane ay naiwan sa amin. Kami lang yung magkausap ng time na yon at nagkapanatagan kami ng loob. Naging close kami. 

We text, we call, we hang out together pero hindi alam ni princess yon.. Kasi Ewan ko kay Jane. Surprice

until she confess na may crush daw sya sa akin no she's inlove with me daw. Akala ko nagloloko lang sya. Kaya pinagtawanan ko sya.


[ Flashback.. ]


"Hey Jane! bakit ang tahimik mo? Ano nga pala yung sasabihin mo sa akin?" Nagtext kasi sya sa akin na may sasabihin sya kaya inaya ko syang lumabas.


"Hmmm k-kasi Dre.." Humarap sya sa'kin.


"I-I love you. Nung una crush lang kita but now. Di ko na maipaliwanag everytime na mag tetext ka sa akin or tatawag ka. I cant explain the feelings! when mag-aaya kang kumain sa labas. Hindi ko maiwasang isipin na date yun. I know friend or little sister like kat lang ang tingin mo sa akin Jacob pero Mahal na talaga kita. I fell for you so deep at sa tingin ko di ko na kayang— Ahhhh!." Habang sinasabi nya yon, tumutulo na ang luha nya.


"Seriously Jane? Hahahahhahahaha" Tinignan nya ako ng masama


"Arrrgh!! Nakakainis ka naman Jacob eh!! Nagpakaeffort akong magconfess sayo hindi mo alam kung anung kaba naramdaman ko tapos pagtatawanan mo lang ako? Huhuhuhu" Nilapitan ko sya.


"Shhhh.. Please don't cry" Tumingin sya sa mata ko.


"I love you too" Nanlaki ang mata nya sa sinabi ko.


"A-ano? *sob* "


"Do I really need to repeat it? *chuckles* I said I love you too.." Sabi ko habang hawak ang pisngi nya. Ngumiti sya sa akin..

Ang BoyFriend kong Siga ♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon