Chapter 41: Keep Holding on Kat!

176 2 6
                                    

Scyld's POV

"Sigurado ka bang dito na?" Tanong ni Kenth. Pagkatapos ko kasing sabihin sa kanila yung mga nangyari, dali-dali silang pumunta sa ospital. Lalo na ang kuya ni Kat. Halos magwala sya kanina pagdating sa ospital.

"Yes. Dito yun. Malapit na tayo lumalaki na yung kulay pulang tuldok lang kanina oh!" Pinakita ko sa kanila yung Laptop na naka-connect sa lugar nila Kat.

"Okay"

"Tekaa! Dito na yun!" Sabi ko sa kanila dahil parang nagbi-blink-blink na yung red na tuldok.

"Shit!" Napatingin kami ni Kenth sa kay kuya Dre na napamura. Nakatingin sya sa ibang direksyon. Sinundan ko ang tingin nya and shit!! Sa harapan naming ay may nasusunog na---building? Ospital? School or whatever. Basta hindi ko sya maexplain kasi abandonado na sya na parang sa horror movies tapos nasusunog.

"I think they're inside."

"Tara na! Pasukin na natin. Kumakapal na ang apoy." Dali-dali kaming bumaba ng kotse ni kuya Dre.

Aruy! Kumakapal na ang apoy. Sana okay pa sila.

Mabilis naming pinasok iyon at sa isang classroom yata 'to? Nakita naming nakahiga yung dalawa sa sahig. Puno ng dugo si Dwyne! Damn!

"Katrina! Dwyne!" Sigaw ng kuya ni Kat. Ang kapal na ng usok. Chineck ko muna kung humihinga pa si Dwyne. Sobrang duguan na sya eh. And thanks god! He's still breathing.

"Guys bilisan na natin. Malala lagay ni Dwyne!" Tinakpan ko ng bimpo ang ilong ni Dwyne. Kahit naman may mga hindi kami pagkaka-intindihan ni Dwyne, pinsan ko pa din sya at mahal ko sya. Tss para akong bakla.

"Kenth help me. Alalayan natin si Dwyne." Lumapit naman sya sa akin tsaka tinulungan akong itayo si Dwyne. Si Kuya Dre naman ay binuhat na si Kat.

**

"Nurse! Help! Help!!" Sigaw ni Kenth pagkapasok na pagkapasok namin ng ospital. Nagpanic naman ang mga nurses and doctors. Agad silang naglabas ng stretchers at naisakay si Dwyne at Kat. Si Dwyne ay naideretso na agad sa O.R samantalang si Kat naman at kung ano ano pang checks ang ginawa. Pero ang sabi ay okay na daw si Kat, stable naman na daw sya kaya si Dwyne nalang ang inaalala namin. Lumabas muna si Kuya Andre, tatawagan daw nya sila tita Catherine.

"Where's the patients parents?" Tanong ng doctor, halata sa kanya ang pag aalala.

"W-wala pa po doc but I was about to call them---"

"Call them ASAP! The Patient needs to take the operation now. Hindi na pwedeng ipagpamamaya dahil baka hindi na nya kayanin. Madami ng nawalang dugo sa kanya and may namumuo na ding dugo sa utak nya and it may leads to death..." Mahabang paliwanag ni Doc. Napasandal naman ako sa wall dahil sa narinig ko. Nilapitan naman ako ni Sky at inalalayan dahil parang matutumba na ako. Fck!

"D-Death?" nanlulumong tanong ko. Napabuntong hininga naman si Doc. "P-Please doc... Do everything that you can do just to save him." Nagmamakaawang sabi ko. Damn this!

"We will. But sino sainyo ang kamag-anak ng pasyente?"

"A-ako po... I'm his causin." Nanlulumong sagot ko pa rin.

"Fill this up." Inabot nya sa akin ang form na about ata sa informations ni Dwyne. Sinagutan ko namang lahat yun tsaka ibinigay sa nurse.

Nandito kami ngayon sa Operating Room naghihintay sa paglabas ng doctor at sa magiging resulta ng operation. Pagbabayaran nila ang ginawa nila kay Dwyne! I swear to god! Babawian ko sila kapag may nangyaring masama sa pinsan ko!

Ang BoyFriend kong Siga ♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon