Kabanata XII

77 30 0
                                    

Jennifer POV

ANG underworld ay naka lokasyon sa lugar na tinatawag na Eastfox. Walang kakayahan ang isang normal na tao na makita ito sapagkat nananatiling invisible ito sa mga mata nila gamit ang malakas na kapangyarihan ni Amara. Nagtungo kaming tatlo roon habang nakasakay sa isang mas mahabang sanga. Ang kapangyarihan ko ang nagpalipad sa sinasakyan namin habang si Ate Clara naman ang nagpapanatili ng pagiging invisible namin sa mata ng mga normal na tao. Habang si Kuya Vince naman ang siyang naging gabay namin upang maarating ang lugar na iyon. Nagawa niya pang kumain ng fries sa mismong biyahe namin.

Mahaba-haba rin ang oras ng aming paglalakbay dahil sa malawak na karagatan pa ng Europa nakatayo ang lugar. Aakalain ng normal na tao na totoong dagat iyon ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay isang lungsod iyon na pinaninirahan ng mga taong lobo. Ang dagat na nakikita ng mga mortal ay isa lamang na ilusyon na likha ni Amara. Ang paggawa ng ilusyon ay isa sa mga karaniwang kakayahan ng isang witch na kagaya ko.

Nang tuluyan na naming matanaw ang lugar ay napansin ko ang tila usok na itim na nakapalibot sa kabuuan nito. Marahil ay ito na ang kapangyarihan na nagmumula kay Amara. I dare not to call her Tita dahil hindi niya deserve na tawagin at galangin ko siya sa ganoong paraan, after what she did to me, to Akira and to my parents.

Bumaba kami di-kalayuan sa border ng Eastfox. Hindi kasi kami maaaring pumasok ni Ate roon na ginagamit ang aming kapangyarihan dahil malaki ang tiyansa na malaman ni Amara ang aming pagdating at pagpasok sa kaniyang teritoryo. Nang masiguro namin na walang mortal sa kinaroonan namin ay nagsimula na kaming lumakad papasok sa lungsod. Nauuna sa paglalakad si Kuya Vince tutal siya naman ang may alam sa lugar na ito. Si Ate ay ni-minsan ay hindi pa siya nakakapunta rito. Wala raw siyang balak sumugod dito hanggat hindi ko pa natutuklasan ang totoo kong pagkatao.

Nang makaapak na ako sa lugar ay sumalubong sa akin ang maalikabok na pamilihan. Kaliwa't kanan ang mga kargador na abala at nagmamadali sa pagbubuhat ng mga mabibigat na bagay. Ang mga mabibigat nilang mga yapak ang nagdudulot upang magsiangatan at sumama sa hangin ang mga alikabok. Bahagya akong nabuo dahil doon.

Dumaan kami sa gitna ng pamilihan at paminsan-minsan ay nabubunggo ako o kaya naman ako 'yong nakakabunggo ng mga abalang kargador at mamimili. Ngunit hindi man lamang ako nakatanggap mula sa kanila ng matatalim na titig at hindi magagandang salita taliwas sa inaasahan ko. Dire-diretso lang sila na para bang walang nangyari. Mas malala pa pala iyong rush hour dito kesa sa mundo namin.

Nakarating kami sa tapat ng isang may kalakihang bahay. Gawa iyon sa solid na bato at napakasimple lamang ang istruktura. Hindi na sakop ng pamilihan ang lugar na ito. May sumalubong na isang magandang dalaga kay Kuya Vince at pagkatapos ay malakas siyang kinurot nito sa tagiliran. Napabaluktot siya sa sakit at halos hindi na maipinta ang kaniyang mukha. Tumingin ako kay Ate. Gusto kong malaman ang reaksyon niya.

"Hindi ako magseselos kasi kapatid naman niya iyan. Nakwento na niya sa-

"Sabi na gusto mo si Kuya Vince," pagpuputol ko sa sinasabi ni Ate. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa akin ng ma-realize niya ang kasasabi niya pa lang.

Tinawanan ko lang si Ate dahilan upang mapatingin sa akin si Kuya Vince at iyong kapatid niya. Lumapit sa amin ni Ate kasama kapatid niya at pinagpapalit-palit kami ng tingin.

"So, sino po sa inyo ang mate ni Kuya?" Diretsahang tanong nito. Napatingin akong muli kay Ate at tila malungkot na ngayon ang kaniyang mukha ngunit pinilit niyang ngumiti.

"Mga kaibigan lang kami ni Kuya mo. Ako nga pala si Clara at ito naman si Jennifer, bunsong kapatid ko," tugon ni Ate.

"Nice to meet you po. Ang gaganda niyo!" Masiglang bati sa amin ni-

Before Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon