Clara POV
“ANG ganda ng lugar!” Namamanghang turan ko. Dinala ako ng taong lobo na ‘to sa isang mala-mini farm dito sa bundok.
Maayos na nakahilera sa buong paligid ang mga puno ng iba’t ibang klaseng prutas at gulay. Sino naman kaya ang nagtayo nito sa ganitong klaseng liblib na lugar?
Bumaba na ako sa kaniya. Pagkatapos ay nag-anyong tao ulit siya. Susmaryosep! Nakita ko na naman nang hindi sinasadya ang kaniyang ‘ajanabvssvshshh’—nevermind.
Kagaya ng ginawa ko kanina ay muli ko siyang binihisan. Ngunit ngayon ay t-shirt at pants style ang ginawa ko. Hindi na kaya ng panga ko na tumawa pang muli nang sobra.
“Welcome to my farm,” proud na saad niya at iminuwestra ang kaniyang kamay sa nakakatakam na tanawin na nasa harapan namin ngayon.
“Ikaw ang gumawa niyan?” May pagdududa na tanong ko.
“Believe me or not, I’m the one who planted all these fruits and vegetables.”
“Bakit wala ka sa kuta niyo?” Kuryuso na tanong ko. Naupo siya sa damuhan at tumanaw sa kaniyang farm. Maaliwalas ang kaniyang mukha.
“I’m a rouge now. I was kicked off because I beat the Beta’s son,” sagot niya na parang wala lang ito. Umupo ako sa tabi niya. Eh ‘di mapanganib siya?
“Bakit mo ginawa ‘yon?”
“That asshole was pestering my sister. He keeps insisting his love for my sister, to the point that he almost kidnapped her. Well, my sister doesn’t like him.”
“Bakit ikaw pa ang naging masama? Dapat yung manliligaw ng kapatid mo ang napunta sa pwesto mo.”
Humarap siya sa ‘kin. “Anong laban ko sa papa niya? He is a high ranking official. While me? I’m just a muscular, handsome man who loves to plants fruits and vegetables and sell them to the market.”
Natawa ako sa sinabi niya. Seryoso siyang nagkukuwento pero naisisingit niya pa din ang kaniyang kayabangan.
Tama naman ang sinabi niya na gwapo siya at maskulado. Pero huwag na nating sang-ayunan. Baka lalong madagdagan ang hangin sa kaniyang katawan.
“Kailan ka pa naging rouge?”
“Ngayon lang. Kahit no’ng hindi pa ako kabilang sa mga rouge, paminsan-minsan ay dumadayo talaga ako sa lugar kung saan naninirahan ang mga mortal na tao. It feels peaceful in here, and nakakamangha ang buhay dito. Then, I would go to the mountains and then make my own farm in them. Pagkain para sa mga maliligaw na tao or animals.”
“Pa’no yung kapatid mo? Mga magulang mo?”
“I’ll be back soon. But for now, I want to unwind myself. Dito na muna ako.”
“Malayo pa naman ang kabilugan ng buwan. Baka gusto mong sumama sa akin sa sentro? Tumuloy ka muna sa isang hotel, sagot ko. Para naman mag-enjoy ka rito,” suhestiyon ko.
Sa nakalap kong impormasyon, kapag bilog na ang buwan at nagiging visible na ito sa mga mata ng mga mortal ay hindi na nila mapipigilan o makokontrol ang pagpapalit nila ng anyo patungo sa pagiging lobo. Kaya hangga’t hindi pa iyon nangyayari ay ligtas pa siyang makipagsapalaran sa lugar kung saan naninirahan ang mga tao.
“I would love that. What’s your name, little witch?”
“Little talaga? Mataas ka lang kaya mukhang maliit ako kapag kasama ka,” masungit na saad ko sa kaniya. Ayoko ng pinakikialaman ang height ko na mababa. Tanggap ko na at hindi na kailangan pang ipamukha sa ‘kin. Sana lahat, biniyayaan ng mataas na height.
BINABASA MO ANG
Before Us (COMPLETED)
WerewolfSet in 90's times... Jennifer Largo used to be a cold hot headed teenage girl. She was living a normal life, not until a faithful encounter with Akira Dela Cruz, a college guy who spilled a 1 peso worth of juice on her 7,000 worth of peso bag. Sh...