Kabanata II

178 91 2
                                    

Jennifer POV

MULA sa kinauupuan ko sa loob ng classroom ay matatanaw sa bintana ang malawak na plaza ng aming school, ang Mabini College. Doon ay masayang naglalaro ng baseball ang grupo ng mga fourth year college. Nakaipon ang lahat ng bag nila sa isang asul na bench na nasa tapat lamang ng pwesto nila. Okupado naman ng mga babaeng nanonood sa kanilang paglalaro ang ibang bench na nakahilera sa paligid ng plaza. At ang mga babaeng ‘yon ay may mga paghanga sa kanila, lalong lalo na kay Akira.

Pinanonood ko lamang ang bawat galaw ni Akira. Mula sa pagtira niya sa bola hanggang sa pagtakbo niya paikot ay sa kaniya lamang nakatuon ang buo kong atensyon. Dati pa ay gawain ko na talaga ang manood mula sa bintana ng aming classroom ng mga kaganapan sa plaza. But today hits different. Dahil ang napapansin na lamang ng mga mata ko ay si Akira. It all started since that juice accident happened.

THE moment I turned my gaze on the man who spilled his mango juice on my Birkin bag, my eyes first landed on his brown eyes. I was stunned for a moment. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakakita ako ng kayumangging mata sa malapitan. Napakaganda nitong pagmasdan. If I would be given a chance to stare at it everyday of my life time, I’ll grab it.

“Pasensya na. Hindi ko talaga sinasadya,” he sincerely said habang sinasalubong niya ng tingin ang aking mga mata.

That’s when I turned away my eyes at him. Napunta ang tingin ko sa lalaking mga dalawang hakbang lamang ang layo mula sa amin. I caught him laughing silently while looking at us—sa amin ni Akira. Pero kaagad rin niyang naipormal ang kaniyang mukha nang mapagtanto niyang nakatingin na ako sa kaniya, wearing my expressionless, intimidating face.

Kaagad ko ding ibinalik kay Akira ang aking tingin. “Okay lang,” I told Akira, barely above a whisper. Matapos kong sabihin ang dalawang katagang ‘yon ay bumalik ako sa aking upuan at ipinagpatuloy ang pagkain ng siomai rice na parang walang nangyari.

Akira Dela Cruz is a popular guy in our school. Girls are drooling over his almost perfect features. At ang kayumanggi nitong pares na mga mata ang pinaka-nakahuhumaling dito. He is tall, maybe six point five. Maputi siya. Ang kaniyang itim na buhok na may pagka-wavy ay mahaba at umaabot hanggang sa siko niya. Lagi niya itong ipino-ponytail nang mataas.

May kalakihan din ang kaniyang pangangatawan. And lastly, he has an excellent grades in all of his subjects. Agrikultura ang kursong kinukuha niya. And it looks cute seeing a handsome guy planting and caring for plants.

Si Jeremy Badaguas naman ang lalaking kasama niya—the guy I caught silently laughing at us. Siya ang matalik na kaibigan ni Akira at lagi silang magkasama. Including Lance Cristobal, pero mukhang hindi nila ito kasama ngayon. Hindi gaya ng kurso ni Akira ay nasa pagpupulis naman sina Jeremy at Lance.

Ito ang unang pagkakataon na nagkalapit kami ni Akira sa halos apat na taon na naging mag-schoolmate kami. Hindi kami nagkakasalubong sa hallway ng school. Ni-hi o hello ay walang ganoong nagaganap sa pagitan namin. Pero lagi ko siyang nakikita sa plaza na nakipaglalaro ng baseball sa kaniyang mga kaklase at kaibigan. Minsan naman ay nakikita ko silang tatlo nina Jeremy at Lance na nakatambay at nakaupo sa malaking sanga ng puno ng mangga sa maliit na parke sa likod na bahagi ng school. Doon din kasi kami natambay ni Lorilyn kapag mahaba ang vacant ng klase namin. Bukod sa tahimik, ay mapresko ang lugar dahil puro halaman at puno, hindi kagaya sa main hall na maalinsangan.

“Jennifer, kung papayag ka…ako na ang maglalaba ng bag mo. Ibabalik ko na lang kapag natuyo na. Pero kung hindi, babaya—“

“Kunin mo na. Ibalik mo na lang kung kailan matutuyo, anytime basta convenient sa'yo,” I cut him off. Hindi naman big deal sa akin ang nangyari. Pwede naman labhan na lamang ang bag ko.

Before Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon